Ang Pawerpel na AlsaBalutan ng Taon

5.1K 532 207
                                    

#HWTS24

//

Six hours later, I was back in Kevin's car, pissed.

Okay first of all, dinala nya ako sa Enchanted Kingdom. Lampas isang oras ang naging byahe namin so all in all, apat na oras lang kami du'n. He said he had free tickets from his aunt kaya du'n kami nagpunta dahil sayang at walang gagamit. I told him that I prefer going to quiet parks than amusement parks dahil masasayang lang ang tickets nya sa akin. Hindi ako mahilig sa rides.

But then again, sabi nya okay lang. So we just ended up riding the merry-go-round and sobrang nakakahilo kahit 'yung simpleng ferris wheel. Paulit-ulit ko syang pinalo dahil pakiramdam ko mamamatay na ako sa pinakatuktok. Tinawanan nya lang ako. Hindi ako mukhang masaya pero dahil sige, bata pa sya at tanggap kong nae-enjoy nya ang mga ganitong bagay, sige. Magpapasensya ang Ate.

"But you look too cute," he pouted and showed me his phone. "I even made you my wallpaper."

Halos sumabog ako sa inis. Kitang-kita 'yung ngala-ngala ko du'n sa picture! Ilang beses ko syang pinilit na i-delete 'yung picture pero wala akong nagawa at ni hindi ko nahawakan 'yung phone nya.

So nag-aya na akong kumain. He bought food for me (which I ate well naman, at least). Kumakain lang ako ng tahimik nu'ng bigla nya akong pinatigil at pinunasan iyong labi ko gamit 'yung daliri nya. And he even licked the fingers he used afterwards.

"Kadiri ka!" I scolded him. "Bakit mo ginawa 'yun?!"

"Bakit, bulok ba hininga mo?"

"Hindi."

"Hindi naman pala," he shrugged and continued eating his burger. "It's fine with me."

I rolled my eyes and groaned. Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na tigilan na ako, ayaw nya pa ring tumigil. Naiinis na nga ako sa hindi ko malamang dahilan pero nanahimik na lang ako. After all, natalo ako. I should face my consequences.

Pero patagal kasi nang patagal... may nare-realize ako.

Pagkatapos naming kumain, Kevin asked if he could hold my hand. Magpoprotesta na sana ako noong dire-diretsuhin nya ako na kesyo wala naman daw may kilala sa amin dito, walang makakakita, at 'yun na lang daw ang pwede kong gawin para hindi sya masaktan masyado ay hindi ko pa nagawa. Nakonsensya ang lelang mo. Sige. Go. Nagpalinga-linga ako dahil may saltik talaga iyong nilalandi ko at baka sinundan kami.

Noong pabalik na kami sa sasakyan dahil nag-aya na akong umuwi, napatigil ako habang tinitingnan ko 'yung kamay naming magkahawak. Nauuna kasi sya sa akin at napatigil din sya pagkatapos ko. "Why?"

"I just realized something," I said without looking at his face. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin. "It's just..."

"Just ano?"

"That.. you're not him," I smiled, slightly apologizing. "That no matter how I tried to be happy with you today... it just won't work. Because you're not... him."

Hindi ko mabasa ang mukha nya. Nakatitig lang sya sa akin and before I knew it, he was pulling me towards him and kissed me. Sobrang nagulat ako kaya naman naitulak ko sya agad at nasampal. "Bakit mo ginawa 'yun?!"

"Parusa 'yan," he grinned as if my palm didn't leave a mark on his flawless face. "Sinaktan mo kasi ako."

I marched angrily towards his car and sat at the back. Hindi ko sya inimikan buong byahe kahit daldal sya nang daldal and even if he tried to make me talk with him. Naiinis talaga ako. Nakipagpaunahan pa nga akong lumabas sa kanya kahit pagbubuksan nya dapat ako ng pinto pagdating namin sa building ni Richard. "Bye," sabi ko na hindi sya tinitingnan. "Salamat sa food at sa road trip."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon