Chapter 11 It's a Deal!

Start from the beginning
                                    

 Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ang pag ngiti niya. "Ayan! Gusto ko na." Sambit niya tsaka nag approve sign sa akin. Umismid naman ako sa kanya.


"Lagot ka na talaga sakin kapag inulit mo pa yun!" Pagbabanta ko sa kanya tsaka ako nag 'Im watching you' sign. Nagulat ako ng lumapit siya sakin habang natatawa at inigting ang bagang niya. Parang mawawalan ako ng hangin sa lapit namin sa isa't isa. 


"Sa tingin mo, Bad Girl ka na niyan?" Nakangising tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Hinuli ni Kiel ang mga mata kong pilit kong iniiwas sa kanya.

"Dapat na ba akong matakot sayo, Prinsesa?" Tanong niya habang nakangisi. Bigla namang tumalon ang puso ko ng tawagin niya akong prinsesa.


"Ba-bakit hindi ka ba natatakot s-sa akin?" Pinilit kong mag hamon sa kanya pero nautal lang ako sa huli.

"Saan ba ako matatakot?" Tanong niya sa akin hgamit ang mababa niyang boses. Napalunok ako at kumuha ako ng lakas ng loob para itulak siya. 


"Ewan ko sayo!" Iyun na lang ang sinagot ko. Tumingin ako sa sahig at pinilit kong ayusin ang sistema ko.

"Tara nga, Panget!" Sambit niya at hinila na ako. 


"Bakit mo ako hinawakan? Close ba tayo?" Mataray na tanong ko sa kanya. Liningon niya ako tsaka siya ngumisi sa akin at tumawa.


"Lagi naman tayong close ah." Sagot niya at tinukoy ang mga oras na nagkakalapit kaming dalawa ng literal.

"H-huh?" Iyun na lang ang naisagot ko.


"Yung deal natin!" Pagpapa-alala niya sa deal namin.

Naalala ko ang deal naming dalawa. Ang deal naming dalawa na pagtulong ko sa kanya kay Ingrid. Ang kapatid ng taksil na babaeng si Ivory! Hays. Nakaka-init talaga siya ng dugo. Kapag naiisip ko na tutulungan ko yung Ingrid na yun. Naiinis ako. Oo alam ko na walang kasalanan si Ingrid sa nangyari sa Kuya ko at sa magaling niyang kapatid. Pero kung tutulungan ko siya kay Ingrid parang kinalimutan ko na lamang at sina-walang bahala ang ginaw ni Ivory kay Kuya. Kasalanan ko bang nagtanim ako ng sama ng loob sa kanila? Eh sinaktan nila yung Kuya ko.



"Ano? Nakapagdesisyon ka na ba, Panget?" Tanong niya sa akin. Kinalas ko ang braso kong hawak-hawak niya.


"Ayoko! Ayoko nang ituloy yung deal!" Determinadong sagot ko sa kanya. Nagtataka siya at kumunot ang kanyang noo.


"Nakapag desisyon na ako. Ayaw kitang tulungan!" Dugtong ko tsaka  bumuntong hininga. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso 'to at diretsong tumingin sa akin.


"Ano? Bakit nanaman ba? Ano nanaman bang arte yan?" Na-iinis na tanong niya. 


Hay, naku. Mas naiinis ako. Ang kapal ng mukha. Siya na nga lang may kailangan sa akin tapos siya pa 'tong may lakas ng loob na pagtaasan ako ng boses at mainis sa akin. Tss! Kapag mayabang ka nga naman. Puro hangin ka lang sa katawan. At dahil sa inis ko, tumakbo na lang ako. Kainis! Mag ma-marathon nanaman ako neto.


"Hoy Panget! Wag mo kong takasan!" Sigaw niya sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakita kong hinahabol niya ako.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now