Chapter 13 Meet the Sister

Start from the beginning
                                    



Nang makarating na ako kung saan sila tumatambay. Bigla nila akong hinarang sa labas ng classroom nila. Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko ang mga ngising aso nila sa akin. Aba! Gusto ba nila akong tirahin? Baka masampal ko sila kapag sinubukan nila akong galawin.


"Excuse me. Dadaan ako." Malamig na sambit ko sa kanila. Pero parang wala silang narinig, hindi nila ako pinadaan. Habang humahakbang ako papasok, siya namang paghakbang nila paatras. 


Biglang naningkit ang mga mata ko sa kanila. Ano bang trip nila?


"Padaan!"Sigaw ko sa kanila pero hindi sila natinag sa sigaw ko. Ayaw talaga nila akong padanin! Nakakainis! Akala mo may mga itsura sila. Tss.

"Sige na pre! Patikimin mo na!" Nakangising sambit nung isang payatot na lalaki, na isang ubo na lang, at ang pangalawang nagsalita kanina.


Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo akong nainis. Lumapit sakin yung isang lalaking na-unang nagsalita kanina.


"Hi Miss! pwede bang makipagkaibigan? with benefits ah?" Tanong niya sa akin habang linalagay pa ang kanyang hinlalaki sa kanyang ilong. Yuck!

"Sorry, hindi ako nakikipagkaibigan sa manyakis!" Masungit na sagot ko sa kanya. Tinulak ko siya papalayo sakin. Eww kadire.



"Aba! Matapang! Gusto ko yan! Tara sa cr?" Sambit niya at hinawakan niya ang kamay ko. Napangisi naman ako. Sige pagbigyan natin si kuya. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niyang kasing kinas ng buwan.

"Oyy, pre ayan na siya. Hahalikan ka ata?" Rinig kong sambit ng kasama niya. Mas lumawak ang ngisi ko sa kanya. Lumapit pa ako sa kanya ng napakalapit tapos nginitian ko siya ng nakakaloko. 



Gusto mo ng laro ah? Sige, maglaro tayong dalawa.

Linipat ko ang kamay kong nasa pisngi niya patungong batok niya. Narinig ko ang pagtili ng kasama niyang lalaki. Hindi ko inalis ang mga ngiti kong nakakaloko. Pinikit niya ang kanyang mga mata.

"Alam mo....type kita...." Mahinang sambit ko sa kanya. Narinig ko ang pag-hangulngol niya. Lumayo naman ako sa kanya. Dinilat naman niya ang kanyang mga mata.



"Type kitang sipain sa mukha!" Sigaw ko sa kanya at kasabay nun ang pagsipa ko sa mukha niya. Nagulat siya kaya napahawak kaagad siya sa mukha niya.

Anong akala niya? Hahalikan ko talaga siya? No way! Mandire nga siya. Ayos ng si Kiel ang halikan ko kaysa naman sa kanyang kapatid ng hito. Bigla akong natigilan. Anong sinabi ko? Naalala ako ang paghalik ni Kiel sa akin.Naalala ako ang pagdikit ng aming mga labi. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko.


"Aray!! Ang sakit nun ah. Ikaw..-" Sambit niya at sinamaan niya ako ng tingin. Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya. Kasi may nagsalita mula sa likuran niya.

"Hoy! Ano bang ginagawa niyo dyan?" Tanong ng isang lalaking nasa likod nila.

"Ano po kasi..." Hindi makasagot 'tong dalawang manyak na 'to.


"Wag ka nga mag-angas dyan!! Papasukin niyo siya!! Layas dyan!" Hindi sila makatingin sa nagbawal sa kanila. Humalukipkip lang ako sa kanilang dalawa na ang sama ng tingin sa akin. Sumagot muna sila sa nagbawal sa kanila bago nagbigay ng daan para sa akin.


What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now