Chapter 10 : What?!

4.2K 171 4
                                    


~Coleen's Pov~

Andito ako ngayun   sa sci-garden sa likod ng school. nakasndal ako sa isa sa mga puno dito.madalas itong tambayan ng mga estudyante kapag walang kalse o walang teacher tulad ngayun.

Abala kasi ang lahat ng mga guro sa paghahanda sa  nalalapit na pagbisita ni Mrs. Emma Rufflin dito sa Academy. Isang beses lang kasi sa isang taon bumisita si Mrs. Rufflin kaya pinaghahandaan talaga nila.

Ang sarap talagang tumambay sa ilalim ng punong ito. sariwang hangin at maaliwalas na paligid. Pumikit ako. tanging huni ng mga ibon, mga boses ng mga kapwa ko estudyante at ingay ng tubig na nagmula sa fountain ang aking naririnig. sakto para makapag-isip ako. gumugulo kasi sa isip ko yung sinabi ni Zach saakin kahapon .ang 143.hindi nga ako makatulog dahil sa kalokang number na yun eh.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit iniisip ko pa ang numero na yun. eh sakit lang naman sa ulo dulot nun. siguro slow lang ako kaya hindi ko ma gets.

Hindi ko rin magawang itanong kay Zach ang tungkol dun dahil iniiwasan ko siya. hindi ko Alam kung bakit pero ang AWKWARD lang . tapos hindi ko pa maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing lumalapit at nakikita ko si Zach bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko .

May sakit na ba ako?.

Gusto ko ring tanungin yung mga kaibigan ko ,kahit na alam kung wala akong makukuhang matinong sagot . baka kung saan pa mapunta yung usapan kapag sila yung tinanong ko. may pag ka green pa naman mga utak nun. minsan nga kapag tinatanong ko sila ,sa umpisa lang maganda tapos mapupunta na yung usapan sa 17 tapos minsan 69.sa mga napanuod nila at kung ano -ano pang kalokohan.

"Coleen! "

Haay.kahit na hindi ko buksan ang mga mata ko boses palang kilala ko na.
Naramdaman kung tumabi siya saakin. nakapikit pa din ako.

"Hoy!. "

minulat ko yung mga mata ko at tumingin sa kaniya.nakasandal siya sa puno at parang batang kumakain ng lollipop. kahit kailan talaga tong babaeng to. Istorbo.

Tumingin siya saakin at ngumiti.
Inayos ko yung salamin ko tapos tiningnan siya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito.? istorbo ka talaga athena" sabi ko.
Nakakainis. 1:13pm. wala kaming teacher .sobrang boring kaya!. tapos nakakaantok pa. balak ko ngang lumabas kanina eh pero hinarangan ako ng guard bawal pa daw ang lumabas. kaya naisipan kung pumunta na lang dito para matulog. pero bigla namang sumulpot tung si Athena.

" sorry naman. matutulog din kasi ako eh " sabi niya. tumango na lang ako. buti naman akala ko magiingay lang siya eh.

Pinatong  ni athena yung ulo niya sa balikat ko. at natulog. hinayaan ko na lang siya. sumandal ako sa puno at pumikit na din.

After 15 minutes ..........

Nagising ako ng maramdaman kung may kung anong mabigat na bagay na nakapatong sa hita ko.

tiningnan ko ito at bumungad saakin ang maamong mukha ni Troy. sarap na sarap sa tulog niya at ginawa pang unan yung hita ko. hindi tuloy ako makagalaw.

Isa pa toh. Bigla na lang sumusulpot.

tiningnan ko naman si Athena. mahimbing parin siyang natutulog sa balikat ko.nangangawit na ako huhuhu

nakakainis naman! dapat ako yung natutulog dito eh pero bakit sila pa yung tulog tapos ginawa pa akong unan ng mga toh?.

Para tuloy akong puno nito. tiningnan ko yung paligid ko. marami din ang natutulog gaya ng mga bestftiend ko. nakahiga sila sa damuhan at ginawang sapin yung mga polo nila. Yung iba naman nakasandal sa puno tapos nakapikit habang may nakalagay na earphones sa tainga nila. naging hotel na yung garden...

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon