It is still my choice to make if I want to quit, though. Pwede akong magback out at hindi na sumali pa kung gugustuhin ko. Hindi na rin naman nila babawiin pa ang scholarship dahil iginawad nila ito sa akin bilang pasasalamat sa mga nauna kong panalo. But still...since magaling mambudol ang faculty, at wala namang mawawala sa akin sa paligsahan na 'to...I'll just stay.



I still hate science but—it's not that bad. It helps.




______________



"Hinintay talaga nila ako ah," usal ko.



Kakalabas ko lang ng building kung saan kami nagpulong nang makita ko sina Gwen at Rob na nakaupo pa rin sa bench na nasa lilim ng Talisay tree. Doon ko sila iniwan kanina, an hour ago, pero hanggang ngayon ay nandun pa rin sila't nag-uusap—I mean nagbabangayan. Kaya naman nakangiti akong naglakad palapit sa kanila. Ang sweet 'no? Kahit ganyan sila at madalas nakakaubos pasensya, mahal na mahal ko ang mga 'yan.



"Mama mo blue!" Hindi pala sila nagbabangayan, nag-uusap lang. Masyado lang akong judgemental. 'Yung ganitong eksena nila, pag-uusap lang 'to na matatawag dahil ang bangayan...world war para sa kanila. Anong away-away? World war agad. Pasalamat na lamang ako dahil sa tagal na naming magkakaibigan, hindi pa ako nabibingi sa kanilang dalawa. Working well pa rin naman ang both ears ko. "Unacceptable, Rob! Unacceptable!" Maraming nagtatanong kung pinaglihi ba raw sa sama ng loob si Gwen Chloe? Hindi pa ba obvious? Sangkatutak na sama ng loob at problema ng mundo ang dala-dala niyan. "Paano tayo makakatulog ng mahimbing sa gabi kung kinaumagahan 'yung pesteng paligsahan na naman ang iisipin natin. Hindi na natapos-tapos! Ano 'to, pang-forever waiting game?!"



Naiinis na rin ang huli, si Rob. "Alam mo kung ano ang isa pa na hindi matapos-tapos?"



"Ano?!"



"Yang mga reklamo mo!" Hindi pa ako nakakalapit sa kanila sa lagay na 'to ah, pero ang ingay na nila sa pandinig ko. "At bakit sa'kin, teh?! Dun ka sa kanila magreklamo, h'wag sa'kin! Naloloka ako sayo ah."



"Alam mo, baks, 'yang kabaklaan mo lumalala na."



"Tignan mo 'tong—." Tama lang din ang pagdaan ng ilang estudyante at binati sila. "Gago ka ah. Hindi ako bakla!"



Natawa lang ang mga estudyanteng napadaan. "Halikan mo nga 'yang si Gwen kung hindi ka bakla," natatawang sabi ko nang makarating. Napalingon naman sila saka sabay na nandiri sa narinig mula sa'kin. "Ang ingay niyong dalawa. Dinig na dinig ko ang pinag-uusapan niyo mula ro'n!" Turo ko sa building na pinanggalingan ko.



"Grabe. Ganon kalakas?" Tila hindi pa makapaniwalang tanong ni Gwen. "OA mo ah."



"Wow ah!" Ismid ko. "Pinag-uusapan niyo na naman ang music festival niyong 'di na naman tuloy. Yung totoo, matutuloy pa ba 'yon o hindi na?"



Rob sighed. "Sana nga hindi na."



"Anong hindi na?!" Auto-react naman ang isa. "Nagpakahirap tayo sa preparation nun tapos 'di nila itutuloy? Unghang ba sila?! Magkano rin ang nagastos natin dun!"



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now