KABANATA 20

15.5K 579 57
                                    

Angelica's P.O.V.

"Anak, kinausap ako ng kaibigan mong si Dario bago s'ya umalis kanina." Ani Inay, habang naghihintay pa rin sa resulta ng operasyon ni Itay. "Inaalok n'ya ako, kung gusto raw nating lumipat sa mas maayos na tirahan, para na rin daw sa pagpapagaling ng Itay mo at ako."

"Naku Inay, madali naman pong sabihin 'yan. Ako man po'y gusto kong makalipat tayo sa mas maayos, pero sa ngayon po, hindi ko po alam kung saan tayo kukuha ng pang-upa."

"Ang sabi n'ya, hindi raw naman natin poproblemahin 'yun, s'ya na raw ang bahala ro'n. Ibinigay na nga n'ya 'yung address oh." May iniabot s'yang kapirasong papel na may nakasulat na address. "Tamang-tama, malapit lang ito sa iskwelahan ng mga kapatid mo."

Kinuha ko naman 'yun at binasa. "Subdivision? Naku, Inay, baka mahal 'yan."

"Sabi ni Dario, kumpleto na raw ang bahay na ito. Bungalow lang daw at simple pero maganda naman daw, ligtas at maaliwalas. Hindi raw natin kailangang upahan ito dahil s'ya raw naman ang nagbabayad ng amortization ng bahay. Ang ibig sabihin, kan'ya talaga 'yung bahay, hindi lang daw n'ya natitirahan pa dahil wala pa naman daw s'yang pamilya. Ano sa tingin mo anak?"

Kumamot ako sa ulo, "Eh Inay, ok lang po ba na kakausapin ko muna si Dario? Baka po kasi may nakain lang na 'di maganda 'yun kaya nakapag-offer ng gano'n. Sa ngayon, wala pa s'yang pamilya, pero paano kung bigla s'yang mag-asawa... sa'n naman tayo ngayon pupunta?"

"Kunsabagay. Pasens'ya ka na anak, na-excite lang ako kasi, hindi ko na yata maalala kung anong pakiramdam ng manirahan sa maayos na lugar. Pero sige, mag-usap muna kayo. Igagalang ko kung ano man ang maging desisyon mo."

***

Ayon sa duktor, naging maayos naman daw ang resulta ng operasyon ni Itay. Pero dahil maselan daw ang naging operasyon, kinakailangan pa raw itong ma-obserbahan pa ng ilang araw. Gayunpama'y malayo naman daw s'ya sa peligro, kaya doon na s'ya nailagak sa regular na kwarto, kung saan ay maaari namin s'yang makasama at makausap.

"Hindi ko alam na may mabubuti pa palang tao sa mundo." Sabi ni itay kay Dario, "Pakisabi mo sa amo n'yo, maraming salamat kamo sa pagpapaluwag n'ya sa aking anak at sa aming pamilya."

"Makakarating po." Sagot ni Dario.

"Anak." Pagbaling sa akin ni Itay. Hawak n'ya ang aking kamay. "Hindi ko alam kung anong mabuting nagawa ko sa buhay ko para magkaroon ako ng anak na katulad mo." Naluluha na ito kaya't napaiyak na rin ako. "Pasens'ya na anak sa lahat ng problema at pasaning dinadala mo dahil sa akin... sa amin. Patawarin mo ako kung mahirap lang si Tatay..." Maging si Inay ay napapaiyak na rin.

"H'wag n'yo pong intindihin 'yun Itay. Alam n'yo naman na hindi kaso sa akin kung mahirap lang tayo, basta ang mahalaga magkakasama tayo. Kaya ikaw... magpagaling ka. Iinumin mo lahat itong mga gamot na inireseta ng duktor sa 'yo. Tulungan mo ang sarili mong gumaling, para sa amin ni Inay at ng mga kapatid ko, ha?"

Nginitian lang ako ni Itay.

***

"Heto ang ikalawang tseke, pambayad sa lahat ng balanse dito para ma-i-release ang Itay mo bago kayo pauwiin. Ito naman ang extension credit card ni amo, para magamit mo raw sa pagbili ng mga gamot ng itay mo." Iniabot n'ya sa aking ang isang blank check na may pirma ni Senyorito Seth, at isang tila Credit Card na nakapangalan kay Seth Araullo Romualdez.

"Teka muna, Dario." Habang tinitingnan ko ang Credit Card ni Senyorito Seth, " Hindi naman kaya sobra naman yata ang tiwala ni Senyorito Seth para ipagkatiwala n'ya sa akin ang Credit Card n'ya?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"Ops... mali!" Inagaw ni Dario ang Credit Card sa akin, "Hindi pala 'yan, Main Card 'yan, ito pala 'yung extension..." May kinuha s'yang ibang card mula sa wallet n'ya na kahawig rin naman nung inagaw n'ya sa akin. Ang pagkakaiba lang... nakapangalan ito sa akin.

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon