Chapter 13

31 2 0
                                    

Chapter 13

Hindi ako pumasok sa kotse niya at nag tuloy tuloy lang sa paglalakad. Bakit ba kasi siya pumunta dito? Imposible naman na pumunta siya dito para lang ihatid ako. Wala ba siyang pasok ngayon?

Nagulat na lang ako ng may busina nang malakas sa likod ko. Tss bahala siya diyan. Naglakad ako ng mabilis at dun sa mga iskinita dumaan para hindi niya ako masundan. nakakainis siya!

"aray!" sigaw ko ng may biglang humila sa kamay ko. Humarap ako sa kanya at gulat ko na lang, na si chanyeol pala to " Who told you to Ran away? " inis na giit nito, pero tinarayan ko lang siya. Wala akong pakielam sa kanya. Pakulong niya ako kung gusto niya, ayoko na maging slave niya. Nakakapagod ng intindihin ang ugali niya

"Come with me." sabi nito at tuluyan na kong hinila papasok sa kotse niya. Kainis, talaga siya! sarili niya lang ang iniisip niya.

"Ihatid mo ko" mataray na sabi ko at tumingin na lang sa bintana. Ayaw ko siyang makausap. nasasaktan parin ako sa sinabi niyang slowpoke ako, at yung mga iba niya pang sinabi.

Taka akong tumingin sa kanya at sa daan ulit, ng mapansin kong hindi ito ang daan papunta sa school namin. Saan niya ba balak ako ipunta? Hindi rin naman ito ang daan papunta sa bahay niya at Condo niya? wag nuyang sabihin sa Pulis na nga kami pupunta! joke lang naman yung sinabi ko na ayaw ko na maging slave niya e!

"Hindi mo ba tatanungin kung saan tayo pupunta?" takang tanong niya at nakita ko pang tumingin siya sakin saglit, pero syempre binalik niya rin ang tingin niya sa daan.

Hindi ko na lang sinagot yung tanong niya. Ganyan din naman siya kapag tinatanong ko siya, dedma lang palagi.

"Hindi mo talaga tatanungin?" Takang tanong niya ulit. pero tulad lang ng kanina hindi ko siya sinagot. Bahala siya sa buhay niya. kausapin niya sarili niya.

"Bahala ka" Rinig ko pang sabi niya. Hinayaan ko lang siya mag drive kung saan man kami pupunta.

***

nagising na lang ako bigla ng makaramdam ako ng parang may bumubuhat sakin. naka tulog pala ako kanina.

unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakitang buhat buhat nga ako ni Chanyeol. agad ko naman siyang pinagpapapalo. Saan niya ba ako balak ipunta?! Wag niyang sabihin, itatapon niya ako!

"Hoy! Ibaba mo ko! Saan mo ko ipupunta?!" sigaw ko habang karga karga niya pa rin ako. Pero hindi niya parin ako binababa. Ni hindi niya nga ako tinitignan! Hindi ko nga alam kung naririnig niya ba ako e! Siguro nga kung hindi niya ako buhat-buhat ngayon, iisipin ko na baka hindi niya alam na nandito pala ako

"ARAY!" Kainis na to! Binaba nga ako.  alam mo yung tipong parang hinagis lang ganun?! Ganun yung ginawa niya. Kainis na to. Ginawa lang akong gamit na ibabato na lang?!

"Bakit mo naman ako binaba?!" inis na tanong ko sa kanya. tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. takang tumingin lang siya sakin. yung parang may mali akong sinabi "Sabi mo, ibaba kita, ngayon naman na binaba kita, nagagalit ka. naka drugs ka ba?" taas kilay na tanong niya.

Tama nga namn siya... tatahim na lang ako. Hindi ko na lang siya pinansin at nag patuloy sa paglalakad. nakakahiya... ayoko tuloy siyang makita. katangan ko naman kasi e, bigla na lang umiiral. "Tsk. San ka pupunta?" rinig kong tanong niya galing sa likod. hindi ko siya hinarap. nakakahiya parin kasi talaga "Sa pupuntahan" mataray na sabi ko na lang, para hindi halata na napahiya ako kanina. "Sa Cr ng lalaki?" tanong niya ng may tumapat na, na pinto sakin. inangat ko yung tingin koat nakita ko nga na sa panlalaki na CR ako pupunta. Very Good Dianna! Very Good! naka galing mong tanga

Hindi ko na lang siya pinansin. Taas noo akong lumiko papunta sa kung saan man. nakakahiya na talaga. isa akong malaking tanga. "Hindi dyan ang daan" napatigil na lang ako at napakagat sa labi ko. Sige na, Spell tanga, D I A N N A. dianna. nagmamagaling kasi, yan tuloy, tanga. nahihiya akong humarap sa kanyaat ngumiti. pero blanko lang siyang naka tingin sakin. kaya napakagat labi na lang ako. nakakahiya na talaga.

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay na ikinagulat ko. "stop doing that, i might not control myself to kiss you here" madiin na bulong na sabi niya. ano bang ibig niyang sabihin na itigil ko? yun bang pagiging tanga ko? nako... kung alam niya lang na gusto ko din pigilan yun. "i said stop doing that. i really am going to kiss you here. i'm serious" ano bang ibig niyang sabihin? paano kasi sinasabi niya yan habang naglalakad kami. ako ba talaga ang kausap niya? napatigil na lang ako ng tumingin na siya sa labi ko at tumigil na sa paglalakad. agad ko rin naman tinakpan yung labi ko. ngumisi lang siya sa ginawa ko. manyak talaga. Ang public naman niya masyado! "I said stop biting your lips. it's turning me on" sabi nito habang naka ngisi sakin. Ang manyak talaga. Hinawakan niya na ulit ako at nagpatuloy na sa paglalakad pero yung kamay ko, nanatili dito sa labi ko baka mamaya halikan na lang ako nito bigla. mas maganda ng sigurado.

Pumasok kami sa elevator at nasakto pa na walang tao. juice colored save my soul from this guy. "Tss stop covering your mouth. as if i'm going to kissyou here" inirapan ko na lang siya sa sinabi niya. para kanina lang. kung hindi ko lang tinakpan ang labi ko baka nahalikan niya na ko. Don't me Chanyeol, Don't me

Nang bumakas naman agad yung elevator ay lumabas na agad kami. Hinila niya ako papasok sa isang hotel room na ikinagulat ko na lang. "Teka--- Bakit nasa Hotel tayo?!" kinakabahan na tanong ko sa kanya. wag niyang sabihin na... NO.WAY. "Bata pa ako! Ayoko!" ngumisi lang siya sakin at nilock ang pinto na lalo kong ikinaba. Ano bang iniisip niya?!

"Hindi mo ba alam kung ano ang ginagawa sa Hotel?"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon