Chapter 17: Fall for you

4K 97 3
                                    

~Coleen's Pov~

Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko na nagmula sa bintana. bumangon ako at kinusot kusot ang mata ko.

*yawn*

Tumayo ako para hanapin ang sapin ko sa paa pero natigilan ako ng hindi ko ito makita. agad kung linibot ang mga mata ko sa kabuuhan ng kwarto. ang ayos ng kama. ang amoy na bumabalot sa kwarto. ang pagkakaayos ng mga gamit. ang lawak. ang itsura. kakaiba.

Hinawakan ko ang sarili ko.nakahinga ako ng maluwag  ng makapa na may suot pa ako. natulala ako ng maalala ang nangyari kagabi. Galing ako ng mall .sinamahan ko si Athena na bumili ng damit niya na gagamitan niya mamaya.hapon na ng maalala ko na kailangan kung pumunta sa unit ni Zach. nagmadali akong umalis para pumunta sa unit niya ng sa ganun ay hindi ako magka punishment ulit. kahit alam ko na ang code ng condo niya ay hindi ako nangtangkang pumasok dahil baka magalit siya saakin. naisipan kung hintayin na lang siya sa labas pero lumipas ang ilang oras pero hindi pa rin siya dumating. hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay pero dahil sa buong araw na walang pahinga ay nakatulog ako. sa oras na nakatulog ako hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. napaka antukin ko at tulog mantika. mahirap akong gisingin.

Ibig sabihin. andito ako. ang kwartong ito ay hindi saakin. At

"AHHHHHHH!!! " napasigaw ako at napatakbo sa labas. what the! dito ba ako natulog?. sa kwarto niya?. magkatabi ba kami?. anong ginawa niya saakin?. Hindi maari yun!.

natigilan ako ng bumukas ang pinto. napayakap ako sa sarili ko ng pumasok si Zach na may dalang paper bag. tiningnan niya ako .then he smirk.

"Good morning " bati niya tapos umupo sa sofa . nilapag niya yung paper bag at kinuha ang nasa loob nito. Food!

tiningnan ko siya ng masama. "Anong ginawa mo saakin? " sabi ko. kinakabahan ako na ewan. bakit ba kasi tulog mantika ako.

Nakakunot noo niya akong tiningnan. "Anong sinasabi mo dyan? " sabi niya.

Lumapit ako tapos humarap sa kanya. " pinagsamantalahan mo ako! " sabi ko saka niyakap yung sarili ko.

Napaangat siya ng tingin tapos tumawa ."ikaw? " sabi niya tapos tinuro ako. " ikaw nga tong wagas makayakap saakin eh. " aniya. "Ano? " .hindi siya sumagot nginitian niya lng ako. pakiramdam ko ay namula ako. so magkatabi pala kami kagabi at ang sabi niya pa niyakap ko pa daw siya iniisip ko palang nahihiya na ako. pero kahit papaano nakatulong ang pagiging tulog mantika ko. wala akong kaalam alam sa mga ginagawa ko kapag tulog ako. nakakahiya!.

Ngumiti siya ng makita ang naging reaksyon ko."what? " sabi ko. mas lalong lumapad yung ngiti niya. tiningnan niya ako taas baba. " stop covering you're body " he said while smiling.

mas lalo kung niyakap ang sarili ko. "Nakita ko na yan "

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "What?! " singhal ko. nakita niya?.

Tumawa siya. Nilunok muna niya yung sandwich na kinakain niya bago nagsalita. " pero wala akong nakita" sabi niya at mahinang tumawa.

"Huh? "

" you're Flat. You're not sexy. you're body is straight like a ruler " sabi niya na ikainit ng ulo ko. nangiinsulto ba siya?. Oo pangit ako pero pagdating sa katawan ko sigurado akong mas sexy pa ako sa mga babae niya.

Naikuyom ko ang nga kamao ko sa inis. nakita niya ba talaga?. O sadyang nangiinis lang siya. " bulag ka ba? " sabi ko na ikinatawa niya. Umiling siya. "totoo naman eh. " sabi niya at muling kumain.

"Kupal" bulong ko sa sarili ko. "Are you saying something" sabi niya. umirap ako tapos tinalikuran siya pero natigilan ako sa sumunod na sinabi niya.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon