Chapter 18: Last Day

Start from the beginning
                                    

And I'm happy to know that this day is my Last Day for being his slave .

kinalma ko yung sarili ko. Hinawakan ko ng mahigpit yung mga pinamili ko. Dahil sa kabadtripan ko hindi ko nasabi sa inyo na kanina pa ako nakatayo sa tapat ng pintuan ng condo niya. nagaalangan kasi akong pumasok. Badtrip kasi ako!. pagnakita ko yung mukha niya nasasaktan ako na parang ewan. akala ko kasi totoo yung pinapakita niya hindi pala. Nag assume kasi ako. Tanga ko din kasi nagpadala ako sa pinapakita niya.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. agad namang hinanap ng mata ko si ewan. Kupal. pero wala siya dito. tanging TV lang yung nagsasalita. baka nasa kwarto siya.

Naglakad ako papunta sa kusina pero nakakailang hakbang palang ako ng may kung anong bagay na nakaharang sa dinaanan ko. Hanggang sa

"Aray! " inda ko. may nakaharang na parang wire sa dinaanan ko kaya natisod ako tapos nagkalat pa yung mga pinamili ko.

Agad akong tumayo para pulutin yung mga pinamili ko. nagkalat na kasi siya baka mapagalitan ako kapag nakita to ni Zach ng ganito. nasa kalagitnaan ako ng pagpupulot ng matigilan ako ng may nagbuhos saakin ng pintura mula sa taas. Agad akong tumayo at hinawakan ang mga damit ko. Naulit na naman!. punishment na naman ba Zach?. nakakasakit ka na eh.

Hinayaan ko na lang ang nangyari dahil wala naman akong Zach na nakita sa paligid. At isa pa parang wala na ito saakin dahil sanay na sanay na talaga ako sa ganito.

Pumunta ako sa kusina para ilapag yung mga pinamili ko pero bago pa ako makarating sa fridge ay natumba na ako sa sahig dahil sa pagkadulas. bumabaha sa kusina niya.naka bukas yung gripo at umaapaw yung tubig sa sink kaya bahang baha na dito. Agad akong tumayo para patayin yun kahit na ang sakit ng pwet ko. dali dali kung kinuha yung mop para linisin ang tubig. wala talaga akong alam sa paglilinis. Mygosh!

Ginawa na naman ba ito ni Zach?.

patuloy pa din ako sa paglilinis ng may narinig akong halakhak ng isang demonyo. hindi ko iyon pinansin dahil alam ko naman kung sino yun at isa pa hindi ko kaya makita yung mukha niya kasi nasasaktan ako sa mga ginagawa niya saakin.

Simula kasi nung na realize ko na gusto ko siya ay hindi ko iyon pinagsabi sa iba. Tanging ako lang. Ayaw ko na malaman niya dahil baka pagtawanan niya lang baka sabihan niya ako ng masasakit na salita. Sapat na tong hindi niya alam dahil wala naman akong pag-asa sa kanya. Ang tingin niya saakin ay isang laruan. pwede niyang paglaruan kahit anong oras niya gusto.

Pagkatapos kung maglinis ay naligo muna ako at nagpalit. ang dumi dumi ko na. ang hirap pa tangalin ng nasa katawan ko.

Pagkatapos kung magpalit ay lumabas na agad ako ng banyo. walang imik kung dinadaanan si Zach. kahit tinatawag niya ako ay hindi ko iyon pinansin. titiisin ko na lang kasi last day na ng Dare. Kaya din siguro siya ganito kasi last day ko na. pinapahirapan niya ako ng bongang bonga.

Bahala siya. Pahirapan niya ako para mas madali ko malimutan yung nararamdaman ko para sa kanya.

Tinuon ko na lang yung pansin ko sa pag lilinis. walang imikan. Bahala siya magsalita mag -isa .

"Coleen! " tawag niya.

hindi ako lumingon

"Coleen! " sigaw niya.

Bahala ka sa buhay mo. hindi kita kayang kausapin.

"Coleen fortel! "

Wala pa din. kahit na kinakabahan ako dahil buong pangalan ko na  ang tinawag deadma pa din ako.

" I will count. "

Mas lalo akong kinabahan. yaan muna sanay na ako sa parusa. hindi naman niya siguro ako papatayin. Diba?.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonWhere stories live. Discover now