Chapter 10 Apology

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sakit nun.



Pero mas maskit yung...LINOKO AT GINAMIT NIYA SI KUYA!!


At yung pinalit niya sa gwapo kong kuya ay mismong bestfriend ng Kuya ko!



Heath Andrada


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gwapo, mayaman, sikat, magaling mag basketball at womanizer. Anak siya ng isang pamilya na related sa company ng mga Salazar. At siya ang Bestfriend ng Kuya ko. Simula pa lang nung bata sila palagi na silang magkasama, para ko na nga rin siyang Kuya eh. Palagi niya akong linilibre at tinuturuan sa mga assignment ko sa english. Sa Canada kasi siya pinanganak. Kaya bihasa siya sa English. Kuya ko kasi eh English Kalabaw! Kaya, kay kuya Heath ako nagpapaturo. Ang Galing nga niya sa english eh.


Parati siyang nasa bahay namin. Sabay sila ni Kuya mag basketball, mag laro ng gadgets at kung mag turingan sila eh parang magkapatid sila. Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay eh. Minsan nga nagkakapalit na sila ng mukha, dahil palagi silang magkasama. Tinutulungan ni Kuya Heath si Kuya pag nasa rumble siya at pag na to-torpe yung Kuya ko sa mga crush niya. Kasangga ni Kuya Joshua si Kuya Heath para nga silang sina Mermaidman and Barnacleboy. Lakas maka spongebob! Hahaha.


Kaso lahat ng yun nagbago. Lahat ng yun bigla nalang nawala ng parang bula. Simula nung ipagpalit si Kuya sa Bestfriend niya! Duon na rin natapos ang pagkakaibigan nila. Hindi na sila nag papansinan at hindi na rin sila nag kikibuan. Nagtanim na ng sama ng loob si Kuya sa kanilang dalawa. Hindi ko rin masisi si Kuya. Linoko siya ng dalawang taong importante sa kanya. Sobrang sakit nun.



Kaya pati tuloy ako Na-iinis sa kanila! Ang sarap nilang i-umpog! Nakakainis sila. Parang hindi siya nagtaksil sa kuya ko ah? Lantaran siya kung mang-ahas! Hay naku. Naalala ko tuloy yung nangyari nung nalaman ni Kuya ang totoo niyang pakay.



Flashback

2 years ago


"Ivory please wag mo akong iwan!!" Nakaluhod si Kuya sa harap ni Ate Ivory.


"Joshua, Stop It!" Anong kayang ititigil ni Kuya? Anong nangyayari? Baba sana ako para kumuha ng pagkain. Pero nakita ko silang dalawa na nag-uusap kaya nagtago ako.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon