Chapter 26: Dad?

3.1K 81 6
                                    

Yung nag comment dun sa chapter 13: Zach. Gusto kung sabihin sayo na.

Arigatou and Aishitemasu <3

(Thank you and I love you so much mwuah!) .

~Coleen's Pov~

Nagising ako dahil sa ingay ng pagkatok ni manang che sa pinto
"Hija! Hija! "

Umaalingawngaw na yung boses ni manang sa kwarto ko.

Dumapa ako at nagtakip ng unan para hindi marining yung sigaw ni manang sa labas pero parang walang epekto ito.

"I'm still sleepy pa po!! " sigaw ko tapos nagtalukbong ng kumot. Anong oras na ba ? At bakit ganito ka aligaga si Manang.?

"Hija! Gising na! "

Hindi niya talaga ako titigilan hangg't hindi ako nagigising dito. Tamad akong umupo at napa face palm na lang ako dito sa kama ko. 8am in the morning? Srsly? ganito ka aga? Anong meron? Wala namang pasok ngayun kaya anong meron? Utang na loob inaantok pa ako!

"Hija? Gising ka na ba? " mahinahon na tanong ni manang saakin.

"Opo! " ititadong kung sagot at sa wakas ay tumigil na din si manang sa pangungulit saakin.

Kinusot ko yung mga mata ko papunta sa bintana. Hinawi ko yung kurtina at agad akong sinalubong nang nakakasilaw na sikat ng araw. Umaga na nga!

Bumalik ako sa kama ko para ligpitin yung higaan ng biglang tumunog yung phone ko kaya agad ko itong kinuha.

From: panget 💘

Good morning panget! I Miss u :)

Naalis agad ang irita ko dahil sa simpleng text niya. ngiting baliw na ako ngayun. laging ganito ang sumasalubong saakin tuwing umaga. Mga banat niya minsan o kaya naman mga kalokohan niya. Nilapag ko yung phone ko para makapag-ayos na. Tatawagan ko na lang siya mamaya. Hindi kasi ako mapakali kung anong meron ngayun lalon't ganito agad ang bungad saakin ni manang.

Pagkatapos kung mag-ayos ay agad na akong lumabas ng kwarto. Mga tawanan ang sumalubong saakin. Sa sobrang pagtataka ko eh halos matisod na ako sa pagmamadali pababa ng hagdan namin papuntang kitchen kung saan galing ang mga tunog.

Oh my gosh!

Natigilan ako ng makita ko siya. Kahit na nakatalikod siya saakin eh alam kung siya iyon. dahan dahan akong humakbang papunta sa kanya. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay nakauwi na din siya.

"Mom! Mom! " sigaw ko kaya napalingon siya saakin n may ngiti sa mukha. I miss my mom.sobra.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"Mom I missed you " sobrang higpit ng yakap ko kay momny parang ayaw ko na siyang pakawalan.

Tinapik ni mom yung likod ko "I can't breath ,darling " sabi ni mommy kaya napakalas agad ako sa kanya. Pinunasan ni mommy yung mga luha ko.

" I miss you too my princess " sabay yakap ulit saakin ni mom. Ngayun ko lang ulit naramdaman ang mga yakap ni mommy. Sobrang saya dahil andito na siya at makakasama ko na siya ulit. 3 years din siyang namalagi sa ibang bansa para sa business namin duon.

"Kamusta ka na? Dalagang dalaga ka na coleen. " tuwang tuwa na sinabi ni mommy. Ngumiti ako. "Okay lang po. Bakit hindi niyo po sinabi saakin na uuwi po kayo ,sana nasundo ko po kayo " sabi ko. hindi naman kasi nagsabi si mommy ng exact day and time kung kailan siya uuwi.

Tumawa si mommy. " ayaw na kitang mapagod. madaling araw ako nakarating dito kaya alam kung tulog ka pa " sabi ni mom sabay tawa. Oo nga naman 8am nga nagrereklamo pa ako eh madaling araw pa kaya.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon