qT.L.D.E.E. 24: The GrandFather

1.7K 36 17
                                    

Xygliere's POV

Babalik na ako! Tito Ellis! Langya!

Pano nga ba ako napunta sa sitwasyon ko ngayon? Psh. Habang naka-upo ako kanina sa may tabi ng puno bigla na lang may lumitaw sa harap ko na oso. Pucha! Oso! Kaya naman ngayon takbo ako ng takbo kahit na kanina pa rin kumakalam tong sikmura ko. Pano ko naman mapapatay tong oso eh hindi nga ako marunong maki-paglaban? Kung utak ko lang ang pagaganahin ko siguradong wala akong mararating. Nang may nakita akong puno ay agad akong umakyat ruon sa may sanga nya hanggang sa pinaka-mataas na kaya ko. Hingal na hingal ako ng maka-upo ako sa sanga, ng tumingin ako sa baba ay nandun pa rin yung oso. Palingon-lingon, hinahanap ata ako. Tch. Tapa-hawak naman ako sa tyan ko ng marinig kong kumalam na ito.

San naman ako kukuha ng kakainin ko?

Hindi ko alam kung nasa tabi ko lang talaga si swerte o koinsidensiyal lamang ito pero ng iikot ko ang paningin ko may nakita akong puno ng mangga. Dalawang puno pa ang kaylangan kong lagpasan bago ko ito marating.

So now it's becoming more and more like a survival game. What a piss.

Hindi naman ako ganoon ka-tanga para bigla na lang tumalon pababa ng may uhaw na osong naghihintay saakin. Inilibot kopa ang paningin ko kung meron ba akong magagamit bilang sandata sa oso sa ibaba ko. Pero tanging mga sanga-sanga lang ang nakikita ko.

No choice ako kaya pumutol na lang ako ng matulis na sanga. Hindi ako marunong maki-paglaban, baka mamaya pag-sumugod ako dun sa oso lapain lang ako. Kelangan kong asintahin yung oso.

Ipi-nuwesto ko na yung braso at kamay ko sa direksyon ng oso.

Sana naman tumama. Hindi ko nga alam umasinta.

Ibinato ko na yung sanga sa may parte ng tyan nung oso pero hindi tumama. Napa-sibangot naman ako kagad.

Sabi ko nga, hindi ako marunong umasinta. Tch.

Napa-tingin yung oso dun sa sanga na ibinato ko at napa-tingin sa direksyon ko. Para pa ngang nagliwanag ang mga mata nya ng makita ako.

Mukha ba akong pagkain? Kung marunong lang talaga akong maki-paglaban ikaw ang gagawin kong pagkain ko.

"Ay pusa!" bigla akong napa-sigaw ng simulang bungguin ng oso itong punong kinalalagyan ko

Napa-yakap naman ako sa katawan ng puno.

"Mama-!" Napa-hinto ako kagad ng akmang tatawagin ko si Mama

Walang mangyayare kung tatawagin ko sina Mama, kelangan kong maka-alis dito para maka-punta na ako dun sa burol. Kelangan kong magpakatatag.

Pumutol ulit ako ng matulis na sanga at tinignan yung oso sa baba. Bumwelo ako at tumalon mula sa kinalalagyan ko  at itinapat ang sanga sa oso. Bumaon sa mismong ulo nya yung sanga, pero nag gaga-galaw parin yung oso. Kaya naman mas lalo ko pang diniinan yung pagkakabaon ng sanga.

Die! Die! Die! Just die!

Nang mapansin ko na nawawalan na ng pwersa ang oso sa paggalaw ay pinagtataga ko ito gamit yung sanga. May mga dugo ng tumatalsik sa mukha ko pero wala akong pakialam.

Nang dahil sayo gutom na gutom na ako! Pinahirapan mokong tumakbo!
Gutom na gutom na ako kung pede lang kinain na kita ginawa kona!

Matapos kong makuntento sa pagtaga sa oso ay umalis na ako at nagtungo dun sa puno ng manga. Inakyat ko to at pumitas ng bunga. Nagsimula na akong kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Demon Eyed Empress ( UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon