Chapter 10

42 2 1
                                    

Chapter 10

"Pres. yung marriage booth handa na"

nagmamadaling sabi sakin ng Isang officer. tumango na lang ako at pinaalis na siya. alas kwatro pa lang ng madaling araw ay nandito na kami, para ayusin lahat ng mga gagamiti at mga booth para sa Festival. napag isipan na lang namin na gumawa ng marriage booth kahit wala naman lalaki. Just incase lang daw na yung iba ay mag invite ng lalaki diba? Hindi kasi muna kami naging mahigpit ngayon. Hinayaan na lang namin na kahit ay lalaki ngayon ay pwede basta ay may kapatid o kaya naman ay may kakilala siya na dito mag aaral, ay makakapasok siya

"Yung Jail booth, ayos na ba?"

Nagmamadaling tanong ko habang inaayos yung ibang kaylangan para sa Treasure Hunter.

"ayos na lahat. By the way pres. may sasayaw at kakanta daw pala mamaya. "

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa Vice pres. namin. Bakit hindi ko ata alam na may mag pe-present pala?

"Bakit hindi ko to alam?"

"Ngayon lang din nalaman. sinabi lang kanina samin ng Principal at sabihin na lang din daw namin sayo"

Tumango na lang ako at nag utos sa ubang Cabinet members na ayusin yung stage para sa kakanta at sasayaw mamaya.

mamaya pa namang 10 am mag uumpisa yung Festival kaya marami pa naman kaming oras para mag ayos. 7:38 pa lang naman kaya may natitira pa kaming dalawa at kalahating oras.

"Anong oras nga pala sasayaw yung mga grupo na yun?"

tanong ko sa vice president ng mapadaan siya

"Mga hapon pa naman sila. kaya unahin na muna natin tong mga booths. "

Sabi nito at inabot sakin ang isang susi. Susi to para sa Jail Booth mamaya.

"Yung eating competition, ayos na ba lahat ng pagkain dun?"

tanong ko sa kanila. agad naman silang tumango

"Yung sa photo booth, yung mga Camera ayos na?"

tanong ko naman sa mga tao dun sa Photo Booth. agad rin naman silang tumango at nag ayos ulit. Pumunta naman ako sa Hugot mo, Post mo na pina request lang samin dahil marami daw bitter at broken hearted sa school na ito.

nag bell na rin kaya nag umpisa na yung Festival. maayos naman ang nangyayari. kaya lang pagod na ko kaya ang hirap mag enjoy

"Hey, Wag kang mag mukmuk diyan, mag enjoy ka kaya, kasi pinag hirapan mo to"

Sabi sakin ni Shiela pero umiling lang ako. Nandito ako sa Rooftop at pinapanood lang sila. Hindi pa naman siguro ako kaylangan dun. Saka na lang ako bababa kapag kaylangan na ko dun, sa ngayon mag papahinga muna ko

"Naku! Pero dadating nga pala ba dito yung prince charming mo?"

takang tumingin ako sa kanya. sino naman yung prince charming ko?

"huh? sino?"

"Wag ka ng mag kaila! si Park Chanyeol! naku kung ayaw mo sa kanya pwede mo siyang ibigay sakin, tatangapin ko siya ng buong puso ko"

sabi nito at nag de-daydream pa. malala na tong kaibigan ko.

"uy Dianna! kaylangan nga na sa baba. kulang daw ang nag aayos sa Wedding booth"

agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at agad na bumaba. Sabi na nga ba at marami ang pupunta sa wedding booth dahil ngayon lang kami nag palagay ng ganito.

"Kamusta na?"

hingal na tanong ko dahil nga tumakbo ako pababa galing sa Rooftop.

"marunong ka bang mag make up, pres?"

Hinihingal din na tanong sakin ng isang cabinet member

"Oo, pero kaunti lang"

Ngumiti siya ng malapad at hinila na ako sa isang studyanteng babae. inabutan niya na rin ako ng mga gagamitin pang make up

"Bakit? anong gagawin ko?"

"Tumulong ka muna Pres. sa mga make up artist. kulang tayo e"

sabi nito at umalis na. iniwan akong tulala dun. Grabe! inuutusan lang ako ng cabinet member?! Woahh!!!

"Pst! Harap ka dito ms. Bride"

sabi ko dun sa babae. humarap naman agad siya sakin. pinaupo ko siya sa harap ko at sinimulan na ang ritwal.

"Pres. Ayusin na daw yung Stage. 2:30 na, 3:00 daw kakanta at sasayaw yung mga yun"

nag mamadaling sabi nito. kapagod! ang hirap talaga maging president T__T

"sige. Kunin niyo yung ibang mga materials, tutulong na ko sa pag aayos"

sabi ko at tumakbo na papunta sa Stage. Winalisan ko agad dun, dahil ang daming kalat. Dito kasi nag date yung ibang mga students -_-

Nag lagay kami ng Drums at isang Gitara at piano, di ko nga alam kung para saan yung piano. i mean alam kong may tutugtug nun, pero kaylangan pa ba talaga? tapos anim (6) na mic

"pwede na yan"

sabi ko at bumaba na ng stage. Inayos na rin naman namin yung mga saksakan nun, yung mga mag performers na lang ang kulang

Umupo ako dun sa may gilid lang. Napagod talaga ako. Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat e, School's Festival

"3 2 1!"

Sigaw mula dun sa likod ng kurtina. parang kilala ko ang boses na yun... Hindi kaya... Imposible, tamad yun e! kaya sure akong hindi yun pupunta dito

Nanlaki na lang ang mata ko ng bumukas ang kurtina at si chanyeol and Friends ang nakita ko.

Paano? kaya ba alam ni Baekhyun na ngayon na ang Festival namin, dahil pupunta pala siya

"First of all, i would like to say 'Hi' to the prettiest girl here"

Sabi ni Baekhyun saka tumingin sakin. kita ko rin na napatingin ng masama sakin si Chanyeol.

"Hi, Dianna Vilafuerte!"

sigaw ni Baekhyun saka ngumiti ng matamas sakin at kinindatan ako, dahilan ng sigawan ng mga babae.

'Hi' i mouthed. agad naman akong tumingin kay Chanyeol na sobrang sama na ng tingin sakin. Sabi ko nga, hindi ko na papansinin si Baekhyun

"Haba ng hair ng friend ko oh! natatapakan ko na!"

napatingin naman ako sa gilid ko ng marinig ko dun ang boses ni Shiela. nakangisi siya sakin

"Pinag sasabi mo diyan?"

takang tanong Ko sa kanya.

"Sabi ko, ang haba ng hair mo! Hindi lang pala si Chanyeol ang nabihag mo!"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon