Chapter 26

24 1 0
                                    

Translation to previous chapter:
Hoksi neojoahanya? 혹시... 너좋아하아냐
translation: perhaps/maybe... you like me?

Chapter 26

"W-what?"

Tinanong niya ba talaga ako kung gusto ko siya? masyado ba akong halata? Hindi naman diba? umiwas na nga ako para hindi niya na rin mahalata. pero bakit parang baliktad pa ata yung nangyare? paano niya naman nasabi na gusto ko siya? paano?!

"Nothing. just forget it" Umiiling na sabi nito at nag tawag na ng waiter para bayaran yung bill.

Bakit ganun? paano niya nasabi na gusto ko siya? halata ba talaga ako masyado? Hindi naman diba? Kapag ba uumiwas yung tao may gusto na sayo?

mas halata pa nga na umiiwas ako sa kanya kaysa gusto ko siya kaya paano  niya nasabi yun? ni hindi ko nga siya kinakausap e!

"And oh, Pumunta ka sa Condo ko" Cold na sabi nito at tumayo na.

Bakit bigla siyang nag bago? diba kanina lang, ok naman. bakit bugla siyang naging cold? may nasabi ba akong mali?

"Huh?" Tanong ko agad ng bumalik yung kaluluwa ko sa katawan ko.

ano naman gagawin ko sa Condo niya?

Hindi niya ako pinansin at nag tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hinabol ko naman agad siya syempre.

"B-bakit naman ako pupunta sa Condo? ano bang gagawin ko dun?"

Tumigil siya sa pag lalakad kaya napatigil din ako. "I think you forgot that you're still my slave. you have debt remember?" Humarap siya sakin at muling ngumisi. Bakit ko ba kinalimutan yun? Slave pa rin pala talaga ako. Nakalimutan ko bigla yung utang ko sa kanya

"It's kinda messy there (Condo), so i want you to clean it" sabi nito at pumasok na sa kotse niya. pero nanatili parin akong nakatayo dito sa harap ng kotse niya

lalapait na sana ako sa kotse niya para sumakay ng bigla niyang paandarin yun at tuluyan ng umalis.

Iwan daw ba ako?! anong gusto niya pumunta ako dun sa Condo niya mag isa?! Ghad! bakit ba siya nag bago--- Oh, bakit hindi pala ako matuwa na nag balik na yung ugali niya? mayabang na ulit. iniinis niya na ulit ako at Paglilinisin niya nanaman ako ng sobrang duming bahay niya...

Hindi kaya, nagustuhan niya na si Shiela? Well, maganda naman at mabait talaga si Shiela e. Nag kausap na rin siguro sila kanina nung nag paalam akong mag CR. pero bakit parang nalulungkot ako? bakit parang ayaw ko na bumalik siya dating pag trato niya sakin?

Ang gulo ko na! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan yung sarili kong nararamdaman. Wala na talaga akong maintindihan!

Ngayon pa lang na hindi ako sinama sa kotse niya papunta sa Condo niya naiinis na ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot

Bumuntong hininga na lang ako at pumunta sa Bus Stop para sumakay. Tutal wala rin naman akong magagawa kundi ang pumunta dun e

*Ding dong*

inis kong pinindot yung Doorbell. Naiinis parin ako dahil sa kanya! Basta, ewan!

Nang dahil sa kanya gumastos pa ako para sa pamasahe ko papunta dito! Bwisit talaga siya! nagtitipid pa  naman ako ngayon! tapos gumastos pa ako ng dahil sa kanya. siya tong nag uutos sakin, kung hindi niya man lang sana ako sinakay sa kotse niya, dapata binigyan niya man lang ako ng pamasahe sa papunta sa pesteng condo niya diba?!

"You're here" nakangising sabi niya ng buksan niya yung pinto. pero hindi naman as in naka bukas talaga. Half opened lang siya.

"Buksan mo na yung pinto para makapasok na ko at magawa ko na yung pinapagawa mo sakin." sabi ko at tinulak siya ng kaunti

"if that's what you want" nakangising sabi niya at binuksan na ng tuluyan yung pinto.

agad rin naman akong umiwas ng tingin ng makita kong topless siya. AS IN TOPLESS talaga siya! TOPL. LESS! T.O.P.L.E.S.S.

"what? bakit hindi ka na makatingin?" kahit hindi ko na siya tignan alam kong nakangisi siya

Bakit ganun? dati gusto ko siyang bumalik sa dati niyang ugali, sa dati niyang pag trato sakin. yung lagi niya akong iniinis. pero bakit ngayon na bumalik na siya ganun niyang ugali at pag trato sakin, naiinis ako? ano bang nangyayare sakin? nababaliw na ba ako?

"Tss" yun na lang ang nasabi ko at dinaanan na lang siya. Anung akala niya naiilang ako sa kanya dahil topless siya? duh? ang dami kong nakitang lalaki na naka-topless. sa tV at picture nga lang. ngayon lang ako nakakakita ng Live, kaya medy naiilang ako! medyo lang naman!

"Saan ba ako maglilinis?!" inis na tanong ko sa kanya ng maka ratin g ako sa Sala.

"dito. buong condo ko linisin mo. ayoko makakita ng kahit isang dumi, understood?" taas kilay na tanong niya.

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "OPO Master Chanyeol" Sarcastic na sabi ko.

Iniiwasan ko lang talaga na wag mapatingin sa abs niya, na kanina pa ako inaakit. Bwisit kasi siya, ang yaman-yaman niya wala man lang ba siyang dami na maisuot?!

"Bakit nakatitig ka pa? mag linis ka na kaya. ang dami pang kalat oh" nakangising sabi nito ulit at pumasok na sa kwarto niya

napa irap na lang ako at pumunta na sa kusina para mag linis. Hindi naman siya ganun kadumi. katulad ng dating pumunta ako dito na sobrang dumi talaga. medyo-medyo na lang ngayon.

nakakapagtaka lang na ang daming can beer akong nakita. Umiinom ba siya? i mean, alam ko naman na umiinom talaga siya. pero hindi naman siguro na halos gabi-gabi siyang umiinom diba?

Pag tapos kong linisin yung kusina niya at hugasan lahat ng mga hugasin dun ay pumunta agad ako sa Sala para naman ligpitin yung mga gamit niya na nagkalat


At katulad lang ng dati ang dami ko nanaman nakuha na pera niyang nagkalat. Grabe ganito ba talaga kapag mayaman ka? kinakalat mo na lang talaga yung pera mo?

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon