KABANATA 14

16.5K 638 21
                                    

Seth's P.O.V.

Anong ba ang pres'yo ng mga bagay na hindi nabibili? Napakamahal. Sa sobrang mahal ay hindi mo na rin matutukoy kung magkano ba talaga.  Tulad ng buhay at hininga, matatamis na ngiti sa labi, halakhak ng kagalakan, katahimikan ng pag-iisip at mga luhang dulot ng nag-uumapaw na kaligayahan.

Mga bagay na walang pres'yong katumbas ng salapi, ay s'ya ring mga bagay na kinuha sa akin sa loob iisang araw lang. Tulad ng kapanatagan ng isipan, ligtas at maaliwalas na kapaligiran, mga pusong kumakalinga at  nagmamahal, pati na rin ang mga pangarap ng kamumusan at pag-asang makamptan ang mas maliwanag na kinabukasan.

***

"H'wag po! Parang awa n'yo na po, gusto ko na pong umuwi sa amin." Naka-uniporme pa ng eskwela ang batang babae nasa tant'ya kong mga nasa edad onse hanggang dose an'yos. Narumhan na ng dumi ang kan'yang damit; gulo-gulo ang buhok, dahil sa pagkaladkad sa kan'ya ng isang matandang demon'yo sa isang madilim na eskinita.

"Manahimik ka. Sandali lang 'to sabi."  Pinaghahalikan nito ang batang babae sa leeg, habang nagkakalas ng kan'yang sinturon.

Ang tarantadong si Elias.  Wala pa ring pagbabago.  Tumanda lang sa edad at kumulubot ang pagmumukha, pero hindi naman nagbabago ang likaw ng bituka. Matagal nang nangyari, pero paano ko ba makakalimutan na isa s'ya sa pumila sa murang katawan ng kapatid kong babae. 

Kay tagal kong hinintay na maging mas malaki at malakas kaysa kanilang lahat, dahil matagal nang hindi na ako makapaghintay na isa-isa ko silang pagbayarin sa lahat ng sakit at pasakit na dulot ng kanilang kasamaan hindi lang sa akin o sa pamilya ko, kundi sa bawat isang walang kalaban-labang biktima na patuloy nilang winawasak habang sila'y humihinga.

"Mama! Papa! Tulungan n'yo ako!" Bakas sa mukha ng dalagita ang matinding takot sa demon'yong lumilingkis sa kan'yang murang katawan. "'Wag po!"

Masakit na sa tenga ang hiyaw ng bata... tumatagos ito hanggang dibdib ko.

"Manahimik ka!"  Sinuntok n'ya ang bata sa tiyan. Agad naman itong nanlata.

Tama na. Ito na ang hud'yat ng katapusan ng hindi n'ya mapigilang kamunduhan ay kasamaan.

"Elias."  Malakas ngunit kalmado kong pagtawag sa matandang manyakis, 'di kalayuan sa kan'yang bandang likuran.

Natigilan s'ya; nilingon ako. Pangisi naman ang ipinalit ko sa nanlaki n'yang mga mata.

***

"Ahh! Ayoko na Seth! Parang awa mo na!" 

Halos wala nang natitira sa boses n'ya sa ilang oras nang kapapalahaw.

Pinatay ko na ang drill na itinarak ko sa kan'yang kaliwang tuhod, habang nakabitin s'ya nang patiwarik sa mismong bahay n'ya, malapit lang sa pinagkitaan ko sa kan'yang eskinita.  "Madali naman akong kausap Elias. Simple lang naman ang  tanong ko 'di ba? Saan n'yo dinala ang mga labi ng pamilya ko."

"H-hindi ko talaga alam, Seth. Wala akong--" Muli kong binuhay ang drill at itinutok 'yun sa kanang tuhod n'ya. "T-teka Seth, s-sandali lang... hindi ko talaga alam, p-pero may sasabihin ako! Parang awa mo na, pakinggan mo muna ako."

Muli kong pinatay ang drill.  "Sabihin mo na, bago pa maubos ang pasens'ya ko sa 'yo."

"Maniwala ka sanang hindi ko talaga alam kung saan eksaktong dinala ni Valeria ang mga labi ng pamilya mo, basta't ang alam ko lang, dinala sila ni Valeria sa bandang Norte. K-kung gusto mong malaman kung sino ang maraming nalalaman, hanapin mo ang kalaguyo ng Tiya mo. Si Jose! O-oo, hanapin mo si Jose! Sila naman talaga ni Jose ang nagplano ng lahat!"

Sinimangutan ko ito, "Ako? Ako pa ang paghahanapin mo kay Jose?!" Muli kong pinaandar ang drill.  Agad din naman s'yang nataranta at nagsisigaw.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

Pero naka full volume ang telebisyon at component n'ya. Kung may makarinig man sa sigaw n'ya, alam kong ito'y matatagalan pa.

"A-alam ko kung nasaan si Jose!" Umaatungal na hiyaw n'ya bago pa man lumapat ang drill sa kanang tuhod n'ya.

Muli kong pinatay ang drill.

"S-sa Pampanga... sa San Fernando, Pampanga."  Dugtong n'ya. "Do'n s'ya nakatira ngayon kasama ng mga anak nila ni Valeria. I-ibibigay ko sa 'yo ang address,  basta't pakawalan mo muna ako."

Tumawa ako. Pakawalan daw... ano kayang tingin sa akin ng tarantadong rapist na 'to, gago?

***

Doon pala.

Doon pala nagtutungo ang hudas ko Tiya kapag nawawala s'ya sa mans'yon ng ilang araw. Palibhasa, hindi na n'ya ako kilala, kaya't hindi na rin n'ya alam na nakamasid din ako sa bawat kilos niya't galaw.  Akala n'ya siguro, porket nakakulong lang ako sa kuwarto'y nakasarado rin ang aking mga tenga at mga mata sa mga nangyayari sa kapaligiran ko.  Doon s'ya nagkamali; at doon ko rin s'ya mababakli.

Hah!

Tama ang hinala ko. Hindi naman talaga sila naghiwalay ni Jose. Hindi rin s'ya inabandona ng kan'yang mga anak. Naro'n lang sila at nakakubli. Naghihintay lang sa kaliit-liitang ninanakaw n'ya sa akin.

Natatawa ako sa kababawan ng maitim nilang budhi. Habang batid kong pilit pa rin nilang inaalam ang tunay na kinaroroonan ng kayamanan ng pamilya, patuloy pa rin sila sa pagnanakaw ng maliliit na bagay sa aking sariling pamamahay. Pati antique na flower base ni Mama'y hindi  pinatawad ni Auntie. Gayun din ang mga ginto at pilak na kubyertos na binili ko pa sa ibang bansa, maging ang mga lumang kagamitan ng aming pamilyang inilagak ko lang muna sa bodega.

Pasimpleng pagnanakaw, paunti-unti para hindi halata; Palihim, para walang makaalam pero...tapos na ang mga panahong wala akong muwang. Alam ko ang lahat ng kan'yang ginagawa. Bilang ko ang bawat pirasong kan'yang ninanakaw. Naghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon para maibunyag ko sa kan'ya kung paano s'ya nagkamali sa pagiging kampante. Kasabay na rin ng pagsambulat ng aking paghihiganti, dulot ng matinding poot na itinanim n'ya sa aking dibdib.

***
"Hoy Dario, saan ka ba nagsususuot?"  Salubong sa akin ni Angelica habang pumapasok ako sa maliit na gate sa likod ng mansyon.  Aaminin kong nagulat ako, dahil hindi ko inaasahan na magagawi s'ya roon. Napakalayo na kasi noon sa mismong bahay, at walang nakakaalam ng lugar na 'yun kundi ako. 'Yun kasi ang isa sa lihim na daanan ko kapag gusto kong umalis ng bahay nang walang nakakaalam.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Namaywang ito at tinaasan ako ng isang kilay. "Kaninang-kanina pa kita hinahanap. Ikaw na nga lang ang kasama ko rito sa haunted mansyon na 'to, hindi naman kita mahagilap. Nilibot ko na ang buong hardin, hindi naman kita makita. Napilitan tuloy akong magkalkal ng basurahan, baka kako doon ka na nakatulog."

Napangisi ako sa sinabi n'ya. "Eh bakit mo ba ako hinahanap?"  Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa direks'yon ng mansyon, nakasimangot na sinabayan naman n'ya ako.

"Anong bakit? Alas tres na! Kanina pang alas dose nakahayin ang tanghalian. Gutom na gutom na ako! Ang sakit na nga ng ulo ko dahil hapon na, wala pa ring laman ang sikmura ko. Hindi na nga ako nag-agahan dahil sabi ko magba-brunch na lang ako. Ilang oras na kitang hinahanap. Naghisterya na nga ako dahil baka kako kinidnap ka na ng mga multo o mga alien dito. Gamuntik na nga akong mahimatay sa panic, mabuti na lang naisip ko kaagad na wala namang sasambot sa akin dito kapag nahimatay ako kaya kinontak ko na lang 'yung magtatawas sa amin para malaman ko kung anong klaseng maligno ang dumukot sa s'yo. Sabi n'ya, baka daw na-engkanto ka na. Puntahan daw kita sa likod-bahay dahil doon daw ito nakatira, blah...blah.. blah..."

Nagsasalita pa s'ya; putak ng putak, pero mas natawa ako sa kan'ya kaysa mainis. Kung ano-ano kasing sinasabi n'yang nakakatawa. Nawala tuloy ang inis ko't pagod ko pansamantala. Ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aalala sa 'yo. Masarap. Pakiramdam mo'y napakahalaga mo sa isang tao. Naiintindihan ko na ngayon ang pagtawa ni Papa noon kapag nasesermunan s'ya ni Mama kapag ginagabi s'ya ng uwi; niyayakap lang n'ya ito at sinusuyo kaysa ang magdahilan at makipag-away.

[Itutuloy]

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon