Chapter 7

37 2 0
                                    

Chapter 7

Hindi ko naintindihan yung sinabi sakin ng Dad ni Chanyeol na i know everything. pag tapos niya kasing sabihin yun ay nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Aalis na ko ah?"

pagpapaalam ko sa Mayabang na nasa harap ko.

"Nope. You're staying here"

Nanlaki agad yung mata ko sa sinabi niya. 10 pm na!

"Gabi na. Uuwi na ko, bahala ka sa buhay mo"

pero umiling lang siya. bakit ba ayaw niya akong palabasin ?

umupo na lang ako sa kabilang sofa at nanuod ng TV. wala rin naman akong magawa

"Don't be interested in Baekhyun"

Napalingon agad ako sa kanya. bakit naman hindi ako dapat maging interesado kay Baekhyun?

"at bakit?"

"Just Don't"

Sabi nito at tumayo na. iiwan niya ako ngayon dito?

"Uuwi na ko ah?"

"No. Stay here"

aish! ano naman pantulog ko? saan ako matutulog? at paano kung irape niya ako?!

"No way. Baka irape mo pa ako"

" Kapal mo. ayoko sayo "

akala mo naman gusto ko siya. Umalis na siya at umakyat sa kwarto niya.

bahala na lang kung saan ako matutulog.

"Ma'am pinabibigay po sa inyo ni Sir. Chanyeol. ito daw po yung suotin niyo. sumunod narin po kayo sakin"

Nag nod lang ako at kinuha na yung mga gamit ko. pumasok kami sa isang kwarto na katabi ng Kay Chanyeol

"Dito daw po muna kayo mag stay"

Kinuha ko na sa kanya yung gamit ko at sinarado na ang pintuan. Bahala na lang bukas

***

"Sabihin mo sakin bakit hinatid ka ni chanyeol!"

Kinikilig na sabi sakin ni Sheila. Kanina niya pa ako kinukulit simula pa lang ng tumapak ang paa ko sa school namin

"mahabang kwento"

Sabi ko na lang. Pero umiling lang siya at ngumiti

"Sige na. bahala ka, Hindi kita titigilan"

Napa buntong hininga na lang ako. Magiging story teller pa ata ako.

"Simula umpisa ah!"

-FLASHBACK-

"Good morning po manang"

Bati ko ng makita ko si manang sa kusina. Mukhang nagluluto na siya ng agahan para kay Chanyeol

"Good morning po ma'am"

Ngumiti lang ako sa kanya at sinilip kung anong niluluto niya

"Tulungan ko na po kayo"

Sabi ko at kumuha ng isang sandok. Pero agad niya rin yun kinuha at umiling.

"Magagalit sakin si Sir. Chanyeol kapag inutusan ko po kayo. Ako na lang po magluluto at kayo na lang ang gumising kay Sir. Chanyeol"

"Hindi yun magagalit! ako nga laging inuutusan nun na linisin tong buong bahay niya o kaya yung condo naman niya"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon