Chapter 24:Guardian Angel

3.5K 105 20
                                    

~Coleen's Pov ~

sabay na kaming pumasok ni Zach sa Academy. wala namang bago dahil hatid sundo niya ako.

Maaga pa ng makarating kami ni Zach sa Academy kaya naisipan namin muna ang pumunta ng library. hindi na rin bago saakin ang pagtinginan ng iba dahil hanggang ngayun madami p din ang naghahabol Kay Zach. yung iba naman eh wala ng paki saakin parang tanggap na nila na ang kinababaliwan nilang si Zach ay may girlfriend na.

Pinagsiklop ni Zach ang mga kamay namin at marahang tumingin saakin. "You okay? " bakas na naman sa mukha niya ang pag-aalala. Ngumiti ako at tumango.

Naglalakad kami ni Zach papuntang 4th floor ng maramdaman kung may umakbay saakin tapos ginulo ang buhok ko. Agad ko siyang nilingon at nginitian.

"Troy! " sabi ko.

"Hands off! " biglang sigaw ni Zach. Nagulat kami ni Troy kaya napatingin kami sa kanya na matalim ang tingin sa kamay ni Troy na nakaakbay saakin.

Tumawa si Troy.

"Easy dude! " tawa pa din siya ng tawa. Mas lalong tumalim ang tingin ni Zach kay Troy.

tahimik lang ako. napaka ewan talaga nito ni Zach alam ko naman na pinagtritripan lang siya ni Troy.

Hinila ako ni Zach palapit sa kanya pero hinila din ako ni Troy na halatang pinipikon ang kaibigan niya dahil sa ngisi niya.

"Bitawan mo nga siya Troy! " singhal naman ni Zach.

Hinila ako ni Troy palapit sa kanya kaya nabitawan ako ni Zach. Inakbayan ako ni Troy tapos pinisil ang pisngi ko.

"Fvck!  Don't touch her! " sigaw ni Zach at agad na sinugod kami. Mabilis na umiwas si Troy. Hinampas ko siya sa braso.

"Troy! What are you doing? " sabi ko sa kanya. Ngumisi siya at bumulong.

" na miss ko siyang pagtripan. Ang pangit kasi ng mukha niya pagnapipikon " sabi niya sabay halakhak.

Kitang kita ko naman ang inis sa mukha ni Zach. I know him. Alam ko kung paano siya magselos. Nakakatakot.

Hinampas ko ulit si braso si Troy. " baliw ka na! "

"Troy!. Humanap ka ng iba. Wag yung akin! " sigaw ni Zach. Ang talim na ng tingin niya.

Gusto kung matawa dahil hindi niya alam na pinagtritripan lang siya ni Troy and Troy's right ang cute niyang mapikon.

Umiling si Troy at humalakhak. "Ayoko. I want her. " sabay gulo sa buhok ko. Kung hindi niya lang iniinis yung kaibagan niya eh malamang sinapak ko na ito.

"You, slut! " galit na sabi ni Zach at agad na sinugod si Troy. Kwenelyuhan agad siya ni Zach at sinandal sa pader kaya nabitawan na ako.

Uh-oh! War!

Agad ko silang inawat. Magkaibigan nga sila. Magkasundo sila sa lahat ng trip nila sa buhay. Si zach ay nagtangkang tumalon para lang sa 'oo' ko. Si Zayne ay kinidnap ang kaibigan ko para makausap at makasama. Si Tristan I don't know, baka magpapasagasa para sa taong mahal niya. Si Troy naman ewan ko din , hindi pa siya nagseseryoso sa babae eh .

"Zach calm down " awat ko sa kanilang dalawa. Buti na lang ay maaga pa at kaunti palang ang mga estudyante nakakakita. kundi gagawa nanaman ng eskandalo tong dalawang ito.

"She's mine Troy! " sigaw ni Zach.

Tumawa ulit si Troy.

"She's mine too " sabi niya na nagpagalit ulit kay Zach. Letche tong Troy na ito!

Hinawakan ko sa braso si Zach.
" Zach..... " mahina kung tawag.

Bumitaw si Zach at tumingin saakin. Kumalma siya.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon