Ang Pangalawang Rejection ng Taon

6.7K 507 86
                                    

"Ayoko na! Ayoko na talaga!"

"Gaga 'wag mong lunukin 'yung shot glass!"

"Hindi eh, hindi talaga! Ang pangit ko!"

"Alam kong pangit ka pero 'wag mo namang idamay 'yung phone ko sa pananalamin mo! Baka madamay 'yung selfies ko ng kapangitan mo!"

"Quen, tingnan mo, oh?! Ang kapal ng labi ko, ang payat ko nga pero ang laki naman ng pisngi ko, tapos ang dami ko pang ngipin! What if gusto nya 'yung manipis 'yung labi? 'Yung medyo chubby? 'Yung medyo mahaba 'yung mukha instead na bilugan? What if mas prefer nya ang mga bungal?!"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Medyo nakaka-ilang bote pa lang naman ako, ah, pero ang lakas maka-down ng confidence ng rejection ni Richard! Alam nyo ang malala?! Sa mga movie na napapanood ko, when the girl invites the guy inside her house, two things happen: she gets killed, or she gets laid. The latter happens often kasi puro romcom lang ang pinapanood ko kesa sa thriller pero feeling ko nasa isang thriller movie ako nu'ng ni-reject nya ako.

"E 'di simulan mo nang bunutin 'yung ngipin mo gamit ang long nose para dalawa na lang ang matira at mukhang idol mo si Spongebob," pagsusungit ni Quen. "O kaya iuntog mo na 'yung ulo mo sa pader para magising ka sa katotohanan na walang magagawa 'yang pag-iinom mo."

"Bakit ang unfair ng life?!" I wailed. "Why do I have to change myself just to have someone like me?! Ganu'n na ba ako ka-unlikeable?! Ganu'n na ba ako kapanget?! Sobrang rotten na ba ng personality ko?! Why do I have to change?!"

"Exactly," Leo shook his head. "You don't have to. You let them be."

Quen glared at him. "Gaga. Paano magkakalovelife itong kaibigan natin kung puro old school ang paniniwala natin na you-don't-have-to-change kinemberlu? This is the modern age!"

"But still," Leo insisted. "There is nothing wrong with Maine here."

"Exactly," Quen replied, imitating Leo's tone earlier. "Walang mali kay Maine kasi nga sya na talaga 'yung mali! 'Yang buong pagkatao at mukha nitong babaeng 'to ang mali!"

"Should I get implants?" I looked at my boobs. Grabe, hindi naman sa wala akong dede pero let's say na kung magkakaroon kami ng twins, hindi na kakayanin ng mga kumare ko. Hanggang dalawa lang talaga ang kaya nitong pa-dedehin, at kung kambal ang magiging anak ko, paano na lang si Richard?! I hate to give up one! "Or get waxed?"

"Gagita," tinapiran ako ni Quen. I feel encouraged, ha? "Ni hindi pa nga nya nagugustuhan 'yung mukha mo, bababa ka agad sa dede mo at sa keps? Ano? Daan muna sa level 1 ha, ate girl?"

I pouted. "Hindi ka na talaga nakakatulong." I turned to Leo. "Anong gagawin ko, Leo?"

He smiled at me with his dreamy eyes. I described those as dreamy kasi basta, I suck at definitions pero he had this distant look in his eyes na totally nakaka-inlove. Muntik ko na talaga syang maging crush kaso nalaman kong may boyfriend sya tapos 'yung pagkagusto ko, napalitan ng inggit. Sa mga girls dyan, akala nyo lamang ang keps? Nahh, iba na ang panahon ngayon.

"Don't ask me, honey," he answered. "You already know my side. You'd hate my advice."

"Argghhh," ginulo ko 'yung buhok ko. "Bakit 'di na lang kasi tayo, Leo?"

Quen made this ugly face, obviously disgusted, and Leo chuckled. "Okay, Maine. I'd date you kapag straight na ako."

Ilang rejections pa ba ang matatanggap ko? At nakaubos pa ako ng isang baso ng beer. Hindi naman ako madaling malasing sa beer pero nakakabusog kasi kaagad kaya nagpaalam akong magbabanyo.

And guess what kung anong nakita ko on my way to the comfort room?! Ang hinayupak na sobrang gwapo pero yummy na seminarista ng taon! Sa sobrang gwapo nya, kahit ang dilim at ang likot ng mga ilaw, mukha syang nagningning! Ayan tuloy, pati utak ko, gustong maglakbay mula sa bungo ko papunta sa kanya. Bakit ko ba nakalimutang friend nya 'yung may-ari?!

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon