Chapter 28

23 0 0
                                    

Chapter 28

"OH MY GHAD!!!"

agad akong napatakip sa tenga ko at napatayo ng mag sigawan sila. Masama kong tinignan yung mga kaklase ko na pinapag uusapan ako kanina. ang iingay nila!

ano ba kasi sinabi sa kanya ng isa kong kaklase at ganyan sila kung maka sigaw? wala na kasi akong narinig na sinabi niya pa kanina at bigla na lang sila sumigaw. Gusto ko sana itanong kung ano ba sinabi nung kaklase ko sa kanila at ganun sila kung maka sigaw. kaya lang sigurado rin akong hindi nila sasabihin sakin kung 'ano yun' dahil tungkol samin yun ni Chanyeol. kaya wag na lang din

"sshh. sabi ko sa inyo wag kayong maingay e."

siya nga yung dahilan kung bakit sila nag ingay e. Nang dahil sa sinabi niya sigaw na sila ng sigaw.

"Sorry pres. tatahimik na kami, promise" sabi ng isa sa kanila at nag peace sign pa

Tumango na lang ako at hinayaan na ulit sila. Bumalik na lang ako sa pagkakayuko. dahil wala talaga akong maisip na gawin.

"Dianna." Hindi ko pinansin yung tumawag sa pangalan ko at nanatili lang na nakayuko " uy Dianna! " Katulad lang kanina. hindi ko siya pinansin. nakitang natutulog yung tao gigisingin? bastos lang bes?

"Dianna!"

"Aray!" sigaw ko ng bigla na lang niya akong hampasin ng walang dahilan.

masama kong tinignan si Shiela dahil sa ginawa niya. paano ba naman kasi, binulabog niya na nga yung pag tulog ko, hinampas niya pa ako!

"Sorry na. peace na tayo!" natatawang sabi niya habang naka peace sign. pero inirapan ko lang siya. bwisit parin siya

"bakit ba? nakita mong natutulog ako e." inis na sabi ko sa kanya pero ngumiti lang ulit siya

"Ano na kayo ni Chanyeol? Ok na ba kayo?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

bakit niya ako tinatanong niyan? diba nga dapat siya ang tanungin ko, kung niyaya na ba siya ng date ni Chanyeol something like that?

"Hindi. I mean, basta magulo! bakit ba?"

"Curious lang ako. ang tahimik mo kasi. So iniiwasan mo parin siya ganun?"

Hindi ko naman na kaylangan iwasan si Chanyeol e. Bumalik na siya sa dati niyang ugali at pag trato sakin. Kaya satingin ko siya pa nga ata ang iiwas sakin

"Hindi na. Saka nag bago na yung pagtrato niya sakin. ewan ko kung bakit, basta biglang nag sungit na siya tapos iba na ulit yung ugali niya. at Hindi mo rin maiintindihan. kaya shut up ka na lang" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Naiinis din ako kasi ako kay Shiela ng walang dahilan. Bigla lang akong nakaramdam ng inis na makita ko siya.

"Sungit ah! nagtatanong lang e. Meron ka ba ngayon?" nakangising tanong niya pero inirapan ko lang siya. isipin niya na kung anong gusto niyang isipin kung bakit naiinis basta bahala siya

*****

Nang mag uwian na kami, Agad kong hinanap si Chanyeol sa harap ng gate namin kung nandun ba siya, pero wala.

Bumalik na nga siguro talaga siya...

duh? ano nga ba kasing aasahan ko? tinulak ko siya palayo. hindi ko man sinabi sa kanya, pinaramdam ko sa kanya yun.

I pushed him away

isn't this what i want? him, avoiding me

Pero bakit hinahanap ko yung lagi niyang ginagawa noon? i must be out of my mind. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Hindi na rin ako nag hintay pa ng matagal o ano. dahil alam ko naman na nag hihintay lang ako sa wala. Wala naman dadating na Chanyeol para sunduin ako.

Pag uwi ko sa bahay. katulad lang ng dati, tinanong ako ni mama kung na saan si Chanyeol. kung sinundo ba adaw ako nito. at kung ano-ano pa. pero tulad lang din ng ginagawa ko. Hindi ko na lang pinapansin si mama at pumapasok na agad sa kwarto namin.

Naka higa lang ako sa kama namin. Hinihintay na tawagan niya o kaya naman mag message siya sakin. kung ipapa linis niya ba yung mansion nila o kaya naman yung Condo niya diba? ang tagal na rin kasi na hindi niya pinalilinis sakin yun.

"Dianna anak?"

agad akong napa upo ng buksan ni mama yung pinto. nagulat kasi ako sa pag pasok niya. Hindi man lang kasi kumatok.

"Bakit ma? may problema ba?" nag aalalang tanong ko sa kanya.

Sa tono kasi ng boses niya parang may problema siya.


"Ikaw? may problema ka ba, Dianna?" nag aalalang tanong niya sakin pag kaupo niya sa tabi ko.

kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni mama. siya nga ang tinatanong ko kung may problema siya, pero binalik niya naman sakin yung tanong.


"Anong pinag sasabi mo ma? mukha ba akong may problema? sa ating dalawa nga ikaw ang mukha may problema e" natatawang sabi ko sa kanya para naman hindi masyadong mabigat yung athmosphere. 

Pero hindi naman siya tumawa at malungkot lang na nakatingin sakin. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng tingin na yun. bakit mukhang nag aalala siya sakin?

"Mama naman e! Kung makatingin ka sakin. parang mamatay na ko e!" inis na sigaw ko sa kanya.

ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Sabihin mo nga sakin ang totoo. anong nangyari sa inyong dalawa ni Chanyeol?"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon