Halloween Special (Part 2)

3.4K 92 21
                                    

Author's POV

Nanghihinang napaupo silang tatlo sa mahabang silya na kanilang inuupuan kanina....

"Pano tayo makakalabas nyan?" Tanung ni Vincent

"Kaylangan nating iligtas si Lola .." Sagot agad ni xanxus

"Pero kuya xan, Ano ang panglaban natin sa mga aswang?" Tanung naman ni gelu

Nagkatinginan naman ang dalawang binata at Sabay na napangisi...

"Ako ng bahala sa mga bawang at holy water..." Ani xanxus

"Ako bahala sa sibat..." Sabi naman ni Vincent

"H-huh? T-Teka mga kuya ano ibig nyo ng sabihin?" Naguguluhang tanung ni gelu habang nag papapalit-palit ang tingin Kay vincent at xanxus.

"Basta umupo ka lang dyan lil sis at bantayan yang so Warren." Sabi ni xanxus

"Oo nga lil sis, Basta watch and learn." Dagdag naman ni Vincent. At Sabay silang tumayo ni xanxus at nagsimula na silang maging abala sa kanya kanya nilang gagawin, habang si gelu ay pinapanuod lamang sila...

Si xanxus ay tinipon lahat ng bawang at holy water na kanyang nakita. Samantalang si vincent ay kinuha lahat ng patalim sa kusina ni lola, kumuha din sya ng mga stick na mahahaba...

Kumuha rin si vincent ng lubid at ginamit nya iyon upang itali ang kutsilyo sa may stick na mahaba. ( a/n: Diko alam tawag dun sa stick n mahaba hahahah) Kaya naging sibat ang mga Ito....

Si xanxus naman ay inihanda ang mga holy water na kanyang nakita, at ipinaligo Ito sa sibat na ginawa ni vincent.

Pero nagtira naman sya ng ilang bote pa para sa proteksyon.... Ang mga bawang naman ay tinanggal nya sa pagkaka-dikit-dikit nito.

Kumuha sya ng Ilan sa mga ito at inilagay sa kanyang bulsa.

Si gelu naman ay nakatulog na kakapanuod sa dalawang binata.

Matapos ang ilang oras ay tapos na rin ang dalawang binata sa kanilang ginagawa, si Vincent ay may hawak na dalawang sibat , si xanxus naman ay may mga bawang sa bulsa at hawak na iba pang bote ng holy water.

Si Warren naman ay naaalimpungatan kaya nagising ito, nang sya'y magising ay dun lang nya napansin ang dalaga sa kanyang tabi na mahimbing na natutulog... Agad din hinanap ng mata nya ang dalawang binata...

Nang makita Nya ang mga ito ay agad nya itong nilapitan...

"A-Ano yan?" Naguguluhang tanung nito

"Panlaban sa aswang..." Sabay pa na sambit ni Vincent.

"Bakit pa kayo lalaban? Eh kumpleto naman tayo ah? Pede na tayung umalis dito, at hanapin ang daan palabas." Ani Warren

"Nakuha ng mga aswang si Lola, Kung di dahil Kay Lola ay Baka nakaen na ng aswang si lil sis, Kaya ngayun naman na sya ang nakuha ng aswang sya naman ang ililigtas natin..." Sabi ni Vincent

"Mga tol! Eto ata yung sinasabi ni Lola na Langis!" Sigaw ni xanxus habang may hawak na maliit na bote ng Langis

"Para san naman yan?" Tanung ulit ni Warren

"Ang Sabi kasi ni Lola kanina bago sya matangay nung aswang, eh may Langis daw sya na nakalagay sa isa sa aparador dito, yung Langis nayun pag kumulo yun ay may aswang na nakapaligid pero kapag hindi huminto ang pagkulo ay nasa kuta kana ng mga aswang." Paliwanag ni xanxus

"Ibig sabihin, kayung dalawa? Pupuntahan nyo si Lola?" Ani warren

"Oo" Sabay nilang sagot

"Eh, pano kami ni gelu? Pano kung may sumugod saming aswang dito?" Tanung ulit ni Warren

The Last Demon Eyed Empress ( UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon