Chapter 9 Crush?

Magsimula sa umpisa
                                    


"Loko ka talaga, Kuya! Wala yun ayoko lang kasi na nagkakaganun ka. At tsaka ginawa ko yun kasi palagi kang bad mood. Ako na lang palagi mong napag di-diskitahan ng galit mo. Kaya ginawa ko yun. Para naman maging ma-aliwalas yang mukha mo. Para mabawasan din yung mga wrinkles mo. " Natatawang sagot ko sa kanya. 


Bigla namang nagkasalubong ang kilay niya at tumingin sa akin ng masama. Nainis ata siya dahil sinabi ko na may wrinkles siya hahaha gurang na kasi siya.


Akala ko re-resbakan ako ni Kuya eh. Pero ginulo lang niya ulit yung buhok ko tapos ngumiti siya. Bago siya umalis yinakap niya ako. Yinakap niya ako ng mahigpit. Hays, ang sarap naman sa pakiramdam. Ang sarap na may ganito kang kuya.


"Pero kuya, Masaya ako para sa inyo ni Ate Dianna. Wag ka na masungit ah" Ngumiti ako sa kanya at ninakawan ko siya ng halik sa pisngi.


"Kadire ka naman, Jassy! Hindi ka pa nag to-toothbrush." Reklamo ni Kuya habang pinupunasan ang pisngi niya. Natawa na lang ako sa kanya.

"Ang arte naman ng Kuya ko." Sambit ko at ginulo ko ang buhok niya. Umismid lang siya sa akin.


"Parang nung bata tayo. Kini-kiss mo pa nga ako sa lips eh." Pang-aasar ko. Bigla namang natawa si Kuya kaya nadamay din ako. Nagtawanan kaming dalawa nang maalala namin kung gaano kami ka-sweet nung bata pa kami. Ew.


"Bumama ka na nga Pader! Baka ma-late pa tayo." Sambit niya sa akin at nauna ng lumabas ng kwarto ko. 



Kahit na inasar niya akong Pader. Napangiti pa rin ako. Hindi ko alam. Pero tagline na niya yun sa akin. Hahaha siya naman Sungit. Hahaha gantihan lang 'to bes.


Bago ako bumama para kumain. Nakita ko yung panyo na nakalagay sa ibabaw ng tukador ko. Iyun ang panyong pinahiram ni Drake sa akin. Buti hindi nalaman ni Kuya na nabasa ako kahapon, naku kung nalaman niya. Patay talaga ako! Buti na lang at nakagawa ako ng palusot sa kanya kung bakit iba yung damit ko.


Habang hawak ko yung panyo at tinitingnan ko ito. May kung ano akong nararamdaman? Hindi ko masabi eh. Magulo.


"Jassy! Tara na!!" Bumama na ako at kumain. Binilisan ko talagang kumilos. 

Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Kuya and nakangiti siya buong biyahe. Ang sarap sa pakiramdam na ayos na sila ni Ate Dianna at maayos na ang pakiramdam ni Kuya.


Bumama na ako at pumunta na ako sa classroom namin. Napatigil ako sa harap ng pintuan ng classroom namin. Laking gulat ko dahil andoon si Kiel? Anong ginagawa ng kumag na yan dito?? Tuluyan na akong pumasok.


"Ang Gwapo ni Kiel!"

"Kiel crush kita!!"

"Papa Kiel!!"

"Kiel pa ano naman!"


Napa-irap na lang ako sa hangin dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Ganito na ba talaga ang mga kabataan? Wala ng alam magandang sabihin? Nakakainis naman. Bakit kasi andito 'tong Kiel na 'to. Siya ang dahilan ng ingay na 'to eh. Bwiset!

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon