Chapter 13 : Zach

3.8K 146 13
                                    

~Colee's Pov~

Naisipan kung dumaan muna sa locker bago pumunta sa canteen.
ilang araw na rin ang lumipas pero hanggang ngayun wala pa din akong ideya kung sino yung tinutukoy ni korina. At ilang araw na rin ang lumipas simula nung hindi malimot-limutang first date ko sa isang nakakainis na taong pinagsisisihan ko kung bakit nakilala ko pa?. ang taong nagpahirap at nagpagulo ng tahimik kung buhay. ang taong patuloy na nagpapagulo ng utak ko. ang taong nag papabilis ng tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

Zach Timothy Scott!.

habang naglalakad ako pansin ko ang pagbabago sa pakikitungo saakin nang nasa paligid ko. bawat estudyante na nakakasalubong ko ay ngumingiti at bumabati saakin. Bigla naman akong nagtaka.

anyare?.

Sigh.....

Hindi ko na lang iyon pinansin. pagdating ko sa locker nagulat ako at muntik ko ng mabagsak yung dala kung libro .

Anong ginagawa niya dito?.

bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang yakapin. ilang araw ko na rin siyang iniwasan. Hindi na ako sumasabay sa kanila. Hindi na ako pumupunta sa unit niya at Hindi ko na rin ginagawa yung mga homeworks niya. lumilipat ako ng upuan kapag oras ng klase, umiiwas naman kapag nakikita ko siya. marami na ring ang galit saakin dahil lang sa pagdikit ko sa 3kings kaya naisipan kung umiwas na lang baka mamatay pa ako ng maaga eh......OA ko talaga.

nakasandal siya sa pader. As usual messy hair na naman ang trip niya. nakapamulsa at titig na titig saakin. sh*t ang gwapo niya.

Umiling ako.siguradong tambak tambak na parusa ang haharapin ko dahil sa ilang araw na pagsuway sa Dare. Bakit ba kasi ang tagal matapos ng Dare na yun eh. nakakainis. yumuko ako saka naglakad pero nakakailang hakbang palang ako ng hawakan niya ang braso ko at higitin ako ng malakas kaya nalaglag yung dala kung libro. tinulak niya ako kaya napasandal ako sa locker.

Umiwas ako ng tingin.

"iniiwasan mo ba ako coleen? " sabi niya. bigla na lang akong napatingin sa kaniya. bakit hindi siya galit?.

Hindi ako sumagot. nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"Galit ka ba? " mahinahon niyang sabi. bakit ganun?. hindi niya ako pinagalitan. nakakagulat.

umiling ako. speechless

bumuntong hininga siya. lumayo siya saakin tapos tumingin sa kawalan.

Pinulot ko na lang yung mga libro ko tapos nilagay ko na sa locker ko. inayos ko yung salamin ko. lalagpasan ko na sana siya ng bigla na naman niyang hinawakan yung braso ko kaya huminto ako at nakakunot noong tiningnan siya.

Tumingin siya saakin. nabigla ako ng bigla niya na lang akong yakapin ng mahigpit. bumilis na naman ang tibok ng puso ko. gulat na gulat ako. hindi ko alam kung yayakapin kudin ba siya o itutulak.

"Coleen" bulong niya. hindi ako sumagot dahil hindi ko kayang magsalita. lahat ng estudyante ay saamin na nakatingin. gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Damn! anong nangyayari saakin?.

Niyakap niya ako ng mahigpit. ang sarap sa pakiramdam. pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya.

"I miss you"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Anong sinabi niya.?

"What? " sabi ko habang nakayakap sa kaniya. bingi na yata ako.

tumawa siya ng mahina .Ughh trip na naman niya ako. hinampas ko siya sa braso.

itutulak ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon