Chapter 28: goodbye

3.2K 76 17
                                    

~Zach's Pov ~

"Walang hiya ka!.paano mo nagawa ito saakin ha! Paano!! "

nagising ako sa ingay sa labas ng kwarto ko. nagtataka ako kung bakit sumisigaw si mommy. bumangon ako at nagmadaling binuksan ang pinto pero ayaw nitong bumukas. Nagsimula na akong kabahan.

"Mom?. What's happening?. Open the door!!!" I exclaimed.

Patuloy ang sigawan sa labas.

"Manloloko!!.Richard paano mo ito nagawa saakin?! " narinig ko ang bawat paghikbi ni mommy. Bigla akong kinabahan. gusto kung makita lahat ng nangyayari pero hindi ako makalabas sa kwarto ng condo ni mom.

"Kim, let me explain... " narinig ko naman si daddy na halata na nagmamakaawa. Bigla na lang akong kinabahan ng marinig kung may sinampal.

"Hayop kang babae ka!! "

Nagsimula ng magsigawan sa labas.

Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Nakarinig ako ng mga nabasag na gamit. Pagkalabog sa sahig. Pag-iyak. At mga sigawan.

"Tama na! Wala siyang kasalan!!"

Narinig ko si daddy. hindi ako mapakali sa kwarto. pilit ko itong binubuksan pero parang walang nangyayari.

"Oo!, dahil ikaw ang may kasalanan!. Dito pa talaga kayo sa condo ko!! How dare you! "

Nararamdaman ko ang hirap na paghinga ni mommy dahil sa tono ng pananalita niya. Iyak sila ng iyak sa labas. wala akong magawa kundi umupo at sumandal sa pinto habang patuloy na nakikinig sa mga bangayan sa labas.

"Kim, i-i don't know. I w-was drunk "

Sa pangalawang pagkakataon nakarinig na naman ako ng mga sampal.

"Hindi ako naniniwala sayo! Niloko mo ako!. "

Gusto kung tulungan si mom. hindi ko alam ang nangyayari. Patuloy ako sa pagpupunas ng luha ko. What's happening to my family?.

"Mom! Dad! Tama na po! Tama na! "

Napatayo ako agad dahil narinig ko ang paghikbi at sigaw ng kapatid ko. Gusto kung makalabas dito. hindi pwedeng dumito lang ako at makinig sa kanila.

"Aliah! Open the door! Aliah!. " halos magmakaawa na ako.

"Kuya, I'm sorry hindi pwede! "

Bigla kung sinuntok ang pinto sa sobrang inis ko. Damnit! Bakit?

"Fuck! I said open the door! " alam kung nag-aalala sila saakin baka magwala ako kapag lumabas ako but fuck! hindi pwede toh!

"Timothy! Listen to your sister, hindi ka pwedeng lumabas " napapaos na ang boses ni mom.

"What the hell is going on! Open the door! " sigaw na din ako ng sigaw.

"Son! "

"Dad! "

Gusto ko ng labas

"Timothy! " tawag saakin ni daddy.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis kay daddy.

"Wag mo siyang tawaging anak! "

"Kim wha---"

" manahimk ka! Magsama kayo ng babae mo! "

Totoo ba ang narinig ko babae? may babae si daddy? Nag-init agad ang ulo ko. halos sirain ko na ang pinto dahil sa pagwawala ko.

"Mom! Anong ibig niyong sabihin? " malungkot na sinabi ng kapatid ko.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon