Revised this chapter since sobrang vague yung info na nilagay ko dito last time. My apologies!
I will try to explain all of this the easiest way possible na madaling maintindihan ng lahat.
GENERAL RULES FOR KOREAN PRONUNCIATION
Korean is making use of a *phonetic writing system for the most part. Pero, may mga irregularities pa rin na kailangan nating iconsider. Hindi naman sila marami pero baka magiging overwhelming sa inyong part especially since Tagalog is highly phonetic. English, on the other hand, has a very irregular writing system. Hindi po ako linguist so baka mali yung paggamit ko ng terms pero as far as I have researched, mukhang tama naman lol
*phonetic writing system = kapag ang bawat letra ay nagrerepresent lamang ng isang tunog.
Bigyan ko lang kayo ng example for comparison.
Kunwari hindi ka marunong mag Tagalog pero alam mo paano magbasa at magsulat. Kapag narinig mo ang salitang "maganda", ang iaassume mo na spelling ay maganda. Hindi magganda. Hindi rin maaganda o ano pang echos. Maganda lang. Halos lahat ng salita sa Filipino ay ganito, pansin ninyo?
Ang writing system naman ng English ay considered non-phonetic, meaning you can't always read a certain word based on its spelling.
Sa Ingles, kapag narinig niyo ang salitang "Ice", ang pagkarinig ninyo ay "Ays" pero ang spelling nito ay Ice. Hindi always magkatugma ang spelling at pronunciation.
Sa Korean naman, similar sa Tagalog pero may konting irregularities lang sa spelling and pronunciation.
Example: kapag narinig ninyo ang "arasseo" baka maiisip ninyo na ang spelling nito ay 아라써
Pero ang tamang spelling nito ay "알았어"
Okay eto na ang main point ng chapter.
Diba alam na natin na ang writing system ng Korean ay phonetic? Meaning bawat letter ay may katumbas na tinig. Pero paminsan, naiiba ang pronunciation depende kung anong mga letra ang magkatabi or kung saan siya nakaposisyon.
Ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang iba't-ibang rules ng pagbigkas sa Korean words na natutunan ko. As always, concepts are easier to grasp kapag may example.
*Clarifying ㄱ pronunciation as g/k*
Ang tunog nito ay may halong g at k.
1. Kapag ito ang pinaka una na letra sa salita, ang tunog nito ay in between g at k. Sa mga libro, tinatawag nila itong "unvoiced" consonant. Sa romanization, I'm gonna use gk to represent this sound.
Examples:
김 = [gkim]
가르치다 = [gkareuchida] (to teach)
공 = [gkong] (ball)
글 = [gkeul] (symbol/writing)
2. Kapag hindi ito ang pinaka unang letra at ang kasunod nito ay vowel, nagiging letrang "g" na ito tulad ng ginagamit natin sa Tagalog. Sa mga libro, tinatawag nila itong "voiced" consonant. Ihihilight ko yung "g" sound sa examples.
Examples:
갈게 = [gkalge] (let's go)
먹어 [머거] = [meogeo] (eat)
딩고 = [dinggo]
하고 = [hago] (do)
YOU ARE READING
Let's Learn Korean (beginner-intermediate)
Non-FictionThis is a Korean language course written in Filipino and this will probably be the best Tagalog-English-Korean book you'll ever read. Ano nga ba ang mga alam natin sa Korean language? arasso? saranghae? bogoshipda? wae? molla? Why not learn the Kore...
