"Sarili niyong pera ang ginastos niyo dun?! Bakit?"



"H'wag kang maniwala diyan. Pera ng school 'yon." Rob.



"But still..." Gwen defended, "Edi sana inilaan na lang natin 'yon sa mga projects ng council!"



"May point siya," sumang-ayon ako.



"Hindi ako magtitiis sa pag-attend ng mga nakakaboring na meeting nila na pare-pareho lang naman ang agenda para hindi nila ituloy ang event! Ano sila, sinuswerte?!" Patuloy niya sa paglalabas ng sama ng loob. Rob mouthed at me, saying 'nabibingi na ako'. "Isipin niyo 'yon, Science tournament na next week tapos...pota, next month Sports Fest. Gago. Sa'n nila isisingit ang Music Festival?! Anong buwan?! November, araw ng patay tapos magp'party tayo?! December, pasko?! Oh baka next year na, ano?!" I glanced at Rob. Sumenyas na rin ako na nabibingi na rin ako. "At saka, hindi ba dapat mas mauuna ang Music Festival kaysa Sports Fest. 'Yon ang usual na pagkakasunod eh. Hindi matanggap ng loob ko na pinagpalit nila 'yon!"



"Anong pinagpalit? Nasa tamang buwan naman ang Sports Fest," nagsalita na ako para naman hindi siya nagmumukhang walang kausap. "October is a Sports month. August 'yung Music Festival, so hindi kasalanan ng SPORTS FESTIVAL," I emphasized, "na nauna sila. Hindi lang talaga natuloy ang inyo."



Napamaang siya. Hindi nakapagsalita agad dahil tama ako roon. "Bakit ka ba sumasagot, ulap?!" Napangisi ako. Alright. I won. "Bwesit ka. Wala akong sinisisi rito!"



"Feeling ko November or December 'yan matutuloy."



"Malabo 'yon, Rob." I countered. Wala man akong pakialam sa mga ganap dito sa school pero at least aware ako sa ibang mga bagay-bagay rito. "Remember the school's old memorandum na hindi mapalit-palitan?"



Nakapaloob sa tinatawag naming school memorandum ang mga dapat at hindi dapat gawin dito sa loob. Mayroon kaming bago at  lumang memorandum. Doon sa dalawa, ang luma ang mas sinusunod na ang maestra pa mismo ang nagsulat, ang namayapang asawa ni Sr. Harrison. Isa sa nakapaloob sa old memorandum ang year end clear, sinasabi rito na walang anumang aktibidades ang maaring isulong mula Septiyembre hanggang Disyembre. In short, Ber months. Malayang buwan ang mga ito at purong pag-aaral lang ang bibigyang pansin ng mga estudyante. Walang Halloween at wala ring Christmas party. The only celebration we have is a year end party na ginaganap naman sa panibagong taon, pangalawang linggo ng Hunyo. I know, malayo na masyado, but that's how it is.



Sad? Sa iba lang—or maybe sa lahat maliban sa aming dalawa ni Gwen na pabor na pabor doon.



"Ay...oo nga."



"Eh bakit 'yung Sports Fest?" Apilang muli ni Gwen. Bida kontrabida talaga 'to. "October din naman 'yon."



"Oo nga pero hindi naman dito gaganapin 'yon. Never pa ginanap dito, laging sa ibang school," turan ko. Ngumuso siya, hindi niya pa rin matanggap. May bigla naman akong naalala kaya nilukutan ko siya ng noo. "And can you stop blaming Monteclaro for not being around? As a Vice President, trabaho mo naman talaga ang sumakatawan sa kanya sa mga pagkakataong wala siya, hindi ba?"



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon