KABANATA 18

15.3K 559 12
                                    

Seth's P.O.V. 

"Pinagbakasyon mo kaagad 'yung bago? Ilang araw pa lang 'yun dito ah."

Mukhang nakarating na sa atensyon ng tiyahin kong pakialamera, ang pagpapauwi ko kay Angelica.  Ang hindi lang n'ya alam ay kung bakit;  at wala naman akong balak sa sabihin ito.  Ano ba kasi ang pakialam n'ya sa gusto kong gawin sa loob ng pamamahay ko?  Samantalang malinaw naman sa kan'ya, na ayokong kinokontra ang mga gusto kong mangyari sa teritoryo ko.

"Eh Ma'am," Pagsingit ni Bea. Nagsasalin kasi ito ng inumin ko, habang kumakain ako ng hapunan sa dining table. "Lahat naman po, binigyan ni Senyorito ng bakasyon."  Sumulyap ito sa akin.  Hindi naman ako nagpahalata kay Auntie Valeria na sumulyap din ako kay Bea. "Ako rin po, pati po yata si Dario."

"Para saan ang bakasyon n'yo? Bakit kailangan n'yong magbakasyon kung kailan wala ako?!"  Umupo na s'ya sa kabilang dulo ng parihabang lamesa. "Bea!"  Biglang nagbago ang kan'yang timpla, "Bakit wala akong plato rito?"

"Ah eh Ma'am, hindi ko po kasi alam kung gusto n'yo pong magsabay ni Senyoritong kumain."  Muling sumimple ng sulyap sa akin si Bea.  Alam na alam naman kasi n'ya na ayaw na ayaw kong makakasabay si Auntie sa hapag-kainan.  Kung maari nga'y h'wag ko na s'yang makita pa kahit kailan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"O eh narito na ako hindi ba?"  Masungit na singhal ni Auntie Valeria kay Bea, "Ipaghayin mo na ako." Akala mo'y kung sinong amo ang paraan ng pag-uutos nito.

Nataranta tuloy si Bea.  Hindi malaman kung susunod ba o hindi.

"Sa uli-uling sisigawan mo ang mga tao ko." Kalmadong sambit ko sa kan'ya nang hindi tumitingin sa kan'ya.  Abala kasi ako sa pagba-browse ng nga artikulo sa tablet habang ako'y kumakain. "Ikaw na ang magpapas'weldo sa mga 'yan."

"Kaya umaabuso ang mga tao mo sa 'yo. Kinukunsinti mo ang kawalan nila ng respeto."  Matigas na sagot n'ya sa akin. Hindi man ako nakatingin sa kan'ya, ramdam ko naman ang talim ng pagtitig n'ya sa akin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"Kawalan ng respeto?" Tiningnan ko s'ya ng masama bago ko muling ibinaling ang mga mata ko sa binabasa ko, "Kawalan ng respeto kanino?  Sa 'yo?"

Natahimik s'ya.  Marahil ay nagugulat na rin sa pagsagot ko sa kan'ya nang pabalang.

"Ang alam ko, ang respeto ay pinagsusumikapang makuha." Pagtutuloy ko, "Hindi ito hinihingi... hindi rin iniuutos. At higit sa lahat?  Hindi rin ito ibinibigay sa mga taong hindi alam kung anong ibig sabihin nito."

Alam n'yang hindi s'ya uubra. Lalo na kung paandaran n'ya ako ng kasamaan ng ugali at baluktot na pangangatwiran n'ya.

"Ano lang ba ako rito, tautauhan?"  Pabulong na pagmamaktol n'ya, "Hanggang kailan ba kita titiisin, Seth?"

Tiningnan ko s'ya; nakangisi, "Sino bang nagsabi sa 'yo na magtiis ka? Kung hindi mo na kaya... dapat ko pa bang idikta sa 'yo kung ano ang dapat mong gawin?"

Biglang inihataw n'ya ang kan'yang magkabilang kamay sa lamesa na halos kasabay ng kan'yang pagtayo. Nanggigigil at nanginginig ito sa galit sa akin.

"Ano bang nagawa kong kasalanan sa 'yo?"  May pa-drama-drama pa s'ya na kunwari'y naluluha na. "Simula ng mamatay ang Mama mo, na kapatid ko, wala na akong inisip kundi ang kapakanan mo! Wala na nga akong itinira para sa sarili ko o sa mga sarili kong anak. Tapos ganito?! Ganito lang pala ang mapapala ko?"

Ngumisi lang ako. Sad'yang inaasar ko s'ya para lalo itong magpuyos sa galit.  Pilit kong pinigilan ang sarili kong sumabog.  Hindi pa oras para isupalpal ko sa pagmumukha n'ya ang lahat ng nalalaman ko.

Nag-aalala raw s'ya sa kapakanan ko mula ng pumanaw ang aking ina.

Iba na talaga ang eksperto sa pagpapanggap. Kung wala akong alam sa ginawa n'ya, malamang, mapapaniwala talaga n'ya ako.

Wala raw s'yang itinira para sa sarili n'ya.

Gusto kong masuka. Palibhasa'y hindi n'ya alam na ako mismo ang saksi, sa trahedyang idinulot n'ya sa aming pamilya.

Magtitiis ako sa kasinungalingan n'ya. Magsaya na s'ya habang may panahon pa. Sapagka't kapag dumating na ang tamang panahon ng aking paghihiganti. Itaga n'ya sa bato. Isusumpa n'ya ang araw ng kan'yang kapanganakan sa mundong ibabaw.

***

Hatinggabi na, hindi pa rin ako dalawin ng antok.  Hindi ko tuloy malaman kung pagsisihan ko ba na hinayaan kong umuwi muna ng ilang araw sa kanila si Angelica. Pero, napakamakasarili ko naman kung hindi ko s'ya papayagan. Lalo na kung heto't may mabigat s'yang pinapasan.

Hindi ko mapigilan ang matinding lungkot habang pinagmamasdan ko ang frame sa loob ng silid n'ya.  Naging pampaantok ko na kasi ang panoorin s'ya habang natutulog; ang pagmasdan ang maamo n'yang mukha hanggang sa dalawin ako ng paghikab.

I must be really going crazy over her. Lagpas isang taon na rin simula nang mahumaling ako sa kan'ya. Nagsimula ito noong araw ng pagliligtas n'ya sa akin, na nasundan naman ng makailang beses na dinalaw n'ya ako, noong mga panahong balot na balot pa ng benda at plaster ang mukha ko at buong katawan.

Naalala ko pa 'yung mga nakababaliw na mga k'wento n'ya tungkol sa kung ano-anong bagay. Bida lang s'ya nang bida noon kahit hindi ako nakapagsasalita at nakasasagot sa kan'ya. Kasama na rin do'n 'yung isang araw nang pangungulit n'ya na sabihin ko sa kan'ya, kung ano ba ang pangalan ko. Gusto raw kasi n'yng kontakin ang mga kamag-anak ko, dahil naawa raw s'ya na iwanan ako ro'n nang walang dalaw, dahil wala na raw s'yang pamasahe para makadalaw sa mga sumunod na araw.

Nakahuhumaling ang kalinisan ng kan'yang puso. At 'yun na nga siguro ang dahilan kung bakit tila naiuwi na rin n'ya 'yung akin, kahit na, hindi na s'ya nakadalaw pa hanggang sa ako'y nakalabas ng pagamutan, na nangyari naman sa tulong ni Dario at ng kan'yang asawa.

Si Dario.

Ang nag-iisang taong katulong at kasabwat ko simula nang lumabas ako sa Ospital.   Nagkalapit kami dahil katabi lang ng kama ko sa community ward, ang higaan ng anak nilang nakaratay noon dahil sa malubhang sakit. Natatandaan kong problemado sila noon. Ayaw kasi silang i-release ng Ospital, hangga't hindi sila nakababayad sa kanilang napakalaking balanse. 

Sa kan'ya ako nakipagkasundo para matulungan namin ang isa't isa.  Kung matutulungan n'ya akong kumuha ng pera sa isa sa napakaraming lugar na pinagbabaunan ko ng aking pangangwarta, sasagutin ko ang lahat ang hospital bills nilang mag-asawa. 'Yun din lang kasi ang naisip kong paraan, para makalabas ako. Wala naman kasi akong aasahang iba kundi ang sarili ko.

"May balita  na ako sa mga taong pinasusundan mo sa akin."  Pagre-report sa akin ni Dario, sa telepono. "Ipadadala ko  na lang sa email mo ang mga litrato at video na nakuhanan ko.  Tama ang hinala mo. Dito nga sila nagkukuta sa Tarlac."

"Sige," Sagot ko, "Salamat, Dario. Mag-iingat kayo r'yan."

"Oo, sige. Bye."

Ibinaba na n'ya ang telepono.

[Itutuloy]



Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon