"Get back?!" Gwen reacted. "Bakla, hindi deserve ng taong 'yon dahil bukod sa sayang na nga sa oras, sayang pa sa papel! Hindi na dapat pinag-aaksayahan ng oras ang ganung mukha. And this...?!" Malakas niyang inilapag ang sulat sa desk niya. "Ipakain ko pa 'to sa kanya eh!"


Nanatili akong tahimik. Sirang-sira na ang mood ko ngayong araw. Una dahil kay monster na papansin tapos dumagdag pa ang jowa niyang isa ring papansin. Ghad, those two...bagay nga sila! Hindi ko na alam ang gagawin sa kanila. Ang sarap nilang ilibing at pagsamahin sa hukay!


"Feelingero rin talaga si Steph, ano? Makapagsabi ng taken siya, hindi man lang inispecify kung ilan. We're all aware na official girlfriend niya si Samantha at legal pa. Ang tanong, ilan ang hindi official na jowa? Ilan ang pampalipas oras lang?" Rob.


"Gwapo raw kasi eh. Feeling loyal ang gunggong. Ang kapal ng mukha. Who knows, baka pinatulan lang siya ni Monteclaro for the sake of their image kuno." Gwen quoted the last word.


"Possible." Rob.


"Posible talaga. Huh, John Steph? ENG!!! Sa taong palaboy na lang ako."


Ako rin. Sa taong palaboy na lang din ako.


Gwapo. Sikat. Matangkad. Maputi. Magandang ngumiti. Ano pa ba ang mga walang kwentang pinagsasabi ko noon sa tuwing tatanungin ako kung anong nagustuhan ko sa lalaking 'yon? Hindi ko na alam kung paano babawiin ang mga panglalarawan na iyon na hindi na tumutugma ngayon. Tama si Gwen, nadala lang ako sa ideyang gusto siya ng karamihan kaya nagustuhan ko rin siya dahil nakuha ang interes ko. Nagbulag-bulagan ako at hindi nakinig. Hindi na sana umabot pa sa ganito kung mas maaga lang akong natauhan.


Pero at least tapos na ako sa walang kabuluhang pagpapantasya ko.


I know it was just a letter, but his words were too much for me to take. Hindi ako makakatulog ng maayos hanggat hindi ko ito naibabalik sa kanya. Mabait akong tao pero may hangganan din. Hindi ko hahayaang magtapos lang sa ganito ang lahat na parang walang nangyari. Hindi pwedeng tuluyang humupa ang galit ko nang wala man lang nagagawa.


"Ano, ulap? Balatan na ba natin ng buhay?" Tanong ni Gwen na always ready manghamon ng away.


Tumayo ako. Hinarap ko silang dalawa. Inilahad ko kay Gwen ang aking kamay para kunin ang sulat na agad naman niyang inabot. Hindi ako nakontento sa pagbabasa ko kanina at muli ko pang pinasadahan. Gusto ko lang galitin lalo ang sarili ko dahil unang bungad pa lang, UNANG LINYA, kukulo na talaga ang dugo mo.


Kinuha ko ang aking bag at isinukbit. "Saan ko siya pwedeng makita?"


"Sino? Si Steph?" Rob. I nodded. "I'm pretty sure nasa main gym siya ng sport centre ngayon. May training ang mga varsity players. Bakit? Anong gagawin mo?"


"Ibabalik ko lang sa kanya 'tong basura niya. And maybe, give a little speech despite the fact that it won't hurt him because of his insensitive ass?" Seryoso pero may sarkasmong sabi ko. "You guys can stay here."


"Nope. You're not going anywhere without us, ulap. Sasama kami!" Gwen.


"Yes, girl. Sasama kami. We got you!" Rob added. Tumayo na rin silang dalawa.


Huminga ako ng malalim. "Alright. Let's go."


"Ito ang gusto ko, bardagulan." Gwen.


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora