Chapter 15: Punishment

3.6K 93 5
                                    

~Coleen's Pov~

Nakaramdam ako ng kaba nang makarating ako sa tapat ng unit ni Zach. pinagpapawisan na ako. hindi ko alam kung tutuloy ba ako o mananatili akong nakatayo
dito?. kalahating oras akong late. Tama kayo I'm 30 minutes late! at ganun na agad ang kaba ko.wala kasi siyang patawad sa oras na malate ako kahit segundo lang ay siguradong lagot ako! tinanghali kasi ako ng gising dahil late na akong umuwi. Kahapon lang kasi kami ulit nagsama sama kaya nakalimutan kung may pagsisilbihan pa pala akong isang kupal. Psh.

Inayos ko ang magulo kung buhok. pinakalma ko ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa unit niya.

Nanlaki ang mata ko. nanghina ako sa itsura ng unit niya. pakiramdam ko may naghihintay na delubyo sa akin sa araw na ito. para na akong maiiyak sa inis. Bakit parang kumalat lalo yung condo niya?. pinapahirapan niya ba talaga ako?.

Napapadyak na lang ako sa inis. ilang araw akong hindi sumipot sa Dare namin at ganito na ang kapalit.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa. seryoso siyang nanonood ng TV sa sobrang seryoso niya sa panonood hindi na niya napansin ang pagdating ko.

Sigh....

Padabog kung nilapag ang bag ko sa mesa. Padabog akong naglakad papunta sa kusina at halos malaglag ang panga ko sa nadatnan ko.

Punong-puno yung sink niya na kahit yung mga kutsara ay nakakalat na sa sahig. Napaka Burara!.

Napairap na lang ako.

Naglakad ako papunta sa kwarto niya ngunit napahinto ako ng bigla siyang nagsalita .

"You are 45minutes late " .sabi niya. napangiwi na lang ako. Kainis to ah 30minutes lang akong late nadagdagan pa!. dinag dagan niya ba?. o sadyang hindi lang ako marunong tumingin ng oras. kalokohan.

"Eh 3-----"

"Shut up! " pagputol niya. Mangagatwiran lang naman ako eh na 30 minutes lang akong late. Masama ba yun?.

I rolled my eyes. tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kwarto niya. pero nakakailang hakbang palang ako ng may kung anong matigas na bagay na tumama sa ulo ko. bahagya akong napayuko at napahawak sa ulo ko sa sakit. Bigla namang may bumagsak na bagay sa sahig at napagtanto ko na isa itong remote.

Walangya!.

Napaangat ako at matalim siyang tiningnan pero mukhang natutuwa pa siya sa ginawa niya.

"What the hell is you're problem? " naiinis na sabi ko.

" wala " inosenteng sagot niya. bigla na naman kumulo yung dugo ko dahil sa pagngiti niya. Ang ngiting mahahalata mong may binabalak siya na kung ano.

Kinuha ko yung remote at inis na lumapit sa kanya. tinulak ko siya kaya napasandal siya .binitawan ko yung remote tapos wala sa sariling sinakal ko siya. Naiinis na talaga ako sa kanya. He is really getting to my nerves.

"Nakakainis ka! " sambit ko. Hinawakan niya yung kamay ko at pilit na inaalis .hindi pa rin ako tumitigil hanggang sa hampas hampasin na niya ang kamay ko. At umubo.

Agad ko siyang nabitawan. Kahit paano ay nawala ang inis ko. binuhos ko duon ang mga ginawa niyang kasamaan saakin. Ang pag-iwan niya saakin nunh first date ko at ang pagkuha niya sa First kiss ko na dapat ibibigay ko lang sa prince charming ko hindi sa isang badboy. At kupal na katulad niya. Psh.

Akmang aalis ako ng bigla niya akong hatakin kaya napahiga ako sa sofa. hinawakan niya ang dalawa kung kamay na siguradong wala akong kawala. nasa taas ko siya. Mygosh!.

Dapat tinuluyan ko na siya kanina eh.

" nakakatakot ka palang inisin" pangaaasar niya. Mas nainis lalo ako sa kanya.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon