KABANATA 35

13K 411 6
                                    

Angelica's P.O.V.

"Ate, pinapaalis na ba tayo ni kuya Seth dito?" Tanong ni Che-che sa akin habang nililinis ko na ang mga mga k'wartong ginamit namin nang mahigit sa dalawang linggo.

"Hindi naman, pero nakakahiya na sa kan'ya. Two weeks na rin kasi tayo rito. Wala namang napapala si kuya Seth mo sa atin. Baka nga nakakaabala na tayo."

Labing-apat na araw, ganun na rin katagal na hindi man lang nagpapakita si Seth. At nang minsang tumawag naman siya't ako ang nakasagot, si ate Bea naman ang hinanap n'ya. Napakalamig pa ng pagsasalita n'ya sa akin, na para bang, ayaw n'ya akong makausap. Ambigat tuloy sa pakiramdam, lalo na sa sitwasyon naming nakaasa at nakikitira lang sa kan'ya.

"Eh saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Biboy.

"Tinulungan tayo ni ate Melissa na maisaayos ang apartment na lilipatan natin. Hindi pa kumpleto ang mga gamit pero p'wede nang lipatan."

"Eh saan po 'yun, ate?" Si Biboy.

"Sa Mandaluyong lang, malapit sa bagong pagtatrabahuhan ni Ate."

"Ano ba ang bagong trabaho mo?" Pagsingit ni Inay.

Kinabahan ako bigla. Nangangapa sa isasagot at idadahilan. Hindi n'ya p'wedeng malaman kung saan. Sigurado kasing hindi n'ya ako papayagan.

"K-kasambahay din po. Hindi ganun kalaki ang kita pero ok naman."

"Ibig sabihin ba no'n, stay-in ka ulit?" Ani Inay, "Lingguhan ka rin lang makakauwi?"

"G-ganun na nga po."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"Angelica..." Pagtawag ni ate Bea sa labas ng k'warto. Nilingon ko s'ya kaagad. "Nariyan na sa ibaba 'yung taxi na ipinatawag mo."

"Sige, ate. Bababa na kami." Iginiya ko na ang mga kapatid ko palabas ng k'warto.

"Sigurado ka na ba talaga?" Bakas sa mukha ni ate Bea ang pag-aalala. "Hindi ko pa kasi ma-contact si Senyorito Seth. Kagabi ko pa sinusubukan pero hindi s'ya sumasagot. Baka kako busy."

"Oo, ate. May malilipatan na nga kami eh."

"P-pero anong sasabihin ko sa kan'ya kapag tumawag s'ya?"

"Sabihin mo lang ang totoo ate Bea. Totoo naman na nahihiya na kami at ayaw na naming makaabala sa kan'ya, at sa inyo. May malilipatan na naman kami kaya wala na kamo s'yang aalalahanin sa amin."

Kumamot s'ya sa ulo, nakasimangot. "Baka kasi magalit 'yun eh. Ibinilin kasi n'ya kayo sa akin. Ganito na lang... p'wede ko bang kunin ang number mo at bagong address? Ibibigay ko na lang sa kan'ya."

"Wag na ate. Mas magandang hindi na lang n'ya alam para hindi na s'ya ma-obliga na isipin pa kami. At mas magandang hindi mo rin alam para 'yun lang din ang sasabihin mo sa kan'ya."

"Naku, Angelica, malalagot talaga ako eh, pero ano bang magagawa ko kung gusto n'yo nang umalis?"

"Pasens'ya na ate, pero nauunawaan mo naman siguro ako, 'di ba?"

***

"Welcome back, hija." Sinalubong ako nang yakap ni Madame Melai. "Akala ko, tinakbuhan mo na ako."

Wala naman akong nagawa kundi ang magpaakap sa kan'ya. May bitbit kasi kong duffel bag sa kanang kamay, at maliit na handbag sa kaliwa.

"Halika," Hinila n'ya ako sa braso. "Ituturo ko sa 'yo ang k'warto mo sa itaas."

"Itaas?" Sagot ko. Nasa 4th floor na kasi kami kung nasaan ang k'warto ni Melissa at ng iba pang mga babaeng doon nakatira. At ang alam ko'y hanggang 4th floor lang ang Condo-style set-up ng building na 'yun.

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon