KABANATA 25

14.2K 524 50
                                    

Seth's P.O.V.

Hindi ako ipinanganak kahapon. Alam kong kapag hindi ko ginawan ng paraan ito ngayon, lalong lalayo ang loob n'ya sa akin. Lalo pa ngayon na tila may umaaligid sa kan'ya, na halata namang may gusto sa kanya.

Sa pag-akyat n'ya sa canopy bed, sumampa rin ako at pumwesto sa kan'yang tabi.

"Anong ginagawa mo?" Itinutulak n'ya ako at pilit pinaaalis. Hindi naman ako nagpatinag. "Kapag hindi ka umalis, sisigaw ako!"

"Eh 'din sumigaw ka."  Kalmado lang akong nahiga. Nakahalukipkip na nakatingin sa kesame. 

"Dario, ano ba?!" Pinapalo n'ya ako sa dibdib at sa braso. Masakit pero tiniis ko. "Umalis ka nga d'yan!" Kinurot din n'ya ako sa kaliwang pisngi.  Nasa kanan kasi n'ya ako.

"Aray ko naman!"  Sinamaan ko s'ya ng tingin habang hinahaplos-haplos ko ang kinurot n'yang pisngi ko.

"Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag hindi ka umalis dito!" Gigil na gigil s'ya. Kinuha n'ya ang unan at tinuunan 'yun sa ibabaw ng aking mukha.  Hindi ako makahinga kaya't tinapik-tapik ko ang braso n'ya. Tinanggal naman n'ya kaagad.

Tumagilid ako at nauubong hinabol ko naman ang aking paghinga.  Buwis buhay na 'to, at dahil do'n, lalong hindi na n'ya ako mapaaalis ngayong gabi.

"Dario!" Nanggigigil na sinabunutan at inalog-alog n'ya ang ulo ko. "Ano ba? Gusto mo bang mabugbog?"

Nilingon ko s'ya at nginisian, "Oo ba, basta ba pag naka-survive ako, dito mo na ako patutulugin."

Lalo s'yang nanggalaiti sa inis.  Bumaba ito ng kama, kumuha ng bakal na hanger sa closet at humayang papaluin ako sa may gilid ng kama--sa side ko.

"Kapag hindi ka umalis. Mata mo lang ang walang latay!" An'ya.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

Nginisian ko s'ya para mas mainis s'ya, at saka ko sinabing, "Bring it on, Amazon!"

Nag-alinlangan s'ya nung una, pero dahil siguro sa sobrang frustration at inis n'ya sa akin, hinagupit na nga n'ya ako ng hanger na bakal sa pigi. Nagulat ako sa sobrang sakit. Halos mamilipit ako nang ilang beses pa n'yang inulit 'yun sa iba't ibang parte ng katawan ko, and then she stopped. Natanaw kong natulala s'ya, nabitawan ang hanger at tiningnan ang kan'yang mga kamay na parang hindi s'ya makapaniwala na nasaktan n'ya ako ng todo.

Tiningnan ko ang mga parte ng katawan kong pinagpapalo n'ya. Isang tama sa hipline ang may mapulang latay, nagsugat at nagdurugo na 'yung natamaan n'ya sa lower back ko at tagiliran. May mga latay din akong natamo sa likod ng braso, gayun din sa pigi at bandang rib cage.

"I'm sorry, Dario." Maluha-luha s'ya. "Nabigla lang ako. I'm sorry." Tuluyan na s'yang umiyak.

Nananakit man ang mga parte ng katawan kong tinamaan ng mga palo n'ya, bumangon ako at tumayo sa mismong harapan n'ya.  Napayuko na s'ya at humagulhol; sapo ng kan'yang mga kamay ang kan'yang mukha.

"Bakit kasi ayaw mong umalis?" Humihikbing sambit n'ya.

Nilapitan ko s'ya at niyakap. Agad naman n'yang ibinaon ang kan'yang mukha sa aking dibdib.

"Eh kasi nga, gusto kitang makasama." Hinaplos ko ang kan'yang likod at inalo. "May batuta ako sa k'warto ko, gusto mong hiramin? Kahit batutain mo ako, hindi ako aalis dito."

Tumingala s'ya at napatawa sa gitna ng kan'yang pagluha. "Siraulo ka ba't ba kasi ang tigas ng ulo mo?"

"Bakit ikaw, ayaw mo akong pakinggan?"

"Ah basta."  Animo'y isa s'yang batang nagmamaktol.

"Ganito na lang, ba't 'di mo na lang tanungin muna si Bea kung may relasyon nga kami."

"Malay ko ba kung sikreto n'yo lang."

"Tamo ka. Ano ba gusto mong gawin ko para maniwala ka? Gusto mo bang magbigti na lang ako? Magpasagasa sa tren? Magbaril sa ulo. Sabihin mo sa akin. Gagawin ko."

"Ewan ko sa 'yo." Humihikbi ba rin s'ya.

"Anong ewan mo?"

Tiningnan n'ya ang nagsugat na tagiliran ko. "Sandali lang, kukuha ako ng alcohol." Akmang aalis na s'ya pero pinigilan ko s'ya. "Bakit?" 

"'Wag na, malayo naman mga 'yan sa bituka.  Nagkasugat na ako nang mas malala at malalim pa rito.  Wala ito. Matulog na lang tayo."

"Dito mo ba talaga balak matulog?"

"Oo."

"Hindi p'wede, Dario."

"Bakit naman?"

"Baka magalit ang amo natin. Baka sabihin pa no'n ginawa nating motel 'tong bahay n'ya."

"Bakit? Matutulog lang naman tayo ah? Unless..." Bumungisngis ako, "May iba ka pang gustong gawin." Itinaas-baba ko ang aking kilay bago ko s'ya kinindatan.

Pinitik n'ya ako sa ilong, "Siraulo!" Bagama't halata naman na pinipigilan n'ya ang pagtawa. "Inaantok na ako."  Naglakad na s'ya sa kaliwang side ko at nagsimula nang sumampa sa kama, "Matulog ka rito kung gusto mo, pero matutulog ka lang ha?" Dinuro n'ya ako bago ito nahiga, "Kapag 'yang kamay mo kung saan-saan nakarating, tatamaan ka na naman sa 'kin!" Tumagilid s'ya nang patalikod sa aking side.

Sumampa na rin ako sa kama, pero sa kabila ng warning n'ya, ipinulupot ko ang aking kanang braso sa kanyang bewang, habang ibinabaon ko naman ang aking mukha sa kan'yang batok.

Tinampal n'ya ang braso ko, "Ano ba Dario, kasasabi ko lang na off limits ang kamay mo eh!"  Hindi ko s'ya pinakinggan, sa halip, idinantay ko pa ang aking kanang binti sa kan'ya.

***

Madaling araw...

"Shit naman Dario ang init ng hininga mo sa batok ko, hindi ako makatulog."  Pag-ungot n'ya habang pilit pa ring tinatanggal ang pagkakalingkis ko sa kan'ya.

Kunwari'y hindi ko narinig.  Mas lalo ko lang ibinaon sa batok n'ya ang aking mukha. At mas hinigpitan ko rin ang pagkakayakap at pagkakadantay ko sa kan'ya.

"Dios mio, Dario... hindi ako makagalaw sa ginagawa mo eh."

Hindi ko  pa rin s'ya pinansin.

***

Ala sais ng umaga...

"Dario, ano ba 'yang matigas na itinututok mo sa may puwitan ko, alisin mo nga!" Nagkakakawag s'ya para kumawala, pero nagpanggap lang din ako na tulog pa. "Dario, ano ba kasi 'yan? Ang tigas naman!"

Napangisi ako nang palihim.  'That's the Morning Wood (1) baby.'  Sabi ko sa isipan ko. Lalo kong ikiniskis ang aking hinaharap sa kan'yang likod.

I am having so much fun, kahit na ang totoo... I haven't slept at all. 

Alam kong nangingitim na ang palibot ng aking mga mata, at siguradong aantukin ako sa buong maghapon, but I couldn't care less. Because the perks of staying awake habang kayakap ko s'ya magdamag? Is definitely all worth it.

Footnote

(1) Morning Wood: is one of several similar slang or colloquial terms referring to the phenomenon of nocturnal penile tumescence (erection) during and immediately following sleep. [Wikipedia] 

[Itutuloy]






Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon