Ang Huling Pagmamaganda ng Taon

6.2K 467 96
                                    

Sa loob ng ilang taong pag-eexist ng kagandahan ko sa mundong ibabaw, parang ngayon lang na-exercise 'yung brain cells ko ng ganito. Sobra-sobra talagang pag-iisip ang ginawa ko nu'ng gabing 'yon hanggang sa makapagdesisyon ako. Grabe. Parang mas nag-isip pa ako dito kesa sa kahit anong final exam na pinagawa sa amin nu'ng college pa ako - ever.

Alam ko naman kasi na mali ako. Okay lang na magmahal. Pero 'yung ipagpilitan 'yung sarili ko eh du'n na ako nagiging kawawa kasi pare-parehas lang naman tayong worth the chase, 'di ba? If he's worth it, then I'm worth it, too, because we're just as the same. Naks, English 'yon. Magiging proud sa akin ang sangkabaklaan.

Tinawagan ko rin si Leo. Kapag kasi si Quen ang tinawagan ko, malamang. Ichi-cheer pa ako ng boba. Kaya dapat du'n tayo sa mas rational mag-isip at isa lang naman ang naging payo nya: Let your heart rest, Maine.

You're stressing over someone you don't know at all.

At na-realize ko rin naman na pucha, ang tagal-tagal ko na palang tanga.

Meron kasi akong switch sa loob ng katawan ko. It's the same switch that told me that I like Richard and I ought to have him. Kapag kasi naisipan kong gawin ang isang bagay, ginagawa ko talaga. Minsan nahihiwagaan din ako sa sarili ko how I was able to do that. Sure, I have regrets whenever that switch comes on and off at times, pero hindi gano'n kalala. I am Maine Mendoza, and I stand by my decisions.

Days passed. Weeks passed. Months passed. OA, dalawang buwan lang naman. Pagkatapos ng parang walang katapusan na awkward moments na tanguhan at ngitian lang sa office, kinausap ko na sya. Sabi ko, mag-usap kami for the good. Mukhang okay naman sya. At mukhang magiging okay na rin naman ako kasi within those two months, nag-isip talaga ako, sobra. Kahit mahirap paniwalaan na may utak ako at puro lang ako puso these days, nag-isip talaga ako.

And I've thought what's better.

Tama nga naman sya. Sayang 'yung friendship. He's a nice person, if you'll take my feelings out of the frame. Masaya talaga sya kausap, ganu'n. Baka nga tama sya. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin. Baka katapus-tapusan, maganda lang talaga ako.

"So... friends?" I offered my hand at the end of our conversation. Sobrang gaan pala sa pakiramdam nito. I felt like nawalan ng sampung toneladang dyamante ang dibdib ko. Okay pala 'yung wala kang pagnanasa sa tao, 'no? Ang tagal nyang kunin 'yung kamay ko kaya naman nag-add na ako ng punchline. "With benefits?"

Tatawa-tawa lang sya pero nakita kong natuwa sya sa set-up namin at kinuha na nya 'yung kamay ko. "Friends."

Sinabi ko na rin kina Quen ang desisyon ko. Si Leo, nakita kong natuwa. Si Quen, inismiran lang ako na sabi ang tanga tanga ko raw. I reasoned out naman na marami pa dyan. Hindi naman siguro ako tatandang talaga at hindi naman masama kung nasa akin pa ang korona ng isang taon. Another year of being single and alone and loveless wouldn't hurt, 'di ba?

Joke.

IT DAMN HURT! GRABE, ALAM MO 'YON!? 'YUNG MGA KA-OFFICEMATES KONG KASING-EDARAN KO NAKIKITA KONG MAY SUMUSUNDO AT NAGHAHATID AT MAY FLOWERS AND BREAKFAST PA SAMANTALANG AKO TINATYAGA KONG PUMILA SA MCDO PARA LANG SA KAPE PARA MAGMUKHA AKONG BUSY WORKING GIRL NA WALANG TIME MAKIPAGMEET FOR BREAKFAST PERO ANG TOTOO NYAN WALA TALAGA AKONG IME-MEET! PUNYETA.

Tinawanan lang ako ni Richard one time. "Ano ka ba," sabi nya sa akin. "Have faith. Hangga't nandyan si Lord, you're not alone."

I made this ugly, pained face. "Bes, hindi ko naman dine-deny ang existence ni Lord, 'di ba? Pwede 'wag mo muna syang isingit sa usapan kasi 'di pa kami bati? Lord, asan na 'yung prince charming ko? Na-traffic ba? Nasagasaan? Ano? Nasa ospital? Pwede bang pakisabi sa akin kung saan at anong room para mabisita ko? Kahit ako na ang gumawa ng paraan para magising sya sa pagiging comatose nya?!"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon