KABANATA 24

14K 524 25
                                    

Seth's P.O.V.

"Mag-iingat ka sa bawat kilos mo, Seth."  Sabi sa akin ni Dario sa kabilang lin'ya.  "Narinig ko sa usapan nila, may ipinadala raw silang impostor sa loob ng mansyon para manmanan ang bawat kilos mo't galaw.  Iwasan mo na muna si Angelica... mahirap na, baka madamay pa s'ya."

Ano pa nga ba ang ginagawa ko sa mahigit nang isang linggo.  Hindi na nga ako nagpapakita para hindi ako matukso.  Nakukuntento na lang ako sa pagmamatiyag sa kan'ya sa surveillance cameras, sa loob ng mansyon at loob ng kan'yang k'warto.

Miss na miss ko na s'ya. Lalo na 'yung ilang araw na kami lang dalawa ang magkasama sa bahay. Miss ko na rin 'yung kulitan namin dahil no'n ko lang naramdaman na isa rin akong normal na taong ninakawan lang ng kabataan.

Para namang mababaliw ako minsan kapag paulit-ulit kong inaalala ang araw na nahalikan ko s'ya, lalo na 'yung sandaling ginatihan n'ya ako, na nagsilbing alaala ng kan'yang mahigpit ba yakap, malalambot na labi, mabangong balat at pares ng malulusog na dibdib na pasumandaling sinakop ng aking mga kamay.

Shit naman kasing buhay ang meron ako. Napakaraming buwisit. Mga taong animo'y bubuwit na pilit nakikisuno sa aking personal na espasyo. Hindi na talaga ako makapaghintay na maisagawa ang aking plano... ang burahin ang mga salot sa buhay ko sa ibabaw ng mundo.

"Malakas ang kutob ko na isa sa mga headquarters nila sa La Union ang pinagdalhan nila sa mga labi ng pamilya mo. Kaunting panahon na lang Seth..."

"La Union?"

"Do'n madalas dumideretso ang auntie mo mula sa Pampanga. May isang bahay na malaki roon na may mga puntod na walang pangalan sa bandang likod bahay."

"Sigurado ka?"

"Hindi pa... pero 'yun ang tinututukan ko ngayon. Kumuha na ako ng informer na tutulong sa akin na ireport ang mga misterysong puntod na 'yun sa pulis'ya. Ikaw ba? Ano nang balita sa mga taong nangingikil sa 'yo kapalit ng kinaroroonan daw diumano ng mga buto ng mga kapatid mo?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"Kung sa La Union ang suspetsa mo, sa bandang Rizal naman ang sa kanila. Pangtatlumpong manloloko na ang pinakahuli. Wala namang kapani-paniwala ni isa sa kanila. Gusto lang talagang makuha ang reward.  Balitaan mo na lang ako tungkol sa mga natagpuan mo sa La Union."

"Oo, sige."

***

Pangalawang linggong hindi ko man lang nakakausap si Angelica. Parang masisiraan na ako ng ulo.  Lalo na kapag nakikita ko s'yang kausap 'yung bagong driver na kainaman namang mambola sa kan'ya. Gusto ko sanang sapakin sa mukha. Masyado kasing paporma. Nag-aalala tuloy ako na baka masungkit n'ya ang Angelica ko sa mga boladas n'ya.

Hindi p'wede 'to. Kailangan ko nang gumawa ng paraang makausap s'yang muli.

Buong araw kong pinag-isipan.  Hinintay kong wala ni isang nakatingin. Nakatiyempo naman ako isang hapon na makapuslit sa loob ng silid ni Angelica.  Wala pa s'ya sa loob nang pumasok ako.  Naghintay pa ako ng dalawang oras bago natapos ang kan'yang trabaho.

"Dario! A-anong ginagaw--" Gulat na gulat s'ya nang makita n'ya ako sa loob ng banyo. Nakatapis lang s'ya nang tuwalya.

"Shhh..." Agad ko s'yang niyakap.

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon