My phone rang.



Mom's calling...



I almost gasped upon seeing my mom's name on the screen. Tinitigan ko muna ito. I think na-resched na naman ang pag-uwi niya at sasabihin niyang hindi siya matutuloy this month. It's okay, mom. Hindi na rin naman ako naghihintay. I'm already too used to it. Alam kong wala nang magbabago kaya tanggap ko na.



Twisting a strand of hair around my fingers, I lazily pressed the green button and I put the phone on speaker.



"Mom," I drawled languidly.



"Hi, honey!"



"Hi."



"How's your day going? I heard there's a typhoon coming. Did you go to school? H'wag ka na munang pumasok."



"I'm fine. I'm at school. It's safe here."



"Honey, it's not. Umuwi kana. Paano kapag umulan ng malakas? Baka mastranded ka!" Nag-aalalang sabi niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas. It's already raining, mom. Malakas man ang ulan pero hindi ang hangin, at kahit ganon ay mapapansin mo pa rin na pasama nang pasama ang panahon. Kahit hindi ka manuod ng news alam mong malakas na bagyo 'to. I checked the weather before I left the house, and we're in signal number one. "Hindi ka man lang ba pinigilan ng daddy mo umalis? Inuna na naman niya ang anak niya sa labas?!"



"What can I do? He's his favorite. Wala siya sa bahay nung umalis ako."



"Tch. Pabaya talaga kahit kailan 'yang daddy mo! Tatawagan ko siya mamaya! Hindi talaga dapat kita iniwan sa kanya eh!" Pero iniwan niyo pa rin ako, sa isip-isip ko. I didn't respond. I continued to watch the rain drip on the windowpane while listening to her. "And I already warned that kid. Tell me, is he aggravating you?! Pumupunta ba siya diyan sa'tin sa bahay?!"



Nagbaba ako ng tingin sa phone. "Isang beses pa lang siya dinala ni daddy sa bahay." Iyon ay ang unang araw na nakita ko siya at personal siyang ipinakilala sa'kin. "Sa resto naman..." Hmm. Now that I've thought of it...sa tingin ko'y iniiwasan ako ng lalaking 'yon. Kamakailan ko lang napansin. Iniiwasan ko rin naman siya pero mas ramdam ko na siya itong dumidistansya kapag nagkikita kami sa resto. Kapag nandon ako, hindi siya lumalabas ng kusina. Kapag naaabutan ko naman silang nag-uusap ni dad, nagpapaalam agad siyang umalis. I'm not complaining, though. Mas mabuti na 'yon para hindi ako mahirapan at para na rin maibsan kahit papaano ang pagkasira ng araw ko dahil lang sa nandyan siya. "...we never talk," pagtatapos ko.



"That's good. Marunong din pala siyang sumunod."



I frowned. "What do you mean?"



"No worries. Binigyan ko lang siya ng mga ilang paalala. I've done some research on him. So now it's your turn, honey."



"My turn?" I asked, a little puzzled.



"May assignment ako para sayo."



I winced. "Assignment, huh?"



"Yeah. Guess what? May kapatid siya na nag-aaral diyan sa Harrison."



"Really?"



"Yeah, he has a sister. Kaya gusto kong hanapin at alamin mo kung sino. Siya ang gagamitin natin para mas lumayo siya sa pamilya natin." Kumunot ang noo ko. Hindi ako nakasagot. "I'll take care of the rest. Basta ang gagawin mo lang ay alamin mo kung sino. Can you do that?" Natulala ako sa phone ko habang napapaisip kung sino ang kapatid niya, at kung 'yon din ba ang dahilan kung bakit ganon na lamang siya kung umiwas sa'kin sa resto nitong mga nakaraan, para bang may mawawala sa kanya kapag lumapit ako. Did mom blackmail him? "Sweetheart, are you still there?"



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now