Chapter 25:Guitar

3.5K 124 5
                                    

Matatapos na po ito :)

~Coleen's Pov~

"Panget, listen carefully. I will sing for you " bungad saakin ni Zach pagkadating namin sa park.

Napagkasunduan naminng lumabas ni Zach. Ilang araw na rin ang lumipas at marami ng nagbago. Sabado ngayun kaya wala kaming pasok.

Hampas agad ng hangin ang sumalubong saamin ni Zach pagkadating namin dito sa Park. Ang park kung saan una kaming nagdate na nauwi lang sa pag-iyak ko dahil sa ginawa niya noon. Agad kaming bumaba ni Zach sa bike at pinarada yun malapit saamin. mula sa pwesto namin tanaw namin ang paligid ng park. Maganda dito at mahangin perfect na pasyalan sa lahat. sa kabilang dako naman tanaw mo ang malaking fountain na nagpapalit ng ibat -ibang kulay kapag sumapit na ang gabi.

Nagkalat din yung mga nagba-bike sa paligid,mga couple na nagdi-date . Mga nagtitinda ng sari-saring pagkain at mga batang naglalaro . Rinig na rinig ko rin yung mga grupo ng mga kababaihan na mukhang ka edad lang namin na sumisigaw ng
'WALANG FOREVER ' kapag nakakakita ng mga couples na sweet sa isat -isa buti na lang sa malayo kami pumwesto baka masigawan din kami kung sakali. #bitter hahaha!.

"Panget, are you listening?Hello?" napatingin agad ako kay Zach na kumakaway na pala sa harap ko. Hay! napahaba tuloy yung kwento ko.

Tumango ako at ngumiti. naka Indian sit kaming dalawa. nasa harap ko siya may hawak siyang gitara tapos kumakain ng sandwich na ginawa ko lang kanina.

"Ano ba yung kakantahin mo panget? " tanong ko sa kanya. Kagabi pa niya kasi sinasabi saakin na tutogtugan niya daw ako. para kaming nagpipiknik ngayun. maraming pagkain tapos may nakalatag na tela para maging upuan namin. Well, picnic nga siya hahaha!.

"Wait. ubusin ko lang toh " sabi niya sabay taas sa sandwich na gawa ko. ang takaw niya talaga. kaya tinitigan ko na lang siya habang kumakain siya. hindi ko maiwasang mapangiti. ang cute niya kapag ganito siya, kapag umiiral yung katakawan niya. Simpleng gray T-shirt lang ang suot niya pero ang cool niyang tingnan. isama mo pa yung kwintas niya na may nakaukit na letter Z duon tapos may gitara pa. pansin din yung hikaw niya sa kaliwang tainga na kumikinang kapag natapat sa araw. Ganyan lang siya pero ang dami nang naghahabol sa kanya. yung tipong nakatayo lang siya at walang ginagawa pero ang dami na agad nagkakandarapa. Effortless kung baga .

Natigil ako sa pagtitig ng matapos na siyang kumain. Agad ko siyang inabutan ng tubig. pagkatapos ay nagfocus na siya sa gitara at tumikhim saglit bago inumpisahan ang pagkalabit sa string ng gitara niya.

"I'm not a good singer panget, but I hope you'll like this shit "
sabi niya sabay tawa. ganyan siya kapag kinakabahan. nawawalan ng tiwala sa sarili. nahihiya siya na ewan.

(With a smile by: eraserheads)

"Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way

You'll get by with a smile

You can't win at everything but you can try "

Natatawa pa siya habang kinakanta niya ito. Ang sarap pakinggan ng boses niya ang lamig sa pakiramdam.

" baby, you don't have to worry
Coz there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way

When their closing all their doors
and they don't want you anymore

This sounds funny but I'll say it anyway "

mabilis ang tibok ng puso ko. ewan ko sa kanya kung bakit ito ang kinanta niya pero kahit ano paman sobra akong nasiyahan. pakiramdam ko biglang tumigil ang oras at tanging siya lang ang nakikita kung nakapikit na walang kahirap hirap na nagpla-plunking sa kantang ito.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon