Chapter 4 For the First Time

Start from the beginning
                                    

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin at sa isang kurap lang ay sinandal niya ako sa pader. Ilinagay niya sa magkabilang gilid ko ang kanyang braso. Dali-daling humataw ang puso ko. Napatingin ako sa mga mata niyang seryoso at diretsong nakatingin sa akin. Ano nanaman gagawin niya?


"Tumigil ka, baka maparamdam ko sayo ang salitang Masarap?" Sambit niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at nang makuha ko ang ibig niyang sabihin ay marahas ko siyang tinulak palayo.


"Manyak!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis! Bigla naman siyang tumawa kaya napakunot ang noo ko.

"Anong akala mo? Papatulan kita? Sorry, hindi ako pumapatol sa panget." Pang-iinsulto niya sa akin. Uminit naman ang dugo ko. Yabang.


"Hoy! Wala akong pakialam! At tsaka ito ang tatandaan mo. Hindi ko ibibigay ang bataan ko sa isang fvck boy na tulad mo!" Pagbitaw ko ng salita sa kanya. Tumingin lang ako ng diretso sa mga mata niya ngunit hindi ko mahanap ang pagseseryoso niya. Urgh!! Nakakaloka siya.

"Atleast gwapo naman." Nagawa pa niyang kumindat sa akin. Kainis! Ramdam ko yung hangin niya? Lakas!!


"Nakakatawa yung joke mo! Benta sakin yun." Nagkunwari akong natawa sa sinabi niya. Alam kong hindi iyun joke at inaasar ko lang siya. Hmp! Hindi lang siya ang magaling makipag-asaran.

"Aish! Tara na nga!" Bigla niya akong hinila.


"Hoy! Sa...saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at mariin lang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Yung puso ko bakit ganito? Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Kinakabahan ako ah? Baka kung ano gawin nito? Hindi pa naman ako marunong mag-karate. Makapag-enroll nga bukas.

"Wag ka ngang maingay dyan. Iuupo lang naman kita eh!" Sambit niya sa akin nang huminto kami sa mga upuan na nakapwesto dito sa corridor.


"Sit!" Utos niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Aba! Ano ako aso? Napasunod na lang ako sa sinabi niya. Umupo rin siya sa isang upuan at laking gulat ko nang hilain niya ang upuan ko paharap sa kanya. Ngayon magkaharap na kaming dalawa.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Naiilang na tanong ko sa kanya.


"About sa kasalanan mo sakin." Diretsong sagot niya na kinakunot naman ng noo ko.

"Huh? Anong kasalanan ko sayo?" Irritadong tanong ko sa kanya. Kanina pa niya dinidiin na may kasalanan ako sa kanya kahit na wala naman talaga.


"Yung panggugulo mo samin?" Sagot niya na patanong at parang hindi pa sigurado.

Bigla naman nag-init ulit ang dugo ko. Taena! Kung gusto nilang ituloy yun. Ituloy nila. Ano nanaman kinalaman ko dun? Dinadamay pa niya ako sa milagrong ginagawa nila. Hays. Triggered si ako.


"Oh, anong kinalaman ko dun?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Umayos ka ng sagot! Kokotongan kita.

"Hoy, ikaw lang naman yung umepal samin. At dahil sayo nakipagbreak siya sakin!" Sigaw na sagot niya sa akin. Gusto ko ng sapakin ang lalaking 'to. Pwede ba?


"Aish! Edi balikan mo. Wag mo akong dinadamay!" Sigaw ko. Aalis na ako pero pinigilan niya ako. Hayss. Ang lakas niya hindi ko siya mapigilan.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now