Ang Tunay na Pasabog ng Taon

6.3K 489 253
                                    

#HWTS22

//

Naging mas maluwag si Richard sa harapan ko. Ang dami-dami ko nang tinanong sa kanya at sobrang dami na rin nyang sinabi pero nirerespeto ko iyong pinagsamahan nila ni Dorothy at hindi ako nagtatanong. Ang alam ko lang, sinusubukan nyang kausapin si Dorothy. Kung masakit ba? Oo naman, syempre. Try nyo kaya sa position ko tapos huwag kayong masaktan?

Pero sobrang nakakatulong nu'ng fact na ginagawa nya lahat ng 'to sa harapan ko. Hindi na sya pumapasok sa banyo tuwing alas-dos para magtago. Minsan tinatawagan nya rin si Dorothy na hawak iyong kamay ko. No, hindi ito suicide para sa akin. 'Yung fact na wala syang sinusubukang itago mula sa akin... sapat na. Paano kung sinagot ni Dorothy iyong tawag na katabi ako? Maririnig ko kaagad ang pag-uusapan nila at sobrang laking improvement noon kumpara dati. Pero sabi ko sa sarili ko, kapag sumagot siya, aalis ako at bibigyan ko sila ng privacy.

Kaso dumaan ulit ang ilang linggo at wala pa rin kaming nakuhang sagot. Parang kahit ako, gustung-gusto ko nang magkausap sila. Palihim ko na nga ring kinuha iyong number ni Dorothy dahil pakiramdam ko, kapag diretsa kong hiningi, hindi nya ibibigay. Atribida talaga ako ng taon kaya ako rin, sinubukan kong maging tulay sa kanilang dalawa.

Hindi ko naman akalain na mas uunahin nya pa akong kitain kaysa kay Richard.

//

She was in front of me.

Dorothy.

Ang maalamat na babaeng sa kwento ko lang nakikilala. Iyong buhok nya, hanggang balikat lang at may ilang pekas din sya sa mukha. Ang yaman nya naman tingnan at sobrang mestiza dahil sa mga freckles nyang 'yon kahit ordinaryo lang 'yung suot nya. Naloka tuloy ako ng bahagya dahil ito na nga. Nasa harapan ko na nga... si Dorothy.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko. Should I be threatened? Afraid? Should I feel proud that I am with Richard? Why do I feel like I'm a mistress? Kasama ba talaga ako sa picture? Or I'm the one who took the picture and I wasn't in it in the first place?

"Thank you sa pagpayag na makipag-meet sa akin," panimula ko. Pinalaki naman ako na may manners ng mga magulang ko at kahit balasubas ang society, I know how to act right. "I'm Maine."

I stretched my hand, pero tiningnan nya lang 'yon. Napahiya naman ako at ibinalik 'yung kamay ko. Sinubukan ko pa ring ngumiti because I wanted things to be settled. "Siguro alam mo na rin kung bakit ako nakipagkita sa'yo," sabi ko. "Sana pumayag ka na -"

"I don't want to see my husband, Maine," sabi nya at tumigil ang mundo ko sa sagot nya. "I hope you understand that we are not on good terms."

Napatigil lahat ng nakapaligid sa akin sa sinabi nya. Hindi ko naramdaman 'yung bumubuhos na malamig na tubig gaya nu'ng nababasa ko sa kuwento dati pero pakiramdam ko, tinakasan ako ng ulirat. 'Yung para bang nawalan ako ng pakiramdam at patago akong napahawak sa kinauupuan ko. It took me minutes to respond and ask such a dumb question back. "Y-you are married?"

"Hindi ba sinabi ni Richard sa'yo?" Naningkit ang mga mata ni Dorothy. "I am Araceli Dorotea Archelaveta - Faulkerson, his wife of almost three years. Although we separated after a year of marriage dahil may mga bagay na... hindi kami mapagkasunduan and we're better this way. He didn't tell you any of those?"

Ni hindi ako makailing. How does a woman respond to that... properly? Is there even a proper way to respond kapag bigla mo na lang nalaman na kabit ka pala? "D-do you have... kids?"

"Wala," umiling sya. "Buti na lang kamo, wala. And it's been two years since we last had sex. Siguro naman malalaman ko kung nabuntis ako, 'di ba?"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon