Chapter 14

27 2 2
                                    

Chapter 14

"Hindi mo ba alam kung anong ginagawa sa Hotel?" sabi nito pag tapos niyang i-lock ang pinto. "Gusto mo bang sabihin ko pa sayo?" naka ngising sabi niya habang papalapit sakin. "or should i show it to you?" 

"T-tumahimik ka nga!" lumalayo parin ako. Pero lapit rin naman siya ng lapit.

"Do you know why i brought you here?"

"Chanyeol umayos ka nga!" sigaw ko sa kanya at tinulak na siya palayo. Kailan ba magiging seryoso ang lalaking to?

"Hahaha lagi ka naman kasing seryoso!" Sabi nito at tawa parin ng tawa pero inirapan ko lang siya

"Atleast hindi naman katulad mo na hindi marunong mag seryoso! lahat akala mo laro!" Umupo na lang ako dun sa sofa at inis tumingin sa kanya. Ngumisi lang siya at lumapit sakin kaya agad na lumayo ako. baka kung ano nanaman naiisip niya e!

"Tss. Ang dami mo naman sinabi"

"Bakit mo ba kasi ako pinunta dito?"

"Ako lang naman talaga ang pupunta dapat dito sa Jeju mag isa. kaya lang masyadong boring kung ako lang" tumingin siya sakin at nginitian ako

"Kaya sinama ko ko?" taas kilay na tanong ko. Obvious naman e

"Yeah. nae-enjoy ko kasi kapag kasama kita" nakangiting sabi nito habang titig na titig sakin

"Wait--- Ano?!"

"I-I mean. Natutuwa ako. Kasi... kasi Napag titripan kita. Ang Gullible mo kasi" Sabi nito at tumayo na.

"Sandali! Nasaan nga ulit tayo?!" Gosh. Kasama ko ang lalaking to sa lugar na hindi ko naman alam kung saan!

"Jeju."

"As in Jeju?! Jeju island?!" ang layo layo nito sa seoul e!

Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ba ako dahil nandito na ko ngayon sa Jeju o Hindi dahil absent ako ngayon at lagot ako kay mama kung sakaling malaman niya!

"Yeah. Kung iniisip mo ang Mom mo. I already asked her permission for you. pumayag naman siya" ano naman ang naisip ng nanay ko at pumayag siya?! paano kung gahasain ako nito?!  "Stay here. May aasikasuhin lang ako"

tumango lang ako, pero hindi niya naman din yun makikita dahil naka talikod na siya. nang maka alis na siya ay agad akong pumunta sa Kama at nahiga dun.

sa dami dami ng pwede niyang isama bakit ako pa? pwede naman si Baekhyun? si Kai? si Sehun? bakit hindi na lang niya sinama mga kaibigan niya dito? kaysa dinadamay niya pa ako. Ang dami ko na ngang ginagawa sa school sasama pa siya

Tumingin ako sa orasan at nakitang 12 pa lang pala ng tanghali. ilang oras ba kami bumyahe?

***

nakatulog na pala ako, hindi ko man lang namalayan. nilibot kong mata ko at hinanap si Chanyeol. pero hindi ko siya makita.

"Chanyeol?"

banggit ko at tumayo na sa kama. Pinuntahan ko na lahat ng sulok ng kwarto nato. pero hindi ko parin siya makita. nasaan na ba yun? tumingin ulit ako sa orasan at nakitang 6:40 na ng gabi pero wala parin siya? ano ba yung kinuha niya, Bundok? at inabit siya ng halos 7 hours?! o baka naman iniwan niya na ko dito?! kasi diba sabi ko hindi ko na babayaran yung utang ko sa kanya? wag niyang sabihin na sineryoso niya, kaya niya ako iniwan dito?!

"P*ta Chanyeol nasaan ka ba?!"

*tok tok tok*

agad kong binuksan yung pinto "Hoy! wag na wag mo kong iiwan---" Napatigil agad ako ng makita ko na hindi pala si Chanyeol yun. Babae siya na maganda at mukhang nagtatatrabaho din siya sa hotel na to

"Sir. Chanyeol is still here. please wear this" sabi nito at inabot sakin ang isang Red cocktail dress.

"Bakit ko naman susuotin to? nasaan ba si Chanyeol?" curious na sabi ko at ibinalik na sa kanya yung dress pero binalik niya rin naman sakin.

"Chanyeol is busy. don't argue, just please wear this. if you don't want to, you can leave this hotel now" seryosong sabi nito. "after you wear it, please go to the dining area" sabi nito at umalis na

sinarado ko na lang din yung pinto at wala ng ginawa at sinuot na lang yun.   maganda naman siya at simple lang kaya lang hindi ko alam kung bakit kaylangan ko mag suot ng ganito.

so naka red cocktail dress ako tapos... black shoes?

Lalabas na sana ako pero may nakalagay na Isang Red doll shoes dito sa harap ng pinto namin. para sakin ba to? tumingin tingin ako sa paligid pero wala namang tao.

Hindi ko naman ninakaw to kapag kinuha ko to diba?

Aish! Bahala na!

Kinuha na lang din yung doll shoes at sinuot yun. Lumabas na din ako sa kwartong yun.

"Ms. Villafuerte?"

Napatigil ako ng biglang tawagin ako ng isang babaeng naka uniform ng hotel na to. Kaya sure ako na nagta trabaho siya dito

"Yes?"

"This way, Ma'am" sabi nito at sinamahan na ko.

Saan ba kasi ako dadalhin nito? At nasaan na ba kasi si Chanyeol?

Tumitingin - tingin lang ako sa paligid na parang tanga dahil hinahanap ko nga kung nasaan na yung mayabang na yun

"umm, alam mo ba kung nasaan si Park Chanyeol?"

Tanong ko sa kanya.  Pero Ngumiti lang siya sakin. Ang tanga ko talaga! Malamang, hindi niya naman siguro kilala si Chanyeol. Pero bakit niya ako kilala?

"Have fun, ms. Villafuerte"

Sabi nito at iniwan na ko. Nasa labas na kami ng Hotel ng iwan niya ako.

Walang ka tao tao dito. Pero satingin ko may gaganapin ata na date. Dahil ang pula sa paligid at may isang table sa gitna. Basta ang ganda niya. Ang swerte ng babaeng ide-date dito.

Nanatili lang ako dito sa pwesto ko dito sa gilid, pero naka upo na ko.  hinihintay ko na lang ang dalawang tao na uupo dun sa table na yun.

Pero napatayo ako ng makita ko ang isang matangkad na lalaki na naka tuxedo na papalapit sakin

"Chanyeol?"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon