"Wait" sagot ko habang nagsusuklay ng buhok. diba nagsusuklay na ako ngayun. kakahiya naman sa kanya.

"Pasok ka! " sabi ko na lang sa kanya baka mainip siya kakaintay saakin dyan sa labas. agad naman siyang pumasok tapos pumunta saakin at niyakap ako mula sa likod. grabee ang bango niya! hehehe sarap amoyin.

"Ang bango naman ng girlfriend ko" pangaasar niya. bigla tuloy akong namula.

"manahimik ka nga! " sabi ko tapos hinampas siya sa braso.

Kumalas siya tapos umupo sa kama habang nakatingin saakin. nakikita ko kasi yung  reflection  niya sa salamin.

"Don't get too beautiful okay? " sambit niya. napakunot naman yung noo ko.

"Why not? "

"Because other men will look at you, and I won't be happy" sagot niya na nagpangiti saakin. napaka seloso niya talaga!

"Oo na po " sabi ko tapos lumabas na kami ng kwarto para umalis.

Habang nasa byahe kami bigla na lang nag vibrate yung phone ko tapos lumitaw duon ang pangalan ni Athena. agad ko itong sinagot.

[Hello bruha!] bungad niya.

[Bakit?] sabi ko

[Anong bakit? hoy! may lakad tayo ngayun. nakalimutan mo na ba?]

bigla akong natahimik. oo nga pala may lakad kami ngayun ni Athena. pero bigla ko na lang naalala yung plano namin ni Zayne at ngayun niya yun gagawin. napangiti ako.

[Sige. hintayin mo ako]  sabi ko tapos binabaan na siya. haha! sana maganda yung kakalabasan nung kalokohan namin.

"Andito na tayo pangit! " masigla niyang bungad saakin. mabilis siyang bumaba tapos umikot para pagbuksan ako ng pinto. ang tweet niya talaga. hehe!

"Thanks panget" sabi ko. ngumiti lang siya tapos hinawakan yung kamay ko. halatang halata sa mukha niya na excited siya ito kasi ang unang beses naming lumabas.

Pagpasok pa lang namin. pinagtinginan na agad siya ng mga babae dito sa mall. nakakapag selos tuloy. ang gwapo naman kasi niya. Hays!

binitawan niya yung kamay ko tapos inakbayan ako. " anong problema panget ko? bakit nakasimangot ka? " tanong niya. natawa naman ako. tapos umiling.

Napagkasunduan naming dalawa na manood ng sine muna bago mag shopping. balak niya kasi bilhan yung mommy niya. agad na kaming pumila para makakuha ng ticket ng may biglang kumalabit saakin mula sa likod paglingon ko nakita ko ang dalawang babae na sa tingin ko mga kasing edad lang namin.

"Uhmmm....pwede po ba namin malaman yung pangalan ng kasama mo? " sabi nung isa na kilig na kilig pa.

bigla naman akong nairita pero hindi ko iyon pinahalata.

"may girlfriend na kaya siya? " rinig kung sabi nung isa. mga haliparot! meron na at Ako yun! duh! di ba halata! kinalma ko ang sarili ko.

"Bakit? " sabi ko. grabe napaka ewan ko talaga.

"Ang gwapo niya kasi eh... yaya ka po ba niya? " bigla akong nairita.

"Ano!? " napasigaw na ako sa sobrang inis. Ako? yaya? what the hell. bigla naman silang natawa. Ano namang nakakatuwa?

" baka nanay ka po niya ? " mas lalong nag-init yung ulo ko. inayos ko yung salamin ko at tiningnan silang dalawa na tawa lang ng tawa.

" mukha ba akong nanay? Ha!? " napasigaw ulit ako. nasa amin na ang atensyon nila. Nasa likod kami ni Zach kaya hindi ko siya nakikita.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonWhere stories live. Discover now