KABANATA 27

14.3K 513 65
                                    

Angelica's P.O.V.

"Ay susmaryosep santisima!" Na sinundan ko kaagad ng pag-aantanda. Mabuti na lang at hindi ako napasigaw, kundi'y makakaabala pa ako sa pagmimilagro ng hindi ko inaasahang pares sa loob ng garahe.

"Ano ka ngayon ha? Ano, ha?! Lalaitin mo pa ba ako. Kun'yari ka pa sarap na sarap ka naman." Ani kuya Tibz na tila gigil na gigil sa pagkubabaw kay ate Bea, sa likuran ng pick-up truck. Kapwa walang saplot ang mga ito.

Napanganga ako; bago ko tiningnan ang oras sa aking relo. Ala sinko pa lang ng umaga.

"Pakyu!" Pasinghal na sagot naman sa kan'ya ni ate Bea. "Eh talaga namang sarat ang ilong mo eh!" Na mukhang enjoy na enjoy naman sa kan'yang pagkakatihaya. "Ang taas ng tingin mo sa sarili mo eh kay itim-itim mo naman pango pa!"

"Ah, ganun pala ha. Eto ang sa 'yo. Umh! Umh! Umh!" Halos kasabay 'yun ng mas matinding pagyanig ng sasakyang kinalalagyan nila.

"Oh yes! Yes! Mabuti na lang hindi sarat 'yang ibaba mo! Pisti ka!"

"Ako pa ngayon ang Peste?! Teka nga..." Muling tumindi ang pagyanig ng sasakyan.

Tumindi ang pag-ungol ni ate Bea. Bigla namang tumigil ang pag-uga ng pickup

"Sinong sarat, ha?! Pag nagkamali ka ng sabi mamatay ka sa bitin!"

"Ako..." Padaing na sagot ni ate Bea.

"Hindi ko maring."

"Ako!" Mas malakas na pagdaing ni ate Bea.

"Ano kamo?"

"Ako na nga! Bilis na, shit ka naman eh!"

"Ikaw na nga ang ano?"

"Ako na nga ang sarat! Pisti ka T! 'Wag mo naman akong bitining hayup ka!"

'Yun lang at muli na namang umuga ang sasakyan na sinundan ng halos magkasabay nilang pag-ungol.

Sa sobrang pagkailang ay umalis na ako roon para magtungo sa kusina. Pero bago pa man ako nakarating roo'y natanaw ko si Dario na para bang nagmamadali sa paglalakad. Nagmula ito sa itaas ng bahay, patungo sa direks'yon ng pasilyong patungo sa likod-bahay.

Nagtaka ako kung bakit s'ya nanggaling sa itaas nang gano'ng oras, gayung, wala namang natutulog sa itaas kundi ako--sa isa sa limang k'warto at si Senyorito Seth--sa pinakadulo.

Sinundan ko s'ya hanggang sa nakita ko s'yang lumabas sa isang isolated gate na balot ng makapal na mga lumot at baging, kaya nama aakalain mong wala doon 'yun kapag ito'y nakasara. Natatandaan ko pa na doon ko s'ya pasikretong nakitang dumaan noon. At ngayon sa matinding curiosity ay marahan kong pinasok ang gate na 'yun.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

Napanganga ako sa aking nakita. Matataas na hedges na may tatlong lagusan kasi ang bumungad sa akin doon. Ang mga hedges na 'yun ay nakaayos na tila maze, na hindi mo tatangkaing pasukin unless kabisado mo ang pagpasok doon, maging ang pasikot-sikot at paglabas.

Wala na si Dario sa aking paningin. Hindi ko alam kung alin sa tatlong lagusan s'ya pumasok. At dahil wala naman akong balak pumasok sa alinman, bumalik na lang ako sa mansyon.

***

"Anthony!" Pagbati ko kay Anthony. Abala ito sa paghuhugas ng isa sa nga sasakyan ng aming amo.

Nakapagtatakang sinulyapan n'ya lang ako sandali, pero hindi naman n'ya ako pinansin.

Lumapit ako sa kan'ya. "Ok ka lang?"

Umiwas lang ito at umikot patungo sa kabilang side ng hinuhugasang sasakyan.

'Ano kayang problema nito?' Bulong ko sa sarili ko. 'Hmp. Kung ayaw mong mamansin, eh 'di 'wag.' Umalis na ako pabalik sa loob.

Papabalik na ako sa loob nang may naulinigan akong nag-uusap sa loob ng library. Ang alam ko'y natutulog pa si Ma'am Valeria at si Senyorito Seth kaya't nagtaka ako kung sino ang mga 'yun.

Marahan kong nilapitan ang pinto, at saka ko sinilip ang siwang...

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ni kuya Tibz kay Ate Bea. Si Ate Bea naman'y nasilip kong abala sa pag-isa-isa ng mga hardbound books na nakapatas sa isa sa mga shelves, na para bang, mayro'n 'tong hinahanap doon.

"Aha!" Mukhang nakita na nito ang hinahanap n'ya. Isa itong maliit na bote na may lamang likido sa loob.

"Ano 'yan?" Tanong ni kuya Tibz.

"Ito ay Truth Serum."

"At para saan naman 'yan?"

"H'wag kang maingay. Kailangang maibigay ko 'to kay Senyorito Seth mamaya. Buwisit na Dario kasi 'yan, eh s'ya naman talaga ang mismong may pakana ng Serum na 'to. S'ya ang huling-huli kong naghalo nito sa inumin ni Senyorito. At ngayong mukhang ipinaalam na n'ya kay Senyorito na kung minsa'y may halong Serum ang pagkain n'ya, binaliktad naman ni Dario ang istorya. Ako ang idinidiin n'ya. Ang pinalalabas n'ya ako ang nagtangkang magpainom kay Senyorito Seth nito."

"Paano mo naman nalaman na ikaw ang idinidiin?"

"Sinabi sa akin ni Senyorito kagabi. Tumawag daw sa kan'ya ang ahas para kunwari'y magreport. Puro naman kasinungalingan ang mga sinabi n'ya. Akala yata n'ya mapapaikot n'ya ng ganun-gano'n na lang ang amo natin."

"Pero bakit kailangan nilang gamitan ng truth serum si Senyorito Seth?"

"Hindi ako sure, pero malamang dahil sa kayamanan. Balita ko kasi ay napakayaman talaga n'yang si Senyorito Seth."

"O, eh talaga namang mayaman s'ya 'di ba? Kung hindi, eh paano naman tayo makapagtatrabaho sa kan'ya?"

"Ang ibig kong sabihin? Mas mayaman pa sa inaakala natin. As in... super yaman, nakatago nga lang ang karamihan."

"Sinasabi mo bang ganyan talaga kasama si Dario?"

"Oo, as in. Napakasama. Mapagkunwari. Akala mo kung sinong mabait, pero isa naman itong hudas. At alam mo ba na miyembro pala ng sindikato 'yang si Dario?"

"Ano?!" Napalakas ang boses ni kuya Tibz. Maging ako ma'y nagulat.

"Shhhhh." Pagsuway ni ate Bea. "'Wag ka ngang maingay baka may makarinig sa atin."

"Totoo ba 'yung kay Dario?"

"Oo. Kunwari lang hardinero, pero ang totoo, miyembro ito ng sindikatong pinamumunuan ni Ma'am Valeria. Mamatay tao 'yun. Napakarami na nga raw napatay na tao 'yun. Walang sinasanto, basta't sagabal sa kan'yang plano, inililigpit nito."

***
Hindi ako mapakali simula nang marinig ko ang usapan ni Ate Bea at kuya Tibz. Hindi ko kasi kaagad matanggap na 'yung mabait na lalaking tumulong sa akin at sa pamilya ko'y isang napakasamang tao raw pala?

"Si Dario, mamamatay tao?" Mahinang sabi ko sa aking sarili.

Bigla naman akong nanlata dahil alam kong hindi ito malayo, lalo pa't malakas ang pakiramdam kong, s'ya rin nga ang pumatay sa limang lalaking nangharang sa amin ni Melissa. S'ya rin ang sumaksak kay Egay at malay ko ba sa marami pang iba.

"Dario, bakit ikaw pa?" Naiiyak na ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng takot sa kan'ya at sa kung anong maaari n'yang gawin sa akin at sa aking pamilya.

[Itutuloy]



Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon