KABANATA 41

13.6K 408 30
                                    

Angelica's P.O.V.

"Ano ba, Seth, 'yung kamay mo."

Pilit kasi n'yang isinisilid ang kan'yang kanang kamay sa loob ng harapan ng panty ko, habang nakatagilid ako pakaliwa at nakayapos naman s'ya sa aking likod.

"Sige na naman babe..." Bulong n'ya sa tenga ko, "Sorry na, gusto ko lang naman kasing marinig ang nasa isip mo."

"Eh sa nahihiya nga sabi ako eh."

Ang kulit-kulit, ang daming arte. Bakit ba kasi kailangang sabihin pa? 'Di ba dapat kapag hindi naman ako pumapalag, at nakikita naman n'yang gusto ko, understood na 'yun?

"O sige na. Kahit 'di ka na magsalita. Let's get this over with."

Hinila ko ang kamay n'yang pilit pa ring nagsusumiksik sa may puson ko.

"P'wede bang tagalugin mo na lang? 'Wag kang masyadong nag-i-ingles, binabalinguyngoy ako eh."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"O sige na, kahit anong gusto ng baby ko, ikaw na ang masusunod." Muling gumala ang kan'yang malikot na kamay.

"Ayoko na, nawalan na ako nang gana." Pagsusungit ko.

"Tamo 'to."

Tumagilid ako paharap sa kan'ya "I-explain mo muna sa akin kung pa'no ka napunta rito? At bakit gan'yan ang mukha mo? Puro black eye at bukol ka na naman. 'Wag mong sabihin na nakipagbugbugan kay Sir Zandro kaya ikaw ang naririto? By the way," Bumangon ako nang paupo at luminga-linga, "Sa'n mo dinala ang customer ko?"

Bumangon na rin s'ya nang paupo, tulad ko. "Ako si Zandro. 'Yun ang pangalan ko rito."

Sinaksak ko s'ya nang matatalim na tingin, "'Wag mo nga akong pinagloloko, Seth. Kung ikaw din si Sir Zandro, eh sino 'yung malaking lalaking may malaking tiyan na naririto kahapon?"

"Ako rin 'yun." Nginisian ko s'ya, "Ok ba ang disguise ko, ha?"

Nangunot ako bago ko hinampas ang may katigasan n'yang braso, "Siraulo ka! Anong trip mo ha?"

"Para turuan ka nang leks'yon."

"Leks'yon? Bakit, teacher ka ba?"

"Sa pagpili mo sa lintek na trabahong 'to over me."

Napangibit ako, "Ha? Kailan naman nangyari 'yun? Wala yata akong naaalala na pinapili mo ako."

"Ah basta! At bakit? Kung papipiliin ba kita ngayon, alin ang pipiliin mo, itong trabahong ito, o ako?"

"Kung sa alin ang mas mahalaga, i-ikaw s'yempre."

"Sinungaling ka, 'yang ilong mo humahaba!" Sambakol ang mukha n'ya.

"Pero..."

"Kita mo na? May pero ka pa? D'yan tayo nagkakagulo eh!" Bulong n'ya.

"Pero kung alin ang lulunukin ko para mabayaran ko ang mga utang ko sa 'yo at kay Madame Melai; pati na rin para masustentuhan ko ang pamilya ko, ito lang ang--"

"P'wede bang 'wag mo nang ituloy ang sasabihin mo? Eh kitang-kita naman na hindi mo rin kaya ang trabahong 'to eh. Mahawakan nga lang ang mga paa mo, naghihisterya ka na! Paano pa kaya kung pinipilahan ka na rito? Alam mo ba talaga ang klase ng trabaho ng mga babae rito?"

Natahimik ako sandali. Pilit nag-iisip ng mga bagay na p'wede kong isumbat sa kan'ya.

"Bakit ikaw? Anong ginagawa mo rito? Bakit sikat na sikat ka rito?"

'Yumuko ito, "Hindi na mahalaga 'yun." Mahinang sagot n'ya.

"Anong hindi mahalaga? Ilan ang naging babae mo rito, ha?"

Nagbilang ito gamit ang kan'yang mga daliri kaya binatukan ko s'ya. "Ganun karami, ha?" Binatukan ko ulit siya, "Ganun karami?!"

"Eh hindi pa naman tayo magkakilala no'n ah!" Kakamot-kamot s'ya.

"Eh bakit dito ka naghahanap ng babae? Ba't di sa matitinong lugar?"

"O kita mo na?! Sa bibig mo na nanggaling kung anong klaseng lugar 'to tapos dito ka pa nagsusumiksik magtrabaho?!"

"Sagutin mo muna ang tanong ko!"

"Eh wala naman akong balak makipagseryosohan kahit kanino kaya dito na lang. At least dito, alam ko at alam nila, na 'yun lang ang ipinunta ko rito."

"'Yun nga lang ba?"

Nginisian n'ya ako, "Bakit? Nagseselos ka?"

"Di 'no!"

"Sinungaling. Kitang-kita ko sa tilos ng nguso mo na nagseselos ka eh." Tumawa s'ya.

"Hmp. Ewan ko sa 'yo." Muli akong nahiga nang patagilid--patalikod sa kan'ya.

"Huy!" Automatic, yumapos ka'gad s'ya sa likod ko. "Ano na? Ituloy na natin."

"Ayoko na nga sabi."

"Naman 'to." Bulong n'ya habang kumakalas sa akin.

"Marami namang babae sa building na 'to eh, ba't 'di ka na lang sa kanila pumunta? I'm sure, magkakandarapa ang mga 'yun sa 'yo."

Tumawa s'ya. Nainis ako. Nilingon ko s'ya para lang ngusuan at simangutan. "Anong nakakatawa?"

Tiningnan n'ya ako, "Selosa." Bumangon siya, bumaba sa kama at saka naglakad papunta bathroom.

"Hoy saan ka pupunta?"

"Kay Maria." Nakabungisngis s'ya.

Nangunot ako, "Sinong Maria?"

Itinaas n'ya ang kan'yang kanang kamay, itinikom iyon at saka inalog. "Si Mariang Palad. Ang girlfriend ng bayan. Bakit? Pati ba naman do'n nagseselos ka?" At saka ito humagalpak nang tawa.

***

Ala sais nang umaga. Hindi halos ako makagalaw dahil sa pagkakapulupot sa akin si Seth. Hindi ko maigalaw ang mga braso ko kaya siniko ko na lang s'ya.

"Tsk." An'ya, habang nakabaon ang kan'yang mukha sa aking batok, "Ang aga pa, tulog pa tayo."

"Matulog ka hanggang kailan mo gusto, pero hindi ako sanay nang tinatanghali. Bitawan mo nga muna ako please?"

Lalo lang n'yang hinigpitan ang pagkakapulupot n'ya, "Ayoko nga. Gusto ko ganito lang tayo."

Sinubukan kong kumalas, hindi talaga ako makawala, "Seth, ano ba? Hindi ako makahinga."

Niluwagan n'ya ang yakap pero hindi pa rin naman n'ya ako binitawan.

"Bitaw sabi." Naiinis na talaga ako. Ihing-ihi na rin kasi ako.

"Ayoko."

"Naiihi ako eh."

Natahimik s'ya. "Sige, pero sa isang kundisyon."

Umikot ang mga mata ko, "Ano na naman?" Ang arte kasi.

"Sabay tayong maligo."

Mukhang wala talaga s'yang balak pakawalan ako kaya, "Fine. Pero ligo lang ha?"

"No deal."

"Anong no deal?"

"Basta, no deal." Bigla s'yang kumalas sa akin para bumangon. "Halika na." Hinila n'ya ako. Pero hindi pa man din ako nakakababa sa kama nang bigla n'ya akong binuhat. "Yari ka sa 'kin ngayon."

[End of this Chapter's Public Version]

The succeeding contents of this chapter are Rated R-18 and are password protected. Access to the Full R18 Version is available only for members of the DP R18 Book Collector's Club [A Private FB Group] and the DyslexicParanoia Reader's Access [A closed FB group for Mature readers ages 18 and up].

www.restricted.dyslexicparanoia.com

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon