Chapter 27

13 1 0
                                    

Chapter 27

Napatayo ako sa pagkakaupo ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto niya at nilabas nito si Chanyeol.

dinaanan niya lang ako ng tingin at pumunta na sa kusina niya.

Tumayo na rin ako para umalis na. Hinihintay ko lang talaga na lumabas siya sa kwarto niya para makapag paalam na ko na uuwi na ko.

Pwede naman akong umuwi ng hindi sinasabi sa kanya pero gusto ko parin mag paalam. wala lang gusto ko lang. Baka kasi ihatid niya ako diba? basta! ang gulo ko na talaga. kahit ako, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

alam ko naman na hindi niya na ko ihahatid dahil bumalik na siya sa dati niyang pag trato niya sakin. pero malay ko ba? baka ihatid niya ako. Hindi naman masamang umasa diba?

"You're done?" tanong niya sakin pag balik ng galing kusina.

ngumiti lang ako at tumango bilang sagot. "Uuwi na ko. gabi na kasi, baka hanapin na ako ni Mama" tumango lang siya at pumasok na ulit sa kwarto niya.

Hindi nga masamang umasa pero masakit pala.

gusto ko sanang tanungin kung ihahatid niya ba ako o hindi na. Pero mukhang halata naman na hindi. kaya hindi ko na rin tinanong.

malungkot akong lumabas ng Condo niya. Bigla akong nanibago na hindi niya ihahatid ngayon. nasanay na siguro ako na hinahatid niya ako palagi Dapat masanay na rin akong hindi niya na ulit yun gagawin

tutal malapit na rin naman ng matapos yung deal namin. 30 days na lang. 1 month na lang at hindi ko na talaga siya makikita. wala na kong rason para makita pa siya.

"Oh? Bakit ngayon ka lang? saan ka ba pumunta? 8 na ng gabi ah!" Bungad sakin ni mama ng makita niya ako

Hindi ko siya sinagot at nag tuloy-tuloy lang.

"Nasaan nga pala si Chanyeol? Hindi ka ba niya hinatid?" Tanong ni mama nang pumunta siya sa harap ko at hinarangan pa talaga ako sa pag pasok ko sa kwarto

"nakita niyo po ba siya? wala po diba?" sabi ko at inurong ng kaunti si Mama para maka pasok ako sa kwarto.

Napapagod ako ngayon. masyadong maraming nangyare ngayong araw na to. Gusto ko lang mag kulong dito sa kwarto buong mag damag

buong mag damag lang talaga akong nasa kwarto. Tinawag na rin ako ni mama kanina para kumain pero hindi ako sumagot wala talaga aking ganang gumawa ng kahit ano. Hindi rin siya dito natulog. siguro napansin rin ni mama na may problema ako kaya sa Sala na lang siya natulog. Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya. kasalanan to ni Chanyeol e

******

Nag hintay ako hanggang 6 ng umaga kay Chanyeol. baka kasi ihatid niya ako diba? pero hindi ko naman siya nakita. Wala. walang chanyeol na dumating. nang dahil sa paghihintay ko sa kanya late pa tuloy ako ngayon

"Good morning ma'am. i'm sorry i'm late" Magalang na sabi ko sa teacher namin ng buksan ko yung pinto ng room namin

Nang tumango na yung teacher namin ay agad rin akong pumunta sa upuan ko.

"psst! uy Dianna!" tumingin ako sa kanan ko ng marinig kong tawagin ako ni Shiela "Ok ka lang?" nag aalalang tanong niya. ngumiti lang ako at tumango.

Biglang pumasok sa isip ko kung ano kayang pinag usapan nila ni Chanyeol kahapon ng umalis ako.

Inaya na kaya siya ni Chanyeol ng date? nag pakilala kaya sila sa isa't isa? pinag usapan ba nila ako? Aish! masyadong maraming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam. ang dami kong tanong!

"Huh? Oo. bakit?" bulong ko sa kanya dahil nag tuturo parin yung teacher namin.

Late na nga ako ang ingay ko pa

"Wala lang. nakakapanibago kasi na late ka. ikaw kaya palaging unang studyante dito sa School!" ngumiti lang ako sa kanya at muling tinuon na sa teacher namin yung atensyon.

Hindi naman ako palagi yung unang studyante dito sa school. minsan kang naman mangyare yun kapag may gagawin kaming SCO na activities. pero kung wala naman. sa tamang oras lang din ako pumapasok. ano naman kasi gagawin ko dito kung sobrang aga ko diba?

Nang matapos na yung first subject namin na yun ay agad akong yumuko at umaktong natutulog. Sigurado kasi ako na marami nanamang lalapit sakin dito at tatanungin ako tungkol kay Chanyeol. akala mo naman magulang ako ni Chanyeol na alam ang lahat

"Hindi ko nakita si Chanyeol ngayon" rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko. "Kaya nga e. satingin mo bakit kaya late si Dianna? hindi naman nale-late siya diba? ngayon nga lang ata siya na-late" Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko

Bakit ba bini-big deal nila oagigibg late ko? kapag ba president ka, hindi ka na pwedeng ma-late? kapag lagi kang maaga pumasok bawal na rin ma-late. kainis! lahat na lang napapansin sila sakin

"Wag kayong maingay. mukhang Pagod si Dianna oh..." rinig kong sabi pa ng isa sa mga kaklase ko. buti pa to e. may malasakit sa taong gustong matulog ng maayos.

"teka... Hindi kaya, kaya pagod si Dianna at late siya ay dahil..." kumunot ang noo ko sa sinasabi ng isang kaklase ko. anong iniisip niya?

"OH MY GHAD!!!"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon