KABANATA 48

13.3K 456 16
                                    

Seth's P.O.V.

Sa mundong ito, kung saan mas nahuhusgahan ang likas na mabubuting taong napipilitang gumawa ng karahasan, para maprotektahan at mailigtas ang iba pang mabubuting tao...nasaan ang panig mo?

May kasabihan...namamayagpag lamang ang masasama sa bawat paghinto ng mabubuti sa patas na pakikipaglaban.

Pagsasabihan mo lang ba, ang isang magnanakaw na kumitil ng buhay ng mga taong kanilang ninanakawan?

Sasampalin mo lang ba, ang isang holdaper na bumaril o sumaksak sa anak ng may anak?

Pipitikin mo lang ba, ang mga walang awang gumahasa at nagpira-piraso sa katawan ng mga kababaihan at ng mga batang walang laban?

Ikukulong mo lang ba, ang mga taong halang ang kaluluwang handang magpakamatay, para lamang magkaroon ng pagkakataong makakitil pa ng buhay ng mas marami pang iba?

Kung magkagayon, ano ang ipinagkaiba mo sa isang demonyong pinagtatakpan at ipinagtatanggol ang masasama, upang mas maging mahirap ang magpakabuti, para sa mga taong likas na mabubuti?

"Hayup ka Seth! Buksan mo 'to para makita mo ang hinahanap mo!"

Tsk. Ako pa raw ngayon ang may hinahanap? Eh silang siyam 'tong nakakulong ngayon sa basement. Hindi ba't 'sila' ang may hinahanap sa bahay ko?

"Hindi mo kami p'wedeng ikulong nang matagal dito, may mga tao akong magtitimbre sa kinauukulan para hanapin kami rito!"

Alam ko. Kaya nga ipinahuli ko na ang lahat ang mga lookout mo. Para makapagsumbong sila na naririto kayo. Para makapag-issue ang kinauukulan ng search warrant. Gusto ko talagang magsimula na silang maghanap sa inyo--which by the way--took place an hour ago. Mabuti na 'yung klaro sa mata ng batas na wala akong kinalaman sa inyo. At kung ano man ang dinaranas n'yo ngayo'y kasalanan 'din naman n'yo.

Nilibot ng sampung pulis ang mansyon kanina. Wala naman daw silang nakita. Sino ba naman kasi sa kanila ang mag-iisip na may basement pa ang pinaka-basement ng bahay na 'to.

"Seth! Putang ina mo Seth!"

Halos mapigtal ang litid ni uncle Jose sa pagsisisigaw. Tatlong araw na rin kasi silang nakakulong ro'n. Walang tubig, walang pagkain, walang banyo pero... may hangin naman. Hindi pa ba sapat 'yun para magpasalamat sila sa 'kin?

Pinindot ko ang switch ng speaker, "Kumusta ka na, uncle?"

Pinagmasdan ko ang pagikot ng ulo n'ya sa screen; hinahanap n'ya ang pinaggagalingan ng boses ko.

"Hayup ka, Seth. Matuto kang lumaban ng patas! Pakawalan mo ako rito, magharap tayo tarantado!"

"Bakit uncle, naging patas ka rin ba kay Papa, nang binaril mo s'ya sa likod, habang binubugbug s'ya ng iyong mga tauhan?"

Yumuko s'ya. Hindi makapagsalita.

"Alam mo uncle..." Sinasadya kong maging kalmado ang aking pagsasalita, "'Yan ang hirap sa mga katulad mo. Double standard. Parating hindi patas sa 'yo kapag ikaw ang naaagrabyado, at nagiging patas naman kapag walang kinalaman sa 'yo."

"Sir Seth!" Biglang pagsingit ng isa sa mga nagtraydor kong tauhan. "Patawarin mo na ako. Napilitan lang ako dahil nasa kanila ang mag-ina ko."

Napakasinungaling naman talaga ng isang 'yun. Paano naman kaya s'ya magkakaroon ng mag-ina eh wala pa naman s'yang asawa o anak?

May sumipa at nag-untog sa kan'ya sa pader. "Manahimik ka!" Isa ito sa mga nagtitigas-tigasan pang tauhan ni uncle Jose.

"H'wag kang mag-alala uncle Jose." Pagtutuloy ko. "Ipinapangako kong magiging patas ako sa 'yo. Kung anong ginawa n'yo sa mga bangkay ng aking mga mahal sa buhay, 'yun din ang gagawin ko sa inyo. Mas mas'werte ka pa nga ng kaunti dahil hindi na muna kita papatayin katulad ng ginawa n'yo sa aking pamilya."

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon