KABANATA 21

15.3K 567 42
                                    

Seth's P.O.V.

"Dario!"  Bungad ni Angelica sa cellphone kinagabihan. "Galit ka pa ba? Ano ba talaga ang nagawa ko sa 'yo? Ba't pa parati ka na lang nagagalit at nagwo-walkout sa akin?"

She's so naive.  Paano ko ba sasabihin sa kan'ya na ayokong marinig kung gaano kababa ang tingin n'ya sa kan'yang sarili; na kaya n'yang ibenta ang kan'yang katawan, at kaya rin n'yang ibuwis ang kan'yang buhay sa mga bagay na hindi naman kasing halaga n'ya?

Paano mo ba sasabihin sa isang tao na... mahal mo s'ya.  Pero sana naman... mahalin rin sana n'ya ang kan'yang sarili.

Kung ako nga'y handang kumitil para manatili s'yang ligtas sa masasamang tao, bakit naman gano'n na lang na 'di pala n'ya gaanong pinahahalagahan ang kan'yang buhay na pinagkakaingat-ingatan ko.

Sapagka't ano pang silbi ng pagmamahal mo sa mga hindi na humihinga? At sa mga taong kahit anong gawin mo'y hindi na magbabalik pa... mula sa ilalim ng hukay, tulad ng aking mga magulang at mga kapatid.

"Pasens'ya ka na. Marami lang akong iniisip." Sagot ko, sa mababang tono. 

Kausap ko s'ya habang pinapanood si Auntie Valeria sa surveillance camera. Naroro'n na naman kasi s'ya at palihim na nagtungo sa basement; alam kong hinahanap pa rin nito kung saan ba talaga nakabaon ang nakatagong mga bara ng ginto at hindi mabilang na mamahaling bato at mga alahas na naitabi ng aking mga magulang, mula sa minahan na kanilang kabuhayan noong sila'y nabubuhay pa. 

Mamatay s'ya sa kahahanap, pero hinding-hindi n'ya malalaman na... unti-unti ko na itong nailipat sa mas ligtas na lugar. At kung mayro'n man akong ibabaon doon balang araw, s'ya na 'yun, sampu ng kan'yang mga kasabwat.  Malaman ko lang talaga kung saan n'ya dinala ang labi ng aking pamilya...tapos na ang maliligayang araw n'ya.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"Kung ano man ang ikinagalit mo sa akin, sorry na, Dario. Sana lang alam ko kung ano, para hindi ko na uulitin."

Her heart is warm and golden. Hindi ko rin naman kayang magalit sa kan'ya nang matagal.

"Ayoko lang marinig na hindi mo masyadong pinahahalagahan ang sarili mo."

Natahimik s'ya sandali bago n'ya may kasiglahang sinabi, "Shucks naman Dario, ang sweet mo naman." Humagikhik sya. "H'wag kang gan'yan, mamaya n'yan ma-misinterpret kita."

Napangiti na ako, "Ma-misinterpret na ano?"

"Ano pa, eh 'di na...type mo ako." Humalakhak s'ya na para bang tuwang-tuwa s'ya sa sinabi n'ya, "Hoy, joke lang 'yun ha? Baka magalit ka na naman d'yan, pagbagsakan mo naman ako ng telepono. O s'ya sige na. Since napatawad mo na 'ko, ibaba ko na 'to, mauubos na 'tong load ko eh. Bye..."

She hung up.

Napailing ako; napapangiti sa inosenteng kapilyahan n'ya. 

If she only knew.

I really wish... she actually knew.

***

Client 90.

"Tenebris Anima."  Boses ito ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nakapagbulong po sa akin na kayo ang makatutulong sa akin." Nag-umpisa nang mabasag ang boses nito.  "Pero wala na po akong maipambabayad. Naubos na po ang lahat ng aming kabuhayan dahil sa isinampang kaso ng aming pamilya laban sa isang makapangyarihang tao. Ngunit umaasa po ako't nagbabakasakali... na kung hindi man namin nakuha ang katarungan sa bulok na sistema ng hustisya'y personal na mabigyan ko naman ng katarungan ang kamatayan ng aking dalawang anak, laban sa mga walang awang nanakit, bumaboy at pumaslang sa kanila."

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon