Chapter 22:Mall

4.1K 102 5
                                    

Konnichiwa guys!  Si Zach po yang nasa taas 👆.

~Coleen's Pov~

Falling in love is like the rain. you can't predict it, but you can always see signs of it before it completely falls.

Ilang linggo na ang lumipas simula nung naging kami ni Zach. hindi ko pinagsisihan na sinagot ko siya dahil kung kailan naging kami tyaka na ako niligawan. nakakatuwa nga eh kasi mas lalo ko pa siyang nakilala. nagbago lahat ng pagkakilala ko sa kanya noon sa pinapakita niya ngayon. hindi ko akalain na ganito pala mainlove ang isang badboy at napakaswerte ko dahil saakin niya naranasan yun at napakamalas niyo dahil hindi kayo ang nasa katayuan ko. oh ano ingit kayo.. Djk!

Ang haba ng hair ko haha! sarap putulin para hindi ko na maapakan kainis naman kinikilig na naman ako.

Lagi niya akong dinadalhan ng chocolates kasi alam niyang chocolate manyak ako haha! tapos minsan binibigyan niya ako ng flowers. foods! tapos ako naman pinagluluto siya. tapos minsan pag gising ko nasa sala siya o kaya sa kusina kinakausap sila manang che. tapos hatid sundo ako .minsan nga napapaisip ako kung natutulog pa ba siya eh pero sabi niya naman na oo. tapos mas lalo siyang naging sweet. feeling ko tuloy ang ganda ko. ang isang gwapong katulad niya nainlove sa isang katulad ko na isang nerd. magulo ang buhok. manang manamit. feeling ko nga naging straight yung kulot kung buhok eh. grabe kilig much!..

Lumabas na ako ng kwarto ko at sabi ko nga sa inyo nakita ko na agad ang boyfriend ko. hay! 12 ang usapan namin pero 10 palang andito na siya agad.

Agad siyang tumayo nang makita ako tapos niyakap. "Good morning panget ". bati niya saakin .may usapan kasi kami na pupunta kami ng mall para lumabas kasi Saturday ngayun.

"Good morning din panget! " sabi ko tapos kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. sure naman ako na dito na ito magbibihis at kakain. gusto ko nga siyang tanungin kung hindi ba siya napapagod eh. kasi naman ang layo ng bahay niya sa bahay namin, hindi na kasi siya duon tumutuloy sa unit niya kasi gusto niya makasama ang mommy niya na kakauwi lang  galing ibang bansa nung isang araw. doctor yung mommy niya tapos may sarili silang hospital sa ibang bansa kahit dito sa pinas at marami pa silang pag-aari. hiyang hiya naman ako sa yaman niya haha! choss lang.

"Kumain ka na ba panget? " tanong ko sa kanya. Panget na din yung tawagan namin ewan ko ba pero yun yung naisip ko haha!.

umiling siya tapos kumapit sa braso ko na naka pout pa. "Sabay na tayo panget" shocks! nag pa cute pa siya grabee! mas lalong naging gwapo.

Pinisil ko na lang yung ilong niya tapos tumango at nagtungo na kami sa kusina naabutan naman namin si manang na nagluluto. tuwang tuwa pa si zach kasi paborito niya yung niluluto ni manang . tinola!

Hindi ko naman tinago kay mommy yung tungkol saamin ni Zach .si Dad kasi patay na siya because of car accident. yung tinatawag ko na dad yung boyfriend ngayun ni mom. Actually hindi ko siya kinilala. hindi ko pa kasi tanggap. pero sabi ni mom ,dad na lang daw ang tawag ko kahit boyfriend pa lang niya. So fine! dad na kung dad. mabalik tayo! so nung binalita ko kay mom natuwa siya kasi duh!  sa itsura kung ito may magkakagusto ba saakin? kaya tuwang tuwa si mommy. nung una nagtampo siya kasi hindi ko iknewento pero naging okay naman! at sabi pa ni mom gusto niya makilala si Zach kapag umuwi siya dito.

Pagkatapos naming kumain. agad na akong nagbihis ganun din si Zach. kahit na lagi siya dito pumupunta hindi ko naman siya pinapayagan na dito matulog dahil magagalit si manang at isa pa may bahay siya. may sasakyan naman siya kaya okay lang!  .

"Panget! Are you done? " rinig kung sigaw ni Zach habang kumakatok. nakakatuwa lang kasi kahit na hindi naka lock yung pinto eh hindi pa rin siya basta basta pumapasok.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon