Chapter 28: goodbye

Start from the beginning
                                    

"Magsama kayo ng babae mo! "

"Kim, ano bang sinasabi mo? "

Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay mommy. Galit na galit siya ngayun.

"Mom, hindi pwede! "

"Kim hi---"

"Umalis na kayo! "

Patuloy ang sigawan. Pinunasan ko na lang ng mga luha ko. Wala akong magawa. Wala!

"Kim pakiusap wag gan---"

Nakarinig ako ng sampal

"Umalis ka na! Niloko mo ako! "

"Dad wag kayong umalis! Dad! " nagmamakaawa na ang kapatid ko.

"Dad! Dad! " sigaw ko habang hinahampas ang pinto.

"Richard! "

" hindi mo na kailangan ipagtulakan ako Kim! Aalis na ako! " nagulat ako sa sinabi ni dad.

"Magsama kayo ng babae mo! "

"Dad! Dad!. Please wag kayong umalis " patuloy sa pag-iyak si aliah.

"Aliah. Sumama ka saakin! " sigaw ni daddy.

"NO! Richard anong kukunin? " si mommy ang nagsalita.

"Ang anak ko! " nagsigawan sila sa labas. Nakarinig ako ng mga susi kasabay ng pagbukas ng pinto ko. Agad ko itong binuksan at nanlumo ako sa nakita ko.

Si mommy na umiiyak at magulo ang buhok na nasa harap ko. Tapos si daddy na hawak si Aliah nahagip ko sa labas ang isang babae na nakatalikod. Hindi ko siya makita.

Binalingan ako ng tingin ni dad.

"Aalis na kami! " hinila niya si aliah.

"Dad! " sigaw ko pero agad na niyang hinila si Aliah at lumabas na ng unit. tatakbo sana ako para habulin sila pero natigilan ako nang makarinig ako ng ingay sa sahig. Biglang bumulis ang tibok ng puso ko at parang tumigil ang mundo ko ng makita ko si mommy na nakahandusay sa sahig.

"Mom!! " bigla akong nagpanic. Ano ang gagawin ko? tumawag ako ng tulong at agad naming dinala si mom papunta sa sarili naming hospital. Ito ang kinakatakutan ko inatake na naman si mom sa sakit niya.

.

Sa sobrang dami ko ng nainom naaalala ko na naman ang nangyari saakin noon. Ang bata ko pa non at wala akong alam sa buhay pero pinilit ko para Kay mommy. Ako ang umalalay sa kanya hanggang sa gumaling siya. Pero si daddy? Wala! simula non hindi siya nagpakita saamin

.

Andito na naman ako sa bar nila Zayne . Buti na lang wala sila dito dahil gusto ko talagang mapag-isa. sobrang naguguluhan ako ngayun. Nasasaktan ako sa mga nangyayari dahil sa dinami dami ba namang pwedeng maging kabit ni dad ay ang mommy pa ng taong mahal ko . Just wow!

Uminom ako ng uminom. masakit na ang ulo ko at umiikot na rin ang paningin ko. Kanina pa ako dito at hindi ko na mabilang kung ilan na ang naubos kung alak.

Gusto kung uminom ng uminon yung tipong mamanhid na ako sa kalasingan para sa ganun ay hindi ko maramdaman ang sakit at galit na bumabalot sa katawan ko.

"Sir? " napaangat ako ng tingin sa biglang nagsalita. tinaasan ko siya ng kilay.

"Sigurado po ba kayo na o-order pa kay-------"

"Shut the hell up! " hindi ko na siya pinatapos dahil ayoko makipagtalo. Kahit dito pa ako matulog okay lang. Wala siyang paki duon!

"But sir you d---"

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonWhere stories live. Discover now