Ang Emyasan ng Taon

5.6K 487 172
                                    

#HWTS21

official song (official?! official?! binili ang rights?! haha): Tila, by my beloved Clara Benin

//

Natulala ako.

At noong binalikan ako ng katinuan, dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko. Hindi ko sya pinansin kahit paulit-ulit nya akong tinawag sa malambing na paraan. Kahit gustung-gusto kong naririnig iyong pangalan ko sa bibig nya, pakiramdam ko, pati iyon, kasinungalingan. Muntik ko na ring i-doubt ang existence ko. Baka pati ako, kasama ng mga bagay na sinabi nya sa akin, hindi na rin totoo.

Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa kwarto. Nagpapalakad-lakad mula sa bintana hanggang sa cabinet. Katok sya nang katok sa labas at alam kong may susi sya sa lahat ng pinto rito at naa-appreciate ko naman na hindi nya sinubukang pumasok ng walang paalam. Pero gusto ko rin namang humingi ng oras para sa sarili ko at sa mga desisyon na gagawin ko. Rehab? I can't make a joke out of that. Naubusan ako ng witty cells sa katawan at ni hindi ako makapagbiro sa sinabi nya.

Nanlalambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa gilid ng kama ko.

"Maine," his voice was weak. "Kapag nakapagdesisyon ka na, nandito lang ako sa labas ng kwarto mo, ah. Tsaka pala..." Ang bagal-bagal nyang magsalita. "Nakasandal ako sa labas ng pinto mo, magsabi ka kung lalabas ka."

"Umuwi ka na," sagot ko. "Umuwi ka muna. Magpahinga muna tayo mula sa isa't-isa, okay? Baka maubusan tayo para bukas."

"Maine naman..." Nagmamakaawa ang tono nya. "Ayokong umuwi na galit ka."

"Hindi ako galit, Richard," I corrected him. "But this is too much to process. Hindi kaya ng utak ko. Naging dean's list ako dati pero hanggang du'n lang 'yon. And what you're saying is too much." 

"Am I too much for you?"

Hindi ko sya masagot. Kahit naman sobra-sobra na sya para sa akin, ayoko pa ring mawala sya. Kahit ilang beses na nyang nawiwindang ang buong pagkatao ko sa mga sinasabi nya, ayoko pa ring bumitaw. "No," I replied softly, wondering if he could still hear me. "You will never be too much for me."

Kung narinig man nya iyon, hindi na sya sumagot.

Mukhang wala syang planong umuwi at iwanan ako kaya naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ko at sumandal doon. We literally and figuratively have a wall in between us and it made breathing hard for me. Parang may nakabara sa dibdib ko at ayokong sumabog ito sa maling paraan kung hindi ko mailalabas. Isinandal ko iyong ulo ko sa pintuan.

"Maine? Are you there?"

"Oo," sagot ko. "Nakasandal ako."

"I... I hate walls," he replied. "But if this is what would make you talk to me, I'd endure."

I sighed. Eto na.

"Richard," panimula ko. "Why did you go to the rehab?"

Alam kong hindi dapat tinatanong ang mga ganitong bagay. Alam ko rin na may hangganan ang mga bagay na dapat kong itanong pero hindi ko talaga kaya, eh. Ayokong maramdaman ang takot sa taong mahal ko. Baliw na kung baliw at paranoid na kung paranoid pero naisip ko rin kanina na paano pala kung serial killer itong si Richard? Alam kong may iba syang ugali at hindi sya consistent pero ayokong matakot para sa sarili kong buhay. I don't want to guard myself when I'm with him. "Kahit ano lang, tatanggapin ko," paglilinaw ko. "Pakalmahin mo lang ako. Please. Kahit anong sabihin mo. Maniniwala naman ako, eh."

Paano kung tama pala iyong pinang-aasar sa akin ni Quen na suicidal si Richard? Ano nang gagawin ko?

"Hindi ako mamamatay-tao, Maine, kung 'yun ang iniisip mo," mahina nyang sagot at alam kong pinipilit ko na naman sya magsalita. For a second, I thought I was pushing him too much. Masyado ko na naman syang pinipilit na sabihin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. "Hindi rin ako lulong sa droga."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon