Chapter3: Deal

4.9K 117 4
                                    

-coleen-

"Shit! " I silently cussed

Lakad takbo ang ginagawa ko ngayun. Late ako grabe! first time to sa tanang buhay ko kaloka. Late kasi akong nagising kanina ,siguro dahil sa kakaisip dun sa kalokang 'Dare' na yun.apat na araw na rin ang lumipas  pero until now hindi ko pa rin alam kung ano yun.

Nakarating na ako sa tapat ng pinto ng classroom. Naririnig ko na yung boses ni Ms. Bernadette at sa malamang sa malamang tinuturo na ni Ms. Bernadette ang nakakahilong lesson namin sa AP, AP na may kasamang Math. Isa si Ms. Bernadette sa strict teachers ng Academy dahil kapag nag-umpisa ang klase isasara na niya ang pinto. Ayaw na ayaw niya rin sa late at kapag nalate ka tatayo ka buong klase niya. At kapag nangyari yun sigurado akong isa lang ang nasa-isip mo 'sana magtime na'.

Huminga muna ako ng malamim. Inhale, exhale muna bago pumasok. Medyo kinakabahan din kasi ako eh.wooooo! Kaya mo toh coleen. Pinihit ko na yung doorknob at binuksan na ng tuluyan ang pinto. Naagaw ko naman ang atensyon ng mga kaklase ko pati na rin si Ms. Bernadette.

"Go-od morning Ms. Bernadette, I-m sorry I--m late" sabi ko. Grabe nakakakaba pala toh. Hindi parin matangal ang tingin nila saakin yung iba naman masama pa sa masama yung  tingin. Yung iba naman nagpipigil ng tawa. Ughhh nakakahiya.

"Ms. FORTEL!! " sigaw ni ma'am. Nakakatakot talaga si ma'am lalo na kapag sumisigaw. Ganito din kasi siya kapag may nalate saamin. Tiningnan ni Ma'am yung wrist watch niya tapos tumingin saakin at nakapamewang pa.

"You are 30minutes late" sabi niya.huminga muna siya ng malalim bago nagsalita." get out " dagdag niya pa.

Ha?  Anong 'get out '?   As in  labas. pero bakit?. First time ko pa namang late ah labas agad?.

"P-po? " sabi ko

"I said get out, now!!!!!! " sigaw niya sabay turo sa pinto. Dahil sa takot agad na akong lumabas sa room.

Buhay  estudyante nga naman nakakabaliw.

Umupo na lang ako sa corridor sa tapat ng room namin. Kainis talaga ang akala ko kasi na kapag na late papatayuin lang .bakit pinalabas ako? Ang unfair!. Bakit kasi sa dinami-daming araw na malalate ka ,tinapat pa talaga sa araw ng biyernes na ang first subject mo ay AP.

Sinandal ko na lang yung ulo ko sa pader. Hihintayin ko na lang  na lumabas si Ms. Bernadette. Kinuha ko na lang yung libro ko para makapag-aral para na rin maging ready sa mga quizzes ngayung araw.

5days . Akalain niyo yun nakayanan ko ang mga ugali ng mga kaklase ko .panglimang araw ko na ngayun Bilang Student A. Simula kasi nung pumasok ako sa Section A naramdaman ko na agad ang mainit nilang pagtangap.

Monday, yung  pambubully saakin ng 3kings .

Tuesday, pinaliguan ako ng tubig ng mga kaklase ko sa canteen.

Wednesday, may tumulak saakin sa pool nung P. E namin buti na lang andun si Troy para iligtas ako.

Thursday, bago ako pumasok pumunta muna ako sa locker ko. pagbukas ko mga basura ang tumambad saakin .mga papel, tirang pagkain at iba pa.at ang panghuli ...

Friday at ngayung araw yun. Hindi ko pa alam pero inaasahan ko na meron. Oh diba welcome na welcome ako .

Natigil yung pagbabasa ko ng may kumuha sa libro ko . Tiningnan ko kung sino yung kumuha ng libro ko. Kainis lang. kapag minamalas ka nga naman oh. Kilala niyo ba kung sino?. Tsk. Si zach epal lang naman.

" ibalik mo nga yan saakin! " sabi ko. Tumayo ako para abutin yung libro ko pero nilalayo niya parin Ito. Mas matangkad si Zach saakin kaya nahihirapan akong abutin yung libro ko.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon