Chapter 18

22 1 0
                                    

Chapter 18

Kinaumagahan umalis na agad kami at bumalik sa Seoul. ang Suot ko lang ay yung red dress na sinuot ko noong birthday ko.

pagtapos din ng nangyare noong gabi na yun. medyo nakaroon ng gap samin. Kinausap niya lang ako nung sinabi niya na nag ayos na daw ako dahil aalis na kami. at lagi lang akong tumatango sa bawat sinasabi niya.

sa mga kinikilos niya, alam ko na narinig niya lahat ng sinabi ko noong gabi na yun. ano ba naman kasi pumasok sa isip ko at sinabi ko yun? kung pwede ko naman sabihin yun sa utak na lang?!

lumingona ko sa kanya sandali habang nagda-drive siya. ihahatid niya daw kasi ako pauwi para ipaalam kay mama kung bakit ngayon lang ako naka uwi.

Walang ekspresyon ang mukha niya habang nagda-drive siya. mukha siyang nag iisip ng malalim kaya mas nag mukha siyang gwapo.

kainis ka naman dianna! hanggang ngayon ba naman, pinag papantasyahan ko pa siya?! ano bang nangyayare sakin?!

Nang mapatingin siya sakin agad akong umiwas ng tingin. Nakakahiya naman tong ginagawa ko.

wala naman akong gusto sa kanya, kaya bakit ganito ako kumilos?

"Nandito na tayo" sabi nito at lumabas na ng Kotse.

ang akala ko ay mauuna na siya sakin pumasok ng bahay pero pinagbuksan niya pa ako at hinawakan sa kamay. kaya ang nangyare sabay kaming pumasok ng bahay habang mag kahawak ang kamay.

nahihiya akong ngumiti kay Mama ng makita niya kaming dalawa ni Chanyeol. bumaba ang tingin niya sa kamay naming dalawa ni Chanyeol. at kita sa mata nito ang pag kagulat. Mukhang kaylangan kong magpaliwanag.

"Nakarating ka na pala anak. Maupo kayo" magalang na sabi nito samin habang hindi nawawala ang tingin niya sa kamay namin ni Chanyeol.

bakit ba kasi ayaw tanggalin ng lalaking to ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya?!

"Good morning po ma'am" magalang na bati rin ni Chanyeol sa kanya. ngumiti lang sa kanya si Mama pabalik.

"Anak, saan kayo nanggaling?" tanong sakin ni mama.

Binigyan niya ako ng ayusin-mo-ang-sasabihin look. Kaya napalunok ako.

Sandali, bakit tinatanong ni Mama kung saan kami pumunta? akala ko ba, pinaalam na ko ni Chanyeol?! itong bwisit na mayabang nato, hindi pala ako pinaalam! Bwisit talaga siya!


Peste kasing Chanyeol na to. Siya ang nay kasalanan ng lahat!

"Jeju island po ma" magalang na sabi ko dito at yumuko.

hinihintay lang talaga ni mama na umalis si Chanyeol sa bahay na ito at lagot na ko sa kanya. nakikita ko yun sa mga mata niya.

"ah jeju island... ano?! Jeju Island?!" Sigaw nito. at napatayo pa pero ng ilang sandali lang ay ikinalma niya na ang sarili niya.

lagot na talaga ako...

"Ma'am i'll explain everything" magalang na saad ulit ni Chanyeol sa kanya. 

mabuti yun na siya ang mag paliwanag ng lahat dahil siya rin naman ang may kasalanan ng Lahat!

"Ok. ipaliwanag mo ang lahat hijo. ang ayoko lang marinig ay may nangyari sa inyo ng anak ko" nag pipilit na kalmadong sabibni Mama sa kanya.

tsaka saan naman nang galing yung may nangyari samin ni Chanyeol?! sobrang layong mangyare yun!

"Ummm. where do i start?" Sabi nito habang nag iisip.

"ummm, nalaman ko po kasi na mag bi-birthday na si Dianna kaya gusto ko sana siyang dalhin sa jeju bilang regalo ko"

Tumango lang si mama sa sinabi ni Chanyeol. naku! ayus-ayusin niya lang ang sasabihin niya!

"Dapat talaga po, ipapaalam ko siya sa inyo kaya lang, bigla kasi akong tinakbuhan ni Dianna" saka niya diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Masama kong siyang tinignan pero hindi niya lang ako pinansin.

"that's why i have no choice kundi ang kidnapin---"

"kinidnap mo ang anak ko?!" gulat na tanong ni mama sa kanya. napatayo pa ito sa sobrang gulat.

"I mean, Parang ganun na nga po. parang kinidnap ko po ang anak niyo. pero wala naman akong masamang ginawa sa anak niyo promise" seryosong pagpapaliwanag ni Chanyeol kay Mama.

Bahala siya diyan, siya mag paliwanag ng lahat. tutal, siya naman ang nag dala sakin sa Jeju.

"Dianna totoo ba yun?!"

bakit ako nadamay dito?! diba sila ni Chanyeol ang ang uusap? bakit ako ngayon ang tinatanong niya?

"Wala siyang ginawang masama ma. Sinurprise niya lang talaga ako" kinakabahan na pag papaliwanag ko kay Mama. pero hindi ko nama pinahalata na kinakabahan ako, baka kasi sabihin pa ni mama na nag sisinungaling ako.

"O sige hijo, ipag patuloy mo ang pag pinapaliwanag mo kanina."

naka hinga ako ng maluwag ng si Chanyeol na ang kinausap ni mama.

Lord, ikaw na ang bahala samin ni Chanyeol. wag sana akong patayin ni mama kapag may maling nasabi tong lalaking to. yun lang po...

"yun na po. tapos sinurprise ko na siya nung gabi"

"Ano?! sinurprise mo ang anak ko nung gabi?! anong surprise ang pinakita mo sa anak ko?!" sigaw ulit ni mama.

katulad ko, madumi rin ang isipan ng nanay ko. ngayon, alam niyo na kung kanino ako nag mana?

"Mama naman! ang dumi mo mag isip! Sinurprise niya lang ako ng dinner date sa may tabi ng dagat dun!" sigaw ko sa kanya.

ako ang nahihiya ng dahil sa kanya e. kung anong surprise agad ang pumapasok sa isip niya.

"Sorry naman anak, ang akala ko kasi kung anong surprise ang pinakita niya sayo. sige, ipag patuloy mo na ulit hijo" naka ngiting sabi niya kay Chanyeol

"kapag sumingit ka nanaman sa sasabihin ni Chanyeol Ma, hindi na siya mag papaliwanag. bahala ka, mag isip ka kung anong ginawa namin dun sa Jeju!" inis na sabi ko sa kanya.

hindi kasi matapos-tapos si Chanyeol dahil lagi siyang sumisingit. kaya kung ano ano pumapasok sa isip niya kasi hindi pa tapos mag salita si Chanyeol sumisingit na siya

"Yun na nga po. sinurprise ko po siya ng dinner date. then, yun na bumalik na kami sa hotel---"

"Hotel----?!""

"sige Ma, sumingit ka pa. Hindi na talaga mag papaliwanag si Chanyeol" pag babanta ko kay Mama.

Agad naman siyang ngumiti sakin at kay Chanyeol. naka rinig lang ng Hotel, iba na agad ang iniisip

"Yes sa Hotel po namin kami nag stay." naka ngiting banggit ni Chanyeol sa kanya.

"Hotel niyo?!" sabay na tanong namin ni mama sa kanya

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon