Chapter 19 Yes or No?

3.8K 90 2
                                    


~Coleen's Pov~

Nagising ako dahil sa ingay ng pagkalampag ng pinto. umupo ako sa kama ko at kinusot kusot yung mga mata ko. sino naman kaya yung istorbo na yun kung maka katok wagas tapos hindi pa nagsasalita. nag patuloy ang pagkatakot sa pinto. tumayo ako at sinuot yung salamin ko.

"Sandali! " sigaw ko. pero parang walang narinig yung kumakatok. kung sino man siya.

"Hija, gising na may bisita ka" rinig kung sabi ni manang che. imposible naman na siya yung kumakatok eh pwede naman siyang pumasok agad sa kwarto ko at tapikin ako para magising. Ang tanong sino tong kumakatok na ito ?.at sino daw ang bisita ko?. ang aga aga naman mang bwesit nun.

Wala na akong nagawa. naglakad na ako papunta sa pinto. pinihit ko yung doorknob. akmang bubuksan ko ito ng may nauna na saakin dahilan para mauntog ako at matumba dahil sa lakas ng impact. anak ng tipaklong! ang aga aga kamalasan agad ang bumulaga saakin.

"Oppss! I'm sorry"

dahan dahang akong tumingala dahil sa isang kilalang boses ang narinig ko.

Tumayo ako at naningkit ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nagsalita. nakasandal siya sa pader tapos pasipol sipol pa. as usual messy hair na naman siya. naka pout pa siya habang nakatingin saakin. siya ba ang bisita ko?. o Kay gandang bungad naman niya. ano naman kayang ginagawa niya dito?.

"Anong ginagawa mo dito?! " sigaw ko habang minamasahe ang noo ko. ang sakit kaya!

"Uhmmm. Wala " sabi niya tapos tumatawa pa. Ayan na naman siya.

"Ano nga Zach? " iritang tanong ko.

hindi siya sumagot. inismidan niya lang ako. tumayo siya ng maayos tapos naglakad papasok ng kwarto ko.

"So this is your room" sabi niya habang iniikot yung paningin niya sa kabuuhan ng kwarto ko.

"Hindi ba halata! " pilosopo kung sagot. tumawa lang siya.

"Lumabas ka na nga Zach" utos ko habang sinusundan siyang maglibot sa kwarto ko.

Humarap siya saakin. " ganyan mo ba ako e welcome? " sabi niya.

"Oo" diretso kung sagot sabay turo sa pinto para sabihin sa kanya na lumabas na siya ng kwarto ko.

tumingin siya sa mga mata ko sabay pout!. Ugh! nag pout pa talaga siya. jusko! mas lalong naging gwapo. umiwas na lang ako ng tingin.

Naglakad siya papunta sa kama ko tapos humiga duon .niyakap niya pa yung unan ko.

"Umalis ka nga dyan! " sabi ko habang kinakamot ang ulo ko sa pag kairita.

"Ayoko! inaantok pa ako! "

mas lalong nag-init yung ulo ko. "pumunta ka lang ba dito para inisin ako! " sigaw ko pero ngumiti lang siya.

"Parang ganun na nga! " sabi niya then he chuckled.

arggg! nakakairita talaga. kung kailan ba naman natapos yung Dare eh tyaka naman siya ng bwesit. akala ko pa naman tatahimik na naman umaga ko ngayun. Lord, bakit ko ba nakilala ang isang toh?. huhuh. isa siyang delubyo sa puso at isip ko.

"may sagot ka na ba sa letter? "

agad akong napatingin sa kanya. dahil sa pag-iisip ko hindi ko napansin na naka upo na pala siya sa harap ko!

Kumunot yung noo ko. "Ano yun? "

binigyan niya ako ng makahulugang tingin. bigla na lang akong namula ng mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.

Agad akong tumakbo papunta sa drawer malapit sa kama ko para hanapin yung letter na sinasabi niya.

"tinago mo talaga? "

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon