Chapter 2 The Brother

Start from the beginning
                                    


Gwapo, matangkad, bully (lalo na sa akin), chick magnet, mahilig sa rumble, walang inuurungan, matapang at higit sa lahat mas matanda sa akin. Siya si Kuya Joshua ko. Siya ang kuya kong walang alam kung hindi ang makipagbasag ulo. Tuwing uwuian, hilig na niyang makisali sa mga rumble. Kaya palagi siyang umuuwi sa bahay na may pasa sa katawan at minsan ay sa mukha pa niya. Hindi ko alam sa kuya ko pero sa tingin ko, pangarap niyang maging boksingero. Isa sa mga ayaw ko sa kanya ay ang pagiging masungit niya. Tss. Nawawala ang talukap ng mata ko sa tuwing nag su-sungit siya sa akin dahil sa kaka-irap ko sa kanya. Araw-araw ata mahal na araw sa kanya, palaging salubong ang kilay at parating bad mood.


Pero kahit na masungit at bully yan sa buhay ko. Mabait yang kuya kong gwapong gwapo sa sarili niya. Maalaga din siya, kapag linalagnat siya at masipag? Ayy, balik na lang tayo sa pagiging gwapo niya. Hahaha. Pero kahit gaano ko siya kinakainisan. Mahalaga pa rin siya sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan at hinahayaang masaktan. May pagka strict siya sa akin dahil ako ang bunso sa aming magkapatid. Kaya kahit ganyan ka GGSS ang kuya ko, mahal ko yang sungit na yan.



"Kuya kamo! Umagang-umaga eh!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakakainis siya. Dumagundong tuloy yung kaluluwa ko. Nakakabanas siya!

"Eh ang tagal mong bumangon! Tapos kung ano ano pa yung sinasabi mo. Ganyan ba kapag pader?" Nang-aasar na tanong niya sa akin.


"Hoy Sungit! Mas ayos ng pader kaysa naman masungit. Atleast yung pader hindi nakakapangit, eh yung pagsusungit? Tsk! Tatanda ka nun." Depensa ko sa kanya.

Asaran pala gusto mo kuya ah?


"Hay naku pader ka lang eh. Wala ka ngang dede pero nagba-bra ka? Hahaha ano yung tinatakpan mo? Utong? Hahahaha!" Diretsahang asar sa akin ni Kuya. Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata.


Aba! Ang  sama mo naman kuya! May dede ako nuh? Hindi nga lang malaki.



"Hoy kuya!" Sinuntok ko yung dibdib niya. 


"Mas ayos nang flat chested kaysa naman dede lang ang nagdala!"


Whhooo! Boom Panes! 'Time'. Ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko. Ano Kuya? Sagot!



"Bumama ka na nga dun. Male late na tayo eh. Iwan kita dyan eh." Pikon na sagot sa akin ni Kuya Joshua. Hays. Pikon! I Won kuya! Belat ka! 


Lumabas na siya ng kwarto ko. Hindi ko pa rin maiwasang mapangisi. Tumingin ako sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko. 7:15 na. Eh 7:30 alis namin ni kuya. Halaaa!!



Dali-dali akong naligo at inayos ko agad ang mga gamit ko. Nagmadali talaga ako para kay kuya kong masungit. Pagbaba ko nakita ko sila mama at papa na kumakain ng breakfast.


"Good Morning Jassy!" bati sa akin ni Papa.

"Good Morning, kain na?" bati naman ni Mama sa akin.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now